CHAPTER ONE

6 0 0
                                    

TINA POV

Nagising ako bigla dahil sa sigaw ng aking tiyahin na si tiyang Mila.

"Tina gumising kana dyan tirik na ang araw at ikaw tulog parin"sigaw niya sa labas ng aking kwarto.

"opo tiyang gising na ako"sigaw ko pa balik sa kanya,"abat  bata ka marami nang tao sa karenderya ikaw na tutulog parin, tulungan mo nga ako dito"kuntyaw niya sa akin sa labas

Bumangon na ako at naligo pagkatapos ay lumabas na ako at kumain ng almusal, pagkatapos kung kumain ay agad kong tinulungan si tiyang sa pag bantay sa karenderya.

Ff

Nakakapagod maghapon na mag bantay sa karenderya ni tiyang dahil marami rami rin ang mga kumakain dito dahil masarap talagang mag-luto si tiyang hindi lang halata.

Pag-dating ng hapon ay naubos na  nga ang mga ulam at naglinis agad ako dahil maaga-aga pa naman siguradong uutosan na naman ako ni tiyang na pumunta ng palengke at bumili ng mga bagong putahi na kanyang lulutuin bukas ng umaga.

Nakapag tapos na akong maglinis at inutusan talaga ako ni tiyang na mamalengke ng mga putahi para bukas, umalis na ako at sumakay ng tricycle papunta sa palengke dahil medjo malayo-layo rin ang palengke dito sa amin.

Pagka dating ko sa palengke pumunta agad ako sa suki namin na si mang Roly, nagbebenta kasi siya ng mga  karning baboy at karning manok.

Siya ang naging suki namin ni tiyang dahil kaibigan din naman sila ni tiyang.

"oh tina nandito kana pala"sabi niya sakin
"ahh opo mang roly bibili po sana ako nang karning manok at baboy po"
"sige iha ilang kilo ba ang kailangan mo?"saad niya
"apat na  kilo lang po ng manok at limang kilo po ng baboy"sagot ko
"yun lang ba lahat?"
"opo yan lang po ang inutos ni tiyang sakin"

Pag katapos ay binigay na sa akin ni mang roly ang mga karne at nag paalam na akong umalis upang bumili ng mga gulay.

Pumunta ako ni manang delia at bumili ng mga gulay na inutos sakin ni tiyang, habang nag liligpit si manang delia sa aking mga pinamili ay napukaw ang atensyon ko sa mga taong nag si labasan at para bang may dumating na artista dahil lahat ng mga tao ay pumunta doon upang tignan kong sino ang dumating.

At ako naman ang dakilang sismosa ay lumapit din upang tignan kong sino ang dumating, may magandang kotse na itim na nakaparada sa labas ng palengke at may mga naka itim na suit na mga lalaki at biglang lumabas ang matangkad,gwapo,matipuno ang pangangatawan na lalaki para bang nag slowmo ang aking paningin nang lumabas siya sa sasakyan.

Nagulat ang lahat ng makita ang lalaki at nagtataka ako na makita ang kanilang mga mukha na sobrang takot para bang nakakita sila ng multo.


"bakit siya nandito?"

"bumalik na siya siguradong mawawalan na tayo nang pamumuhay nito"

"sana di nalang siya bumalik"

halo-halo ang mga bulungan na mga tao ang aking mga naririnig para bang may dadating na dalubyo sa kanilang buhay.

Aalis na sana ako nang mag katinginan kami ang lamig ng kanyang mga mata para bang walang emosyon akong nakikita dito.
Kaya dali dali akong nag-iwas ng tingin at umalis upang kunin ang aking mga pinamili.

Nag-tanung ako kay manang kung sino iyon.
"manang sino po ba ang dumating?"tanong ko dito
"iha siya si Anthony Diez ang may ari ng lupa ng palengke na ito"saad niya
"bakit po parang natatakot ang mga tao sa kanya?"
"kasi iha nangako ang kanyang ama na noong umalis sila dito sa lugar nato ay babalik ang kanyang anak upang tayuan ang negosyo ang lupang ito at paaalisin nila lahat ang mga tao dito sa lugar nato" mahabang saad niya sa akin

Pagka tapos ay umuwi na ako at dali-dali ko namang sinabi ni tiyang ang aking mga nakita kanina sa palengke.
Binaliwala lang ni tiyang ang aking sinabi at para bang sigurado siya na walang mangyayari na ganon para bang nababasa niya ang mga isip ng mga Diez.
Kaya binaliwala ko nalang siya at umakyat na dahil madilim nadin at matutulog na din ako dahil pagod ang aking katawan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Right Person,Wrong TimingWhere stories live. Discover now