Hinintay kong mag-alisan muna ang mga tao bago ako lumapit sa puntod. Mabagal ang lakad ko, kabaligtaran ng kalabog sa dibdib ko.
Siniguro kong nakaalis na ang mga dumalo kanina, pero hindi pa rin ako mapakali. Takot pa rin ako na baka mahuli ako. Na baka malaman nila kung sino ako. Kung ano ang koneksyon ko. Bakit ako nandito...
Dahil sino nga ba naman ang pupunta sa libing ng taong hindi mo naman kilala? Maliban na lang kung may atraso.
Marahan akong lumuhod at ibinaba ang hawak na puting rosas sa ibabaw ng lapida.
Henrietta C. Yonzon
April 1, 1983 – April 1, 2023It feels...weird. Na nandito ako. Sa puntod ng babaeng hindi basta namatay kundi nagpakamatay.
Paano niya ginawa? Nagbigti ba siya? Binaril ang sarili? Gusto kong malaman sa hindi malamang dahilan. Paano niya nagawa 'yon? Hindi ba niya naisip na may anak at asawa siyang maiiwan?
Asawa...
Napapikit ako nang makaramdam ng kirot sa dibdib. Ano kayang naiisip ngayon ni Mama? Pareho ba kami ng naiisip? Nagsisisi na ba siya?
"Sino ka?"
Saglit akong hindi nakagalaw. Dumoble ang kabog sa dibdib ko. Mahuhuli na ba ako?
"Tinatanong kita. Sino ka?" mahina pero mariin ang tono ng boses niya.
Marahan akong tumayo. Huminga ako nang malalim bago nilingon ang lalaki.
Sa mata pa lang, sigurado na ako kung sino ang nasa harapan ko. Napaatras ako dahil nakita ko sa mga mata niya ang pagkakakilanlan sa akin. Kung paano? Hindi ko rin alam. Nakita niya ba sa akin ang anino ng babaeng sumira sa pamilya niya?
Malalaki ang hakbang niya nang sinugod ako. Hinawakan niya ako sa braso...nang mahigpit. Pakiramdam ko mababali 'yon. Napadaing ako sa sakit.
"Akala mo hindi kita makikilala?" May poot na sa tono ng boses niya.
Sinubukan kong kumawala sa hawak niya pero mas lalo niya lang hinigpitan.
Kung ako ba ang nasa posisyon niya, ganito rin ba ang reaksyon ko? O mas malala pa?
"Bitawan mo ako," mahinahon kong utos sa kanya.
Natawa siya. Pero hindi 'yon umabot sa mga mata niya.
Nakahinga ako nang maluwang nang marahas niya akong binitawan. Napaatras ako sa lakas.
Patagilid ko siyang tiningnan habang hinihimas ang braso ko. Halos magkamukha sila ng lalaking nakita kong kasama ni Mama. Matangkad. Moreno. Naghahati sa bilugan at singkit ang mga mata.
But this man in front of me exudes rage. At kung ako man ang nasa kalagayan niya, alam kong gano'n din ang maipapakita kong emosyon.
"Condolences," halos ibulong ko 'yon. Hindi 'yon sapat pero pinigilan ko ang sariling 'wag na 'yong dugtungan.
Tumalikod siya, nakapamaywang. Muli siyang humarap at lumapit sa 'kin.
"Nasaan..." Nagtiimbagang siya bago nagpatuloy, "Nasa'n sila?"
Umiling ako at nag-iwas ng tingin. "H-hindi ko alam."
"Imposibleng hindi mo alam."
Alam ko. Pero hindi ko alam kung ano'ng pwedeng mangyari kapag sinabi ko. Naglalaro sa isip ko ang hindi magagandang eksena. Ipapakulong ba nila si Mama? Maaaring hindi makulong si Mr. Yonzon dahil may pera siya, pero si Mama... Wala siyang kakayahan. Siya ang mas madidiin.
"Ipapakulong mo ba si Mama?" matapang kong tanong.
Hindi siya sumagot. Nakatingin siya ngayon sa lapida ng mama niya, seryoso at blangko ang emosyon. Hindi na siya nagsalita kaya naisip kong baka gusto niyang mapag-isa.
"Aalis na ako," paalam ko at naglakad na palayo.
"May nakalimutan ka."
Mabilis ko siyang nilingon pero napadaing ako ng tumama sa pisngi ko ang tinik ng rosas na dala ko kanina. Pinitas ko lang 'yon sa mga tanim ko at hindi ko na tinanggalan pa ng tinik sa pagmamadali. Nagkamali ako.
"Anong problema mo?!" singhal ko. Ayokong magalit pero masakit 'yon, a? Marahan kong hinawakan ang pisngi ko at naramdamang basa 'yon.
"Kayo ng nanay mo ang problema ko! Sabihin mo sa 'kin kung nasa'n sila," angil niya, mariin ang tingin sa 'kin.
"Hindi ko nga alam! Sinabi ko na kanina!" Hindi ko napigilang magtaas ng boses; nafu-frustrate na ako sa sitwasyon. Ang naging kasalanan ko lang naman, anak ako ng kabit ng tatay niya. At nandito ako dahil ako 'yong nakokonsensya sa ginawa nila.
Tumakbo na ako palayo roon. Akala ko hindi na niya ako susundan, pero nagulat ako nang bigla niyang hinatak ang braso ko. Na-out of balance ako kaya sabay kaming sumubsob sa damuhan.
Narinig ko siyang napamura nang tumama ang siko ko sa tiyan niya. Sigurado akong masakit 'yon.
"Sorry!" agad kong sinabi nang makatayo. "Hindi mo kasi ako dapat hinigit!"
Hindi siya sumagot. Nakayuko siya at iniinda pa rin ang sakit. Kinuha ko ang oras na 'yon para makatakas.
"Mangyayari din sa'yo 'to!" rinig kong sigaw niya.
Hindi ko 'yon agad naintindihan. Nanatili sa isip ko ang sinabi niya hanggang sa makauwi ako. Mangyayari din sa 'kin? Alin? Ang sa mama niya? Kinilabutan ako nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin. Dahil posible. Naniniwala ako sa karma. Kung hindi man kay Mama, maaaring sa 'kin ang maipasa.
Will I be punished for my mother's sin?
BINABASA MO ANG
Breaking His Jinx
RomanceTrigger Warning: Suicide, Depression Status: Ongoing Date started: 7 April 2023 Date completed: N/A