Chapter 14: Examination

30 2 3
                                    

CASSANDRA SAKRIKANA

"Are you visiting her today?"

[Seguro kung hindi na ako busy, I'll tell you when ako bibisita kay mama]

"Alright, sabihan moko para makapaghanda ako, ate" pagkatapos ko itong isabi ay pinatay ko na ang tawag namin ni ate Yeeza. I then looked at myself at the mirror sa may sink area. Mamayang hapon pa naman exam namin kaya may time pa ako makapag aral or self care

I did my morning routine. Napapabayaan ko na minsan ang skincare ko, mabuti nalang at wala akong pimples. I started doing my simple make-up, pulbo at cheek and lip tint para naman woke up like this ang datingan pero hindi nga, woke up like a retired mother ako kada gising, sabagay ina naman ako ni Irene. Nagpabango pa 'ko at ginawang bun buhok ko. Naglaglag na rin ako ng kaunting hibla ng buhok para messy bun tignan. Then wore my usual pambahay which is an oversize t-shirt and dolphin shorts. Bahala na ang girls makita ako nakaganito, wala namang lalake sa resthouse

I look hot though. Napatingin ako sa buhok ko, napaisip ako bigla kung magpakulay kaya ako? pero baka bawal lalo na't medicine course ko, baka sitahin ako ng guard bakit may kulay buhok ko

Bumaba na ako at nakita ang tatlong kaibigan ko. Fresh na fresh rin sila maliban kay Sachiko na nakapantulog at mukhang kulang sa tulog "oh Sachi, bakit ganyan umaga mo? buong gabi ka ba nag-aral?" Tanong ko sa kanya

"Hanggang alas sais" she corrected which made my jaw to drop. So ibig sabihin hindi siya natulog?

Napatingin ako sa kapeng hawak niya. Puno baso niya ng kape, pang ilang kape na kaya ang basong iyon "masanay kana Cass, computer engineering pa naman si Sachi daming dapat I memorize na parts. Lalo na coding, nakakahilo" sambit ni Eliza kaya napatingin ako sa kanya

"C++ hurts like hell for me, isang maling letra, kahit comma lang automatic ayaw agad mag encode" sagot naman ni Xavienna. Sa huli kaming tatlo nalang ang nag breakfast sabay

Nagrereview ako muli nang tumunog cellphone ko kaya kinuha ko ito at binasa ang text

From Seven:
You free?

Napakunot ako ng noo sa tinext niya. Tsaka isa pa, matagal-tagal na rin last text niya kaya wrong send lang seguro "gagong 'to. Magsesend na nga lang sa ex pa talaga"

To Seven:
Wrong send?

Inilagay ko na ulit cellphone ko sa tabi ko, hindi pa nga lang ako nakabasa ng isang sentence sa reviewer ko ay tumunog na cellphone ko ulit "ang ingay!" reklamo ko at binasa ang text

From Seven:
Wrong send, but if you're free ikaw nalang itre-treat ko for today. I'm bored.

Napairap ako sa tinext niya. We're now interacting like as if hindi kami exes

To Seven:
Treat where?

From Seven:
Sogo

Nabilaukan ako sa nireply niya. Aba't bastos tong lalakeng 'to ah. Hindi ko maiwasan magreply ng isang mura, whole caps lock para dama. Seguro tumatawa na ang gagong 'yun sa sinabi ko. Mag-aaral na nga lang

An hour before exam starts, nasa school na ako. Dala-dala ko reviewers ko at nagbabasa ako habang naglalakad. Hindi ko talaga maintindihan bakit ayaw pumasok sa ulo ko ni review or sadyang epekto lang 'to sa chat ni Seven. Argh! Bakit ko ba iniisip ang gagong 'yun. Focus Cass, Focus!

"Aray ko!" napaaray ako nang bigla akong bumangga sa isang estudyante. Nahulog tuloy mga reviewers ko. Inipon ko ito lahat at inabot niya sa akin isang papel ng reviewer ko kaya napatingin ako sa taong umalok sakin sa isang reviewer ko "ikaw?"

Gangsters Chaos 2: War in UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon