00

11 3 24
                                    

Naglalakad ako papasok sa classroom namin ng may biglang nagtakip ng mga mata ko, pero nalaman ko rin kaagad kung sino iyon dahil sa relong palagi niyang isinusuot. Ako pa nga ang nag-regalo noon sa kanya nung birthday niya.


"Flordion, alam kong ikaw 'yan," hinawakan ko ang mga kamay niya para tanggalin iyon sa pagkakatakip sa mga mata ko.


Tumawa siya, "Good morning, Miss President."


Bumilis ang tibok ng puso ko.


"Good morning," inunahan ko siya sa pagpasok sa classroom dahil nag-iinit na ang mga pisngi ko. Hindi ko maintindihan. Crush ko ba siya o ano?


Basta.


Hindi ko maintindihan.


"Oh my gosh!" bumisita si Sky sa classroom namin, ang mga kamay ay nasa magkabilang gilid ng pinto, hinihingal at mukhang kagagaling lang sa pagtakbo, "Flordion! You..!" tinuro niya si Dion at sinamaan ito ng tingin. I wonder what happened.


Napatingin si Sky sa direksyon ko.


"Daffi!" tumakbo siya papunta sa akin, "Binuking ako ni Dion! Sinabi niya kay Cai na crush ko siya! Nakakainis!" nagsumbong siya sa akin.


Well, ngayon ibinuking na niya ang sarili niya sa mga kaklase ko dahil sa lakas ng boses niya, kahit konti pa lang naman kaming naririto. Wala pa rin si Cheia. Nandito na si Misty pero ang ulo niya ay nakatungo lamang sa lamesa, nagpapahinga.


Napatingin ako kay Dion na walang pakialam. Nakaupo lang siya sa harap ng electric fan, tinutuyo ang medyo basa pa niyang buhok.


"Good morning, klasmeyts!" Dumating si Aries at humikab. Sumunod sa kanya ay si Sathorigell.


"Hi, Langit," bati niya sa kaibigan ko.


"Hello." bati niya pabalik kay Aries at bumaling muli sa akin, "Alis na ako, Daff," paalam niya sa akin.


"Ano 'yan, Dale? H'wag nga 'yan sabi! Nasa listahan ba 'yan ng mga bibilhin? Wala, diba?" saway ko sa kambal ko, naglalagay kasi siya ng mga chichirya sa pushcart eh hindi naman yun ang bibilhin namin! Hindi naman iyon ang sinabi ni Mama na bilhin namin!


"Kahit isa lang!" giit niya.


"Hindi nga pwede! Hindi naman ikaw ang mapapagalitan eh!"


"Okay, chill ka lang. Baka bigla kang maging dinosaur. Ito na, ibabalik na," kinuha niya ulit yung mga chichirya sa pushcart at ibinalik iyon sa kanilang mga pinanggalingan.


Nasa frozen food area kami nang makarinig ako ng dalawang pamilyar na boses.


"Ilang hotdog?" napalinga ako dahil narinig ko ang boses ni Dion. At nakita ko nga siya, kasama niya si Misty, pinsan niya at kaklase namin.


"Yung nasa pack," sagot ni Misty sa kanya.


"Yung nasapak?"


"Oo."


Tumawa si Dion, "Yung nasapak?"


"Ewan ko sayo," Mistaella was done with him kaya hindi na lang niya ito pinansin.


Napatingin sa amin si Dion kaya agad akong nag-iwas ng tingin.


Weird. Bakit?


"Uy, si Miss President!" nagagalak na sambit niya.


I cleared my throat, "H-hi.." parang nagbago bigla ang tono ng boses ko.


Ngumiti si Misty sa akin, "Grocery shopping?"


Tumango ako.


Dumako na naman ang tingin ko kay Dion, nakasuot lang siya ng simpleng white shirt at black shorts pero...


Hindi ko maipaliwanag.


Tiningnan ko na lang ulit yung nasa listahan para tignan ang mga napamili na namin dahil gusto ko ng makaalis dito, feeling ko andugyot ko na tingnan.


"O-okay na, Dale. Magbayad na tayo," tinulak-tulak ko ang kambal ko, at nagsimula na rin akong maglakad.


"Grabe makatulak, nagmamadali ka, sis?" reklamo niya.


"Manahimik ka, Dahlio."


Nang makalayo na kami sa frozen food area, tumabi sa akin si Dale at siniko ako.


"Crush mo yun 'no?" ngumisi siya na parang nakaloloko, itinaas-baba pa niya ang kanyang kilay.


"Hindi 'no!" tanggi ko kaagad.


"Weh? Kaya pala biglang nananahimik tapos nabubulol. Shy girl yarn?"


Magsasalita pa sana ako, kaso... tama siya. Nakuha niya yata ako doon. Parang may mali talaga.


May... gusto ba ako kay Dion?













You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

very special loveWhere stories live. Discover now