Chapter 6

30 2 0
                                    

Stephanie's Pov.

" Pangit! Tara na, pupunta na tayo sa mall. 7:00 na. "

May nag sabi habang half awake at half asleep ako.

" Ano ba! Inaantok pa ako eh. " - me

" Ayaw mo kumain ng dinner? "

" Mamaya na. " - me

" Okay, gigisingin nalang ulit kita mamaya. "

" Okay. " - sabi ko at natulog na ulit

1 hour later

" Pangit, gising na. "

Hayyy, napagod yata ako sa park kaya ako naka tulog. Binuksan ko mga mata ko at nakita si Darren at JK. Ewan ko ba pero tawang tawa sila.

" Gising na ako. Ano ba gagawin natin sa mall? " - me

" Wala naman. Kakain lang tayo ng dinner. Kasama si Yaya Mirinda at si Tatay Giovanni. " - Karlos

" Ah okay. " - me

Pumunta na kaming lahat sa mall, dumeretsyo kami sa restaurant. Habang nag oorder kami, nakikita ko si Karlos na tingin ng tingin saakin at tawang tawa siya. Tiningnan ko si Darren at pinipigilan na din niya tawa niya. May problema ba ako?

" Huy, bakit kayo tingin ng tingin at tawang tawa saakin? May problema ba? " - me

" Ha, wala naman. " - Darren

" Tara, samahan kita sa CR. " - Karlos

Wow. Di naman ako na jijingle eh. Pero, sige. Check ko lang mukha ko.

Pumunta na kami ni Karlos sa CR.

" Dito nalang ako. " - Karlos

" Okay. " - me

Pumasok ako sa CR at......

Juan Karlos' Pov.

Tinawag ko si Darren para malaman din niya reaction ni Alyssa pangit.

" Takte naman oh!!! Mga impacto yata kayo eh!!! Ang hirap kaya tanggalin ng makeup, makeup na permanent marker ang ginamit!!! " - Stephanie

Lumabas si Alyssa CR at tiningnan kami ni Darren. Galit yata siya eh. Pumunta siya sa table namin at umupo nalang.

" Darren, kailangan ko yata mag sorry ah. " - me

" Ako din yata bro eh. " - Darren

" Don't worry bro, wala ka namang kasalanan eh. It's all me. " - me

" Maybe you should say sorry now. Para hindi na tumagal yang away niyo. " - Darren

" Yeah, I'll do it now. " - me

Pinuntahan ko si Alyssa at hinila siya palabas ng restaurant.

" Bakit mo ako dinala dito? " - Alyssa

" Gusto ko lang mag sorry. " - me

" Sino ba gumawa nito? " - Alyssa

~ Flashback ~

" Hayyy nako, ayaw pa gumising, di naman siya sleeping beauty. " - me

" Kuya JK! " - sigaw ni Lynelle habang may hawak na yellow permanent marker at naka bukas ito.

" Lynelle! Bakit ka andito? " - me

" Binigay ko kasi kay kuya Darren yung mga permanent marker eh. " - Lynelle

Habang nag sasalita si Lynelle, nakita ko na accidentally niyang nasulatan mukha ni Alyssa.

" Oops, sorry. Nasulatan ko si Ate. " - Lynelle

" Okay lang yan. Saan na nga pala yung mga permanent marker? " - me

" Nakay kuya Darren. Tawagin ko po ba siya? " - Lynelle

" Sige, sabihin mo dalhin niya yung mga marker dito. " - me

" Okay po. " - Lynelle

Pumasok na si Darren sa kwarto na hawak yung mga colored na permanent markers.

" Darren, tulungan mo ako. Di ko alam design para sa mukha ni si Alyssa. " - me

" Hmmm, alam mo ba mag makeup? " - Darren

" Medyo. " - me

" Edi makeup style nalang. " - Darren

" Oo nga noh. Thanks. " - me

Mga 53 minutes ko nilagyan ng design mukha niya. Medyo mahirap kasi baka magising siya eh.

Nung tapos na ako, pinakita ko kay Darren tapos ginising na namin siya.

~ End of Flashback ~

" It's all my fault. Walang kasalanan si Darren dito. " - me

" Bakit mo naman toh ginawa? " - Alyssa

" Just for fun, I guess. " - me

" Alam mo Karlos, minsan wag lang sarili mo ang isipin mo. Isipin mo din yung ibang tao, baka naman kasi nasasaktan na sila, tapos ikaw, masaya parin. Kung pwede lang, bumait ka naman sa mga kagaya ko, sa mga kagaya kong pangit! Kailangan din namin ng respect. Intindihin mo naman kami! - sabi ni Alyssa at umalis siya sa harapan ko

Hinabol ko siya tapos hinila ko kamay niya tapos niyakap ko siya para di siya makaalis.

" I'm sorry. Patawarin mo na ako. Please. " - me

Di sumagot si Alyssa.

" Sige na, patawarin mo na ako. " - me

Kinulit ko lang ng kinulit si Alyssa hanggang sa napatawad na niya ako.

Bumalik kami sa restaurant with a happy mood. Tamang tama lang timing namin, kaka serve lang nung food. Ayun, kumain kaming lahat ng masaya at walang problema.

-------------------------------------------------------
Sa mga nag babasa ng story ko sana di kayo nalilito Kay Alyssa na best friend ni Karlos, Alyssa pangit at Stephanie.

Sabihin niyo lang saakin kung nalilito kayo. Gagawin ko lahat ng makakaya ko para mas maintindihan niyo pa lalo itong story.

Thank you sa mga nag babasa ng story.

My Bestfriend Disguised as my Maid?! ( Juan Karlos Labajo and Darren Espanto FanFiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon