Hi Ako nga pala si Shanty Heloxo Agustin. 3rd year high school/ grade 9 malas eh. Abot sa K-12 Ok na ba yan? O baka gusto nyo dagdagan ko pa.
Malamang shanty gusto pa nilang dagdagan mo yan. Bobo ka ba? Ikaw kaya bida dito tapos konti lang alam namin tungkol sayo. Utak naman shanty.
Ayy ganun. Geh na nga. So medyo makulit ako. Pero masaya ako kasama. May mga magulang ako kaso di ko sila kasama kasi nasa ibang bansa sila kasama ang napakagaling kong kuya.
Bale ang nangyari naiwan ako sa lolo at lola ko. Yung lola ko nag lalako lang ng ulam. Sayang kasi yung talent nya. Magaling pa naman sya magluto.
Hindi naman kami kinukulang sa pera kasi nga nasa ibang bansa ang pamilya ko kaya nagpapadala sila dito. Alangan naman na iwan nila ko sa lolo't lola ko ng wala man lang naibibigay samin. Pabigat na nga ko sa lola ko eh. Duhh -,-
"Shaaaaannn. Shaannnnn gising na apo. May pasok ka pa" Great. Sigaw yan ni lola. Hays kahit nakakatamad. Kahit napakahirap. Kahit nakakapagod kailangan ko na talagang bumangon at maligo. Tsk.
Dumiretso na ko ng CR. Malamang alangan naman dumiretso ako sa kusina. Maliligo nga ako diba. Shit. Minsan ang sarap barahin ng sarili. Wala naman kasing komokontra eh.
Pagkatapos ko maligo Nagbihis na ko agad at nag ayos ng buhok. Nag pulbo na rin para mas okay Nang mapatingin ako sa Orasan.
"Hala.. 7:45 na malalate na ko. Syete malayo pa biyahe" kinuha ko na ang bag ko at kumaripas ng takbo pababa ng hagdan. Malapit na ko sa labas ng biglang sumigaw si lola.
"Apo kumain ka muna bago pumasok" di pwede la.
"Sensya na la. Malalate na po ako eh. Mauna na po ako ah. Dun na lang ako kakain Byeeeeeeee" sigaw ko at tuluyan ng lumabas ng bahay.Takbo lang ako ng takbo papunta sa terminal. Hanggang sa nakarating na ko. Nakasakay na ko sa jeep pero putspa kung minamalas ka nga naman sobrang traffic. Napatingin ako sa relo ko "Dapak 7:55 na" napabulong na lang ako.
Sa dobrang pikon ko, bumaba na lang ako ng jeep at nagsimula nang tumakbo. Takbo. Takbo. Takbo. Yan lang ginawa ko. Ang dami ko nang nabunggo pero wala akong pake. Malapit na ko sa gate. Ito na ko.
*insert sound effect na natumba* *boogsh*
Great. Nadapa pa ko papasok ng gate. Yehey ang malas ko talaga ngayon.
Swerte ko at walang nakakita sakin. Pwera lang kay manong guard na busy sa pag tatanggal ng tartar sa ngipin nya -,- tiningnan nya lang ako at nginitian tapos tinuloy yung ginagawa nya.Tiningnan ko orasan ko habang tumatayo sa pagkakadapa at napa yuko na lang ako ulit ng makitang 8:00 na.
"Sayang effort ko sa kakatakbo, pagkakadapa at di pagkain. Late pa rin naman na ko. " napabuntong hininga na lang ako paakyat ng classroom.
Nasa tapat na ko ng room ng makita ako ni fritzy. Sya lang naman yung kaklase kong di nauubusan ng kwento. Laging may chismis. Basta sobrang dal dal nya kaya naman ...
"Sir si shanty po late." nagtinginan naman lahat ng classmate ko sa pinto pati na rin teacher ko.
Tiningnan nya ko ng masama at unti unting lumapit sakin.
"Look who's here. Shanty. Shanty. Shanty. Nalate ka. So pano ba yan ? Ang sabi ko diba bawal dito sa klase ko ang nalalate. " seryosong sabi ni sir.
"I'm sorry sir. Di na po mauulit."
"Siguraduhin mo lang ms. Agustin. Kasi wala na talagang susunod dyan. As if i give you a chance. "
"Sorry po" napayuko na lang ako sa sobrang strikto ni sir.
"Fine. Forgiven. Basta this is your last chance. Understand?"
"Yes sir" geez. Kinabahan ako sa sinabing yun ni sir ah. Masyado kasi syang strikto eh. Kahit chance lang ayaw ibigay.Ganon ba talaga kahirap magbigay ng second chance?
BINABASA MO ANG
Chances
RandomBakit hindi perfect ang mga lovestory? Bakit laging kailangan may masasaktan bago kayo maging masaya? Hindi ba pwedeng pag mahal nyo ang isa't isa puro saya na lang? Yung wala nang problema? Minsan kasi masyado nng hard. Minsan iisipin mo na lang na...