"Nag-chat si Kuya, tinatanong kung nagkasama na naman daw ba tayo," sabi ni Kolene, best friend ko, habang nagta-type siya sa phone niya.
"Anong sabi mo?" curious kong tanong.
"Sabi ko, oo, tapos sabi niya sabihin ko daw sayo na ang gwapo niya—eww," she made a disgusted face.
"Ang hangin niya, gago," tumawa ako.
"Pero naging crush mo, ayieee!" sinundot ako ni Kolene sa tagiliran.
"Noon 'yon! Dati pa 'yon! Nung nene pa ako."
"Oo na, oo na, baka mangagat ka na mamaya," she chuckled.
Nandito kami ngayon sa bahay ng mga Aragon, sa bahay namin, sa likod ng bahay to be exact. Madalas din dito ang mga pinsan ko, kaya kung may isa o dalawa man na sumulpot mamaya, ay hindi na ako magugulat.
"Hello, Ate Yna!" Ayan, may isa na nga. Si January, pinsan ko na Grade 4 pa lang. His name is January kasi January siya ipinanganak. "Hello din po, Ate Komizelene."
"Hello," malugod na bati naman ni Kolene na ngayon ay kumakain ng suman na sinasawsaw sa asukal, o suman sa bule.
"Nandito po ba si Kuya November?" the little boy asked us.
"Si Novi? Wala, bakit? Pupunta rin ba siya dito?" Hindi na talaga ako magugulat pa kung oo. Baka mamaya pumunta din si Aries dito, maingay pa man din yung lalaking yun.
"Hindi ko rin po alam eh, hehe. Pero po may tanong ako. May girlfriend na po ba si Kuya?" mausisang tanong ng bata. Biglang nasamid si Kolene sa tabi ko, dali-dali siyang nagsalin ng tubig sa baso at uminom.
Ex, meron. Ang gusto kong isagot sa pinsan ko, pero h'wag na lang.
"Hindi ko rin alam, eh. Bakit mo ba natanong?"
"Pinapatanong lang po, hehehe," aniya sabay takbo paalis.
"Ano, okay ka lang ex—este, Kol?" I teased Kolene.
"Hayop, moved on na ako eh. Saka may iba na kaya akong crush! Yung sakristan! Yung maputi! Yung pogi!"
"Ah talaga ba, KC?" biglang sumulpot si Aries ng wala sa oras kaya medyo napatalon sa gulat si Kolene, "Sino naman yun? Pabulong."
"Hindi ko pa nga alam ang pangalan niya, eh!" umayos na ng upo si Kolene.
"Tulungan kita, magaling ako d'yan," nag-cross arms pa si Aries, nagmamagaling.
"Sus, mas magaling ka kaya magpaasa! Pinaasa mo nga si—"
"Sino?" dumating si Ate Celina, kapatid ni Aries.
"Ate, wala! Nakanta lang 'yan ng Paasa - T. A. N. G. A. 'Diba, Komizelene Cassiopeia?" Aries spoke with his eyes.
"Sino may sabi?" tinaasan siya ng kilay ni Kolene.
"Aries Archames, sinong pinaasa mo?" diretsong tanong sa kanya ng ate niya.
"May pinaasa si Aries?" Dumating naman si Ate Savannah, kapatid din ni Aries.
"Wala! Promise, wala!" itinaas pa niya ang kanang kamay para patunayan. Liars go to hell.
Pinanliitan siya ng mata ng mga Ate niya bago sila umalis.
Napatingin ulit ako kay Aries, "Hindi ka pa ba aalis?"
"Ouch naman, pinapalayas mo na agad ang pinakapogi mong pinsan?" dramatiko pa niyang hinawakan ang kanyang dibdib.
"Pinakapogi, my ass! Asa ka naman! Ako yun, eh!" at dumating na nga si November. Umupo siya sa tapat namin ni Kolene. Bumaling pa siya kay Kolene bago kumuha ng suman at isinawsaw sa asukal ni Kolene. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ni Kolene ngayon, pero natatawa ako.
"Kuya! Kuya! Kuya!" December, my cousin who is in 8th grade ran towards us, calling his older brother, November.
"Ano, ano, ano?" ginaya ni November ang tono ng boses ng kapatid niya.
"May girlfriend ka na nga daw?"
Anong meron? Kanina pa nila tinatanong yun.
"Bakit?" tanging sagot ni November na tanong din.
"Sagutin mo na lang!" makulit na pamimilit sa kanya ni December.
"Meron," maikling tugon ni Novi.
"Okay!" sabi ni December at tumakbo na paalis.
"Bro, what?!" hindi makapaniwalang tanong ni Aries, maging si Kolene ay hindi rin makapaniwala.
"Oo nga, gusto niyo makilala? Search niyo Dawn Lilianne Malonzo sa Facebook," proud na sabi pa ni Novi at kumagat sa suman.
"Scam 'yan," hindi pa rin naniniwala si Aries sa kanya. Nakita ko na lang na hinahanap na ni Kolene sa Facebook ang pangalan na sinabi ni November.
"Ito ba yun?" Kolene showed Novi the girl's profile.
"Oo, siya nga 'yan," Novi nodded.
Ipinakita rin sa akin ni Kolene at kay Aries ang babae, maputi siya, nakangiti siya ng malawak habang nakapikit sa profile picture niya.
"Sigurado ka, jowa mo 'to? Parang 'di naman papatol 'yan sa'yo," 'di pa rin naniniwala si Aries.
"Whatever, bro. Alis na ako, bebe time," kinindatan pa niya kami bago siya naglakad palayo.
"Aruy, may bago na pala si ex," Aries teased Kolene.
Biglang tumayo si Kolene, "Whatever, Ries. Aalis na rin ako, goodbye."
.....
YOU ARE READING
nothing to lose
Teen Fiction❝ Why is it that every time I come closer, you move away? ❞ ⌕ space series #6 - dyna ⌕ mysterellene, 2023