D' Moves (I)

7 2 0
                                    

"I could be whatever you want. You just tell me what you wànt, and I will be that for you."
-Nicholas Sparks, The Notebook


Saturday has arrived. Ito na ang araw na hinihintay ko. A date with my goddess! Hindi pa rin ako makapaniwalang nailusot ko yung linyang yun with such ease. Good job Niko sabi ko sa sarili ko while I patted my head twice. Tiningnan ko ulit ang postura ko sa salamin. Yellow green UCB shirt, baggy denim and white sneaker. A good casual look for a date. Ano kaya ang attire ni goddess? I better hurry para may time pa kaming magkwentuhan sa bahay nila. Time checked: 10am.

May narinig na honking si Cataleya. She checked it out. It's Niko in his motorbike. Napanganga si Cataleya. Bakit siya nakamotor? Meaning to say, I will ride with him on our way to the mall? Hindi ba masyado "pachansing" naman ata yun. But she brushed that idea off. Binuksan niya yung gate para makapag park si Niko ng maayos.

Hi! Good morning, Cataleya! Pangiting bati ni Niko. Good morning too Niko. Halika ka sa veranda. Maaga pa ah! Hala! Sinadya ko talagang agahan pagpunta para may time tayong mag usap. You know, to be comfy with each other. Ah, I see. Upo ka muna. I'll get ready na rin. So while waiting for Cataleya, Niko had a good chat with her Mom. May mga bits and pieces siyang nadiscover tungkol kay goddess. Madaling nahulog ang loob ng Mom ni Cataleya kay Niko. Ganun din naman ang nararamdaman ni Niko. Palagay ang loob niya habang nagkwekwentuhan sila.

Lumabas si Cataleya sa kwarto. Napanganga si Niko sa nakita niya. Cataleya is in her pink plaid blouse, white skinny jeans, and pink sneakers. Nakatali yung buhok niya in a bun but she left the bangs hanging. My God! Ang cool naman ng chick na to! Hindi talaga mapigilan ni Niko na humanga sa fashion sense ni goddess. Hey, you looked awesome. Ang cool! Thanks! Ikaw rin naman. Ang cute mo sa shirt mo. Bagay sa iyo mga pastel colours. Na eemphasize yung moreno mong kulay. Sambit ni Cataleya. Parang hindi na nakaapak sa sahig ang mga paa ni Niko that moment. Sobra siyang kinilig sa compliment na natanggap niya pero hindi siya nagpahalata. Shall we go? Anyaya niya. Tumango si Cataleya. Nagpaalam ng maayos si Niko sa Mom ni Cataleya. Sabi niya ibabalik niya si Cataleya around 9pm kung okay lang. Umo-o naman ang Mom niya. Nasa garahe na sila Niko at Cataleya. Hindi ka naman takot sumakay ng motorsiklo right? Hindi naman. Sanay ako magback ride kina kuya. Good! Maganda kasi ang weather kaya naisipan kong magmotor tayo. Yeah! Nice yang idea mo. Ok! O, huwag kang gumalaw. Medyo nagulat ng konti si Cataleya. Hinaplos kasi ni Niko yung ulo niya. Inayos yung buhok niya. Tapos maingat na isinuot ni Niko ang helmet kay Cataleya. He even adjusted kung tama na ba yung pagkakasikip ng adjustable belt below the chin. Nagblushed ng konti si Cataleya. Napansin yun ni Niko. Natuwa si Niko sa nakita niya. Okay na ba yung fit ng helmet? Oo. Salamat. Mahiyaing sagot ni Cataleya. Halika ka na! Hop on! Wait! Hindi mo pa naisuot helmet mo! Hala! Nakalimutan ko sa sobrang excited! Hahahaha! Loko ka talaga! Sabay hampas ni Cataleya sa braso ni Niko. Hala! Hampas ng pagmamahal yun ha! Ayeee! Ano ba!!! Hahahaha! Di namalayan ni Cataleya na kinurot niya si Niko. Wow! Kurot ng pagmamahal na naman! Yeeees! Hahahaha! At that moment, tuluyan na talagang nagblush si Cataleya! Ayaw man niyang aminin pero gusto niya ang pang aasar ni Niko. Ang cute! Hay, ayoko ko na nga! Hala! Huwag na magtampo. Kahit isang milyong kurot at hampas pa yan basta galing sa yo, tatanggapin ko! Hahahaha! Waaaaaaaaa! Ayan ka na naman! Tapos pareho silang nagtawanan. Ang ganda ng pakiramdam ni Niko. Dahil sa kurot at hampas ni Cataleya, feeling niya natibag niya kung ano man yung wall na nakapagitan sa kanila. Habang nasa hi-way na sila, kinabig ni Niko ang manibela para huminto sandali. Oh bakit? Hindi niya pinansin ang tanong ng dalaga. Tapos, may ginawa siyang ikinagulat na naman ng dalaga. Itong dalawang kamay mo dapat nakahawak sa waist ko tapos yang ulo mo dapat naka rest sa balikat ko tapos yang katawan mo ilapit mo ng konti sa likod ko. Ganito. Aakma sanang ewithdraw ni Cataleya ang mga kamay niya pero natigilan siya ng magsalita ang binata. Di ba sabi mo sanay kang magbackride sa motor ng kuya mo. Yun din yung gawin mo sa akin. Hindi ito chansing ha. Ang stiff mo kasi. Feeling ko matutumba tayo pag nagswirl yung motor sa tigas mo. May sense naman yung sinasabi ni Niko. Kanina pa talaga siya naninigas. Conscious na conscious siya kaya siguro ganun. Sorry. Tapos niyang sabihin yun, kusang loob na siyang yumakap sa binata. Natawa ng palihim si Niko. Feel na feel niya yung init ng katawan ni Cataleya at tsaka yung kabog ng dibdib nito. Ok! Good positioning yàn. At pinaandar niya ulit ang makina ng motor.

11:35am na sila dumating sa parking space ng mall. Halos puno na rin yung parkingan ng mga motorsiklo. Pagbaba ni Cataleya, hinarap siya agad ni Niko. O, wag gumalaw. Agad agad niyang tinanggal yung helmet ng dalaga. Sinuklay pa niya gamit ang kanyang mga daliri ang nagusot na bangs nito. Napansin ni Niko na hindi na nagulat si Cataleya. Wala ng resistance. Ikinatuwa niya yon as in big time. Ngumiti yung dalaga sa kanya. Thank you. Pabulong nitong sabi. Anytime, basta ikaw! You're welcome. Ayan ka na naman eh! Hala! Wala akong sinasabi ha! Isang hampas ng pagmamahal nga dyan! Hahahaha! Loko! Tara na! Mainit! Hahahaha!

Ano gusto mo for lunch, Cataleya? Low maintenance lang naman ako. Happy na ako sa steamed rice, siomai at spring roll. Ley na lang Niko, masyado mahaba yung Cataleya eh. Gusto ko rin yung siomai. May Chinese restaurant dun sa 4th floor. Tara na! Ay, ayoko ko yung Ley. Mas cute pakinggan ang Cataleya! Hindi ako mapapagod kakabigkas ng Cataleya, I swear, cross my heart! Naks naman yang mga birada mo ha! Ang haba na ng hair ko. Sumayad na sa floor! Hahaha! Ang cute mo! Sabay kurot sa pisngi ng dalaga. Hoy! Chansing yun! Halata ba? Slight lang naman. Tapos sabay silang nagtawanan.

Nang sandaling yun, narealized ni Niko na si Cataleya ang gusto niyang makasama sa iisang bubong, sa kanyang mga tagumpay at kabiguan, sa kanyang pagtanda.

Thank you, Cataleya. For what? For this moment. Sabay haplos sa kaliwang dibdib niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Someone Like YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon