Decisions, Decisions

4 0 0
                                    


Chapter Six

Tumuloy ako sa kuwarto ni Lolo. He's in his seventies, pero maraming matataas na tao sa business community ang patuloy na humihingi ng opinion niya pagdating sa pag-i-invest. At kailangan ko ang payo niya ngayon.

Umupo ako malapit sa kama niya. Nakasandal siya sa headboard at nagbabasa ng libro. Itinabi niya iyon at hinintay akong magsalita. Kinumusta ko muna kung maayos ba ang pakiramdam niya. Tumawa lang siya at sinabing kaya niya akong talunin sa golf kahit ngayon pa ako mag-aya.

"Baka sa game of Go ang ibig mong sabihin, Lolo," sabi ko. Chinese board game iyon kung saan ang objective ay mapalibutan ang kalaban at magkaroon ng mas maraming teritoryo.

He smirked. "Talaga? Magpapatalo ka?"

I shrugged. "Lolo, I believe makakatulong sa atin ang merger." Hindi na ako makapaghintay.

"Ipinagkatiwala ko na sa 'yo ang kompanya. Wala ka pang desisyon na naglagay sa 'tin sa alanganin. Pinagdududahan mo ba ang kakayahan mo ngayon?"

Hindi ko sinagot ang tanong niya. "Kung tatanggapin ko ang offer ng PHILBC, tayo ang panalo kahit saan tingnan. Aanihin natin ang pinaghirapan nila at ang kompanyang nagsimula ng lahat ng ito ay mapapasaatin."

Bumaba si lolo sa kama at naglakad papunta sa malaking bintana sa silid niya. Humarap siya roon at hinawi ang kurtina.

"Ano ang kapalit?" tanong niya.

"Naghihintay pa ako sa bombang ibabagsak ni Philip Yu. Sigurado akong hindi niya ipapamigay nang ganoon-ganoon lang ang kompanya nila. Tatanggihan ko na siya bago pa niya ako makumbinsi."

"Ano'ng ikinakatakot mo?"

Again, hindi ako sumagot. Hindi pa ako handang sabihin kay Lolo kung bakit ayaw kong ma-involve sa PHILBC. Baka hindi ko talaga masabi sa kanya.

"Nahuhuli na ako sa balita. Hindi ko alam na may problema ang kompanya nila. Napapahanga mo ako talaga, Ian. Imagine, ikaw ang napili ni Yu para iligtas ang kompanya nila. Kaysa nga naman may bigla na lang may mag-takeover. Walang duda na ang pinsan niyang si Patrick Yan ang unang-unang gagawa n'un."

"The offer is tempting," I admitted. "The profits to be gained are enormous, in prestige if not in money. Ayaw ko sanang palampasin. Alam 'yun ni Philip Yu at gusto niya akong mapapayag bago niya sabihin ang kondisyon niya."

"Wala kang magagawa kundi maghintay," sagot ni Lolo.





ISANG LINGGO ko nang pinag-iisipan ang sinabi ni Papa. Hindi mawala ang bigat sa dibdib ko. May dinner appointment daw kami kay Mr. Ian Zhang bukas ng gabi, Martes.

Ano na lang ang mangyayari sa akin sakaling pumayag ang Mr. Zhang na iyon sa business marriage? Matutulad ba ako sa mga babaeng kontento na sa loveless na pagsasama? Mag-aanak kung posibleng magkaanak dahil kailangan? Matatanggap ko ba kung siya iyong tipo ng lalaki na may isa o dalawang querida?

Sana pumayag na lang siyang tulungan ang kompanya namin kahit walang kasal sa pagitan ng mga pamilya namin.

Hindi ako makatulog nang maayos nitong nagdaang mga gabi. Kaya ko kayang kumbinsihin si Mr. Zhang na huwag pumayag?

Just look the other way, Mister! Hayaan mo kaming bumagsak nang may dignidad! Ako nang bahala sa kompanya namin...

Binuksan ko ang pinto nang mag-ring ang doorbell. Ang magkapatid na Rui at Ruo Han ang dumating. Ang totoo, pinapunta ko talaga si Rui. Hindi ko inaasahan na kasama niya si Ruo Han.

"I can't believe it!" ang bati niya sa akin. "Hindi talaga kayo engaged? Matagal na kayong break?"

Napatingin ako kay Rui sa OA na reaction ng kapatid niya.

"Hayaan mo lang siya. Kailangan niya raw mag-vent."

Tumango-tango lang ako. "Upo kayo. Kukuha ako ng maiinom."

"Mag-order tayo ng dinner," suggestion ni Rui. Naka-executive attire pa siya, halatang kagagaling lang sa office. Hindi ko alam kung isinabay niya si Ruo Han papunta rito o kung magkaibang sasakyan ang gamit nila.

"Sige, tatawag ako sa restaurant sa ibaba," sagot ko. Kabisado ko na ang gusto nilang kainin.

"Bakit mo ba kami pinapunta rito?" tanong ni Ruo Han at napangiti ako. Isinama niya talaga ang sarili niya sa imbitasyon samantalang si Rui lang naman ang tinawagan ko.

"Papa wants me to marry a possible business partner," I said. Pinapunta ko si Rui dahil tingin ko tama lang na sa kanya ko unang i-discuss iyon.

Napanganga si Ruo Han. "Seryoso ba si Uncle Phil?" tanong niya pagkaraan ng ilang segundo.

"Hindi pa naman pumapayag iyong potential business—"

"Have you met the man?" tanong ni Rui.

Umiling ako. "Ayokong mag-research tungkol sa kanya. It's Ian Zhang."

Napatitig sa akin si Rui. May alam ba siya?

"Are you sure it's Ian Zhang?" tanong ni Rui.

Tumango ako.

"What is it, ?" tanong ni Ruo Han sa kapatid. "Kilala mo ba siya? Guwapo ba? How old is he?"

Itinaas ko ang kanang kamay ko nang gayak na sasagot si Rui. "Stop! Ayokong malaman. Ayoko munang makarinig ng kahit ano tungkol sa kanya. Pag-usapan n'yo na lang kapag hindi ako kaharap."

Bumuntong-hininga si Ruo Han. "Hindi ako makapaniwalang tumanggi kang pakasalan si Kuya dahi sabi mo kaibigan lang talaga ang turingan n'yo, pero kino-consider mong magpakasal sa isang estranghero gayong ni hindi mo sigurado kung kaya mo siyang i-respeto bilang tao, much less as a friend."

Hindi ko siya masisi sa bitterness sa tono niya.

"Don't mind her, Sophie. Malungkot lang talaga siya dahil hindi natuloy ang pagiging maghipag n'yo. But she means well. At hindi siya galit sa 'yo."

Tumingin sa akin si Ruo Han mula sa pagbubuklat ng magazine at tumango-tango. "He's right. I still love you, sis," she said.

What do I say to that?

Tumayo ako nang muling mag-ring ang doorbell. Our food is here. Kumain na ako kanina, pero mas may appetite ako ngayong nandito na sila at kakain ako ulit.

Nag-drive ako papunta sa meeting place namin ni Mr. Yu. Buo na ang desisyon ko. Hindi ko hahawakan ang kompanya niya.





LIGHT GREEN at indigo ang motif ng Chinese restaurant. Inaasahan ko nang ganitong lugar ang pipiliin niya. Sinamahan ako ng manager papunta sa isang private dining area.

At hindi ko inaasahan na ang prinsesa ng mga Yu ang naghihintay roon.

Nakita kong napaawang ang mga labi niya. Mukhang hindi rin niya ako ini-expect na makita roon.

Naupo ako sa tapat niya. "So good to see you again, Sophie."

"You are Ian Zhang?" Medyo nakabawi na siya.

"You can call me Daniel," I said.

A Business MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon