Kabanata 11

15 2 2
                                    


Part II: Give and Take







Kabanata 11


Girly tips

 

"Teka lang kukunin ko lang yung iba kong gamit sa locker," sabi ko.

"Oh okay. I'll just wait for you outside then?"

"Sure," ngumiti ako at tumango. Nagsalute pa siya sa akin kaya napatawa naman ako at ginawa rin iyon bago siya talikuran.


Ilan linggo na rin ang lumipas simula nang nangyari yung kay Martin. Though hindi parin alam ni Martin na alam ko na, iniiwasan ko siya ng bongga kasi bukod sa galit na galit ako sa kanya, hindi ko parin siya kayang harapin.

Hinahanarap ko parin siya tulad ng dati pero puro alibi ko kapag nagyayaya siya. Hanggang ngayon, hindi ko parin kilala yung babae niya. Anyway, wala rin naman akong pake. Siguro naman ay nagtataka siya sa paglayo ko ng todo, kasi nabawasan na yung pag-approach niya sa akin... which is a good thing.

Naikwento ko rin ang lahat kay Nicole. Sa una ay hindi siya makapaniwala pero nang ipaliwanag ko ang mga napansin ko nung play prod namin, halos maibato niya ang lahat ng bagay sa kwarto ko noon. Hindi ko nga alam kung bakit mas galit pa sa akin iyon kaysa sa akin e. Bigla na lang siyang natulala pagkatapos kong ikwento. Something is really weird with this girl. Baka akala niya mangyayari rin sa kanya ang nangyari sa akin since may super crush rin ito. But I doubt na masasaktan siya... kasi she's a very strong girl, at may guide lines na rin siya.


So ngayon, kakatapos lang ng exam namin. Haay no sweat at all. Easy peasy, simple pimple. Magpapahinga na lang siguro ako sa bahay magdamag.

Pero before that, ihahatid ako ni Carter.


Yes, Carter. I know it may sound strange but naging close talaga kami. Ewan ko ba kung naaawa siya sa akin or what. Pero syempre... pagkatapos niya ba naman kaong icomfort sa oras na kailangang kailangan ko, hindi pa ba gagaan ang loob ko? And then, lagi na kaming magkasama. Weird, isn't it? Minsan napagkakamalan kaming in a relationship dahil dito. Pero no choice naman ako kasi hindi ko talaga alam kung nasaan parati itong si Nicole e. May pakiramdam na talaga ako sa babaeng ito na hindi ko magawang itanong, pero hinihintay ko na lang siyang mag-open up. Pero wala talaga atang balak e!

At ito namang si Carter. May mga kaibigan naman siya e, I'm sure of it. Sino ba namang hindi makikipagkaibigan sa unggoy na ito? Bihira na lang silang magkasama ni Martin. Minsan nga tinatanong ko kung bakit ganoon, o baka iniiwasan niya ba si Martin pero ang sagot niya lagi ay, "Lagi namang pumupunta sa bahay iyon e."


Kinuha ko ang iilang libro sa locker at pati na rin yung sinuot kong P.E. uniform last week. Buti hindi nangamoy itong damit lalo na pawis. Nilagay ko ito sa isa pang plastic para hindi mangamoy pati yung bag ko.

Pagkasarado ko ng pinto ng locker...

"Hi!"

Nasa harapan ko ngayon ang isang lalaking?

Napatulala pa ako ng ilang Segundo bago ko napagtantong si Collin Monve ito. Gosh, kala ko si Carter!

"Pretty sight of me, huh?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

After All (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon