Simula

1 0 0
                                    

"Make the best memories while you are still in high school because when you are in college, the reality of life will hit you very hard to the point where you can no longer find the joy and fun." Muling pumasok sa isip ko ang sinabi ng aking nakakatandang kapatid. Malapit na ang pasukan at ramdam ko na ang kaba habang naiisip ang mga maaaring mangyari sa akin sa kolehiyo.

Notification: Deanna Nyl sent you a message.

From Deanne: George, bukas na yong site ng school for enrollment. Mas maganda kung ngayon ka mag pa-enroll para maging section A ka.

Dali- dali kong binuksan ang website na binigay ni ate at nang makapag-enroll na. Mula senior high school plano ko na talagang kumuha ng BS Accountancy dahil sabi ng uncle ko, ipapasok niya ako sa bangkong pinagtatrabaho-an niya kapag ako ay naka pagtapos. Kahit na alam kong mahirapan ang kursong ito, pipilitin kong indahin ang hirap ng pag-aaral upang matulungan ang aking pamilya. Kabado man sa desisyong ito, pinindot ko na ang BS Accountancy.

"Hay sa wakas, tapos na rin akong mag enroll." Sabi ko kay mama habang siya ay nag luluto.

"Sure ka na ba sa course mo?"

"Yes ma. Feel ko kaya ko naman."

"Siguraduhin mo lang yan nak. Alam mo namang mahirap tayo. Kailangan mong makapag tapos kasi tumatanda na kami. Dadating yung panahon na hindi na namin kayang magtrabaho para sa inyo ng ate mo."

Pinipigilan ko ang mga luha kong tumulo. Naaawa na ako sa mga magulang ko. Gusto ko mang makapagtapos ngayon na ngayon, hindi pwede. Kailangan ko pang maghintay ng apat na taon upang matupad ko yong mga pangarap ko.

"Opo mama. Sa kwarto lang muna ako."

At tumulo na nga ang mga luhang kanina ko pinipigilan. Makakapagtapos ako, kung hindi ako ang tatapusin ng mga magulang ko. Magsisimula na ang tunay na laban ng buhay. It's now or never.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Daily Dose of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon