SQUARE: [23]

152 6 8
                                    



Andrei



Nagising ako sa amoy ng shampoo ni Andrew na ngayon ay nagpupunas ng basang parte ng kanyang katawan



"Nagising ba kita?" Tanong niya at ngumiti lang ako saka umiling at pinadaan ko ang kamay ko sa likod niya


"Gano na katagal?" Tanong ko at para siyang nabigla


"Ah nakalimutan ko na" sabi niya at nagsuot ng tshirt saka tumayo



"Tumayo ka na. Magluluto lang ako ha. Baka malate ka" sabi niya at lumabas ng pinto nang biglang tumunog ang cellphone ko



"12:00 na lang tayo magkita dun na mismo" text ni Ayni sa akin pero di ko nireplayan saka ako naligo at nang paglabas ko ay hawak na ni Andrew ang phone ko



"Magkikita pala kayo mamaya?" Tanong niya sa mahinang boses



"Oo may paguusapan lang" sabi ko at nagbihis pero nagulat ako ng akapin niya ako mula sa likod


"Please sama ko" sabi niya at binaon ang muka niya sa likod ko



"Saglit lang naman iyon wag na" sabi ko pero umiling siya



"Sama na ako please" sabi niya at hinila ko siya paharap sa akin



"Wag na. Di rin ako magtatagal dun. Saka bakit ka umiiyak?" Tanong ko at pinunasan ang mata niya



"Magkikita kayo e. Paano kung... pano kung mag... magkabalikan kayo" sabi niya kaya pinaupo ko siya sa kama saka lumebel sa muka niya



"Diba nangako ako na ikaw lang? Pwede pagkatiwalaan mo ako dun?" Sabi ko habang sapo sapo ang pisngi niya at pinunasan ang luha niya



"Promise?" Parang bata niyang tanong at tumango ako


"Promise" sabi ko at inakap niya ako



"Lika na nakahain na ako. Kain ka na" sabi niya at magkahawak kami ng kamay na pumunta sa kusina.



Mabilis na lumipas ang oras at namalayan ko na lang na 15 minutes na lang at 12 na kaya sinara ko agad ang laptop ko at nagtungo sa resturant kung saan kami magkikita ni Ayni at sakto naman pagdating ko ay kakababa lang niya ng taxi

SquareWhere stories live. Discover now