Sophie's World

33 0 0
                                    



Kinagatan ko nang malaki ang croissant. Wala akong tulog at sigurado akong sasakit ang mga buto ko sa board meeting na naka-schedule bukas. Kailangan kong ipaintindi sa papa ko ang sitwasyon ng kompanya.

Bumaba ang stock price namin at malaking porsyento niyon ang nabili at mukhang iisang tao ang may gawa. Kung sino ay hindi ko pa alam. Sa unang tingin, parang maganda iyon. Pero ang pagbili ng malaking porsyento ng shares sa panahon na mababa iyon ay puwedeng indication ng isang hostile takeover. At hindi iyon maganda kahit saang anggulo.

Minasahe ko ang magkabilang sentido ko. Hindi ako makapag-isip. Kung may kakampihan man si papa sa meeting bukas, ang nasisiguro ko lang ay hindi ako iyon. Uminom ako ng tubig pagkatapos ay tumayo ako para mahiga sa sofa. Iniipit ko ang ulo ko sa pagitan ng armrest ng sofa at ng throw pillow nang mag-ring ang doorbell.

"'Andiyan na," mahina kong sagot kahit alam kong hindi naman ako naririnig ng nasa labas. Maluwang kong binuksan ang pinto.

"Helloo!" Pinatuloy ng kaibigang kong si Ruo Han ang sarili niya bago pa ako makapagsalita. "Baka raw pagod ka sabi ni Kuya Rui kaya niyaya ko si Nadja na puntahan ka dito at tingnan kung ano ang maitutulong namin."

Magkapatid sina Ruo Han at Rui. Childhood friends kaming tatlo. Maputi si Ruo Han at itim na itim ang tuwid na buhok niya. Maputi rin si Rui, at siguro dahil nga Filipino-Chinese kami kaya maganda ang kutis ang namin.

Morena naman si Nadja. She works as a model and is very stunning. Siya ang maituturing kong best friend. Filipino-Spanish naman siya.

"Ano'ng nangyari sa 'yo, Sophie? Kilala pa ba ng buhok mo ang salitang suklay, ha?" pang-ookray ni Ruo Han.

"Tama nga si Rui, kailangan mo ng pahinga. Mabuti na lang at ikakasal na kayo, kung di wala ka nang pag-asang makahanap ng kasing-guwapo niya sa hitsura mo ngayon," gatong ni Nadja. Bagay na bagay sa complexion niya at balingkinitang katawan ang suot na puting dress. "Para kang... parang... Hmp, di bale na!"

Masyado talagang exaggerated ang babaeng ito. Pero parang naiirita talaga si Nadja sa suot kong pajamas at T-shirt.

"Okay lang 'yun, Nadja. Kaya nga tayo nandito," sabi ni Ruo Han.

"Hindi ko alam kung ano ang binabalak n'yo, pero mabuti pa kayong dalawa na lang ang lumakad," taboy ko. Muli akong nahiga sa sofa at pumikit.

"Hindi ka puwedeng tumanggi. As if naman papayagan ka namin!" may pagka-bruhang sabi ni Nadja.

At pagkatapos akong ikulong ng dalawa sa spa at ipag-shopping ng damit, we ended up in one of the most expensive karaoke rooms in Makati. Aaminin ko na natutuwa ako sa kanila, pero hindi ko maipapangako na hindi ko sila tutulugan.




"GUSTO KONG MALAMAN ang lahat tungkol kay Philip Yu, ang kompanya, pamilya—lahat."

Iyon ang pinaka-good morning ko kay Mrs. Chen. Hindi ordinaryong secretary ang matandang babae. Sigurado akong nakapag-research na siya pagtawag pa lang ni Mr. Yu sa opisina.

"Nakaka-insulto ka, Ian. Heto." May iniabot siyang folder at umirap. "Nai-send ko na rin ang scanned copies niyan sa e-mail mo."

Nginitian ko siya nang muli siyang tumingin sa kinatatayuan ko. "Ano na lang ang mangyayari sa 'kin kung wala ka, Mrs. Chen?" tanong ko.

A Business MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon