Love at First Sight

35 5 11
                                    

"When I saw you I feel in love, and you smiled because you knew. After that, I cannot think straight anymore."
-William Shakespeare

Restless na naman ako! I looked at my watch again for the nth time. I released a deep sigh. Ang tagal ng oras! 15 more minutes pa bago tumunog ang bell; hudyat yun na tapos na ang class subject.

Hindi ko mapigilang tumingin sa kabilang gusali- Building of St. Augustine- ang ganda ng pagka carved ng mga letra in Gothic, kasing ganda ng Fine Arts student na nasa Room 501 ng gusaling iyon. Napapikit ako. "Ano kaya ginagawa niya at this instant? Binuksan na kaya niya yung box na nasa upuan niya? Was she thrilled to see what's inside? Nagustuhan kaya niya?" Nagreplay na naman sa aking diwa ang pinakasweet na smile na nakita ko in my 20 years of existence. That innocent smile na lalong pinapacute ng dimple niya just below the corner of her right mouth. That thin, pink lips of hers. That perfect white teeth. Tumigil bigla ang pag-ikot ng mundo ko. Feeling ko I'm in another dimension. "Anong gayuma mayroon ka at nakuha mong palambutin ang mga tuhod ko? Anong klase kang nilalang at kaya mong patigilin ang pagrevolve ng mundo ko? You are making me crazy!" In the corner of my mouth, umusbong ang isang devilish grin.

"Mr. Antonio Nikolas Ylaya IV!"
"Mr. Ylaya!"
Something sharp hit my shoulder! I groaned in pain! Unsubconsciously, napataas boses ko. "What in the world was that?!". Namula mukha ko sa pagka-irita. Siniko ako ng seatmate ko sabay bulong, " Niko, kanina ka pa tinatawag ni Prof. Dela Reva!". Napatingin ako kay Mags, seatmate at classmate ko sa lahat ng subjects. He is also my childhood and bestfriend. I read trouble in his expression. I gave him a nod, signal yun na nakuha ko ibig niyang ipahiwatig.

Sinurvey ng mata ko kung ano ang tumama sa balikat ko. Walang bahid ng puti ang navy blue polo shirt ko, so hindi blackboard eraser ang culprit. Sa hapdi na nararamdaman ko hanggang ngayon, I'm sure matigas na bagay ang tumama sa'kin. Napalinga linga ako, "ano kaya yun?", I quietly asked myself. Then at the left corner of my eye, I had a glimpse of someone approaching my direction.

"Ito ba hinahanap mo, Mr. Ylaya?" He is holding a black suede shoe on his right hand. I stand up and release a moan. Tinitigan ko ang aking professor sa mata, and humbly asked for an apology. "This isn't the first time na lumilipad ang isip mo Mr. Ylaya! I thought I made myself clear to the whole class that your attention is only to me! To my lectures!" I would not tolerate behaviours like that, am I clear?" I nodded in defeat. " My apology Prof. Dela Reva. It will never happen again".

"I am watching you Mr. Ylaya! You are now in my list! See me in my office at 7pm!" Sabay talikod. He left an eerie feel while doing that. No wonder binansagan siyang "The Professor With An Iron Hand". Ang daming Architecture students na takot sa kanya. But not me. Isa si Prof. Dela Reva sa mga iniidolo kong Architect/Professor. Sa mundo ng Architectural Engineering, Prof. Dela Reva is truly The King!

Dahan-dahan akong umupo habang hinahaplos haplos ko ang aking balikat. " Nagdaydream ka na naman sa girl na yun!", sambit ni Mags. "Pare, I can't help it. Hindi siya mawala sa isip ko." "Oho! You're in deep trouble man! In deep trouble!", pangising sabi ni Mags.

Tumingin ulit ako sa relo, 3:55pm.
" Limang minuto na lang Niko at masisilayan mo na ang rason ng pagkabalisa mo, si Cataleya!", bulong ko sa sarili. Iniisip ko pa lang pangalan niya, feeling ko umaakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Para akong malulunod. Parang ang bilis bilis ng heart beat ko. Para akong naghahabol ng hininga ko. Tama nga siguro si Mags
I'm in deep trouble. Kinapa ko dibdib ko, I gently rub it while murmuring, "kalma lang heart. Please, kalma ka lang."

Hi there! Comments and votes are like raindrops in the desert. If you like this chapter, give me a miracle. Magpaulan kayo sa desyerto!

Much love,
engkantadang_gala

Someone Like YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon