School

3 0 0
                                    

Marahan kong hinihimas ang knuckles ko matapos kong paduguin ang nguso nitong asungot na nasa harapan ko ngayon. Napakaganda na ng mood ko kanina pero nang makita ko ang mukha nitong damuhong to ay nasira nanaman ang araw ko... Haayyyy, kailan ba mabubuo ang araw ko nang hindi ako nababadtrip? Kaasar naman...

"M-miss, u-utos po n-ni Boss na p-papuntahin ka s-sa opisina niya ngayon din. W-wala p-po akong m-masamang hangarin sa inyo. G-gusto ko l-lang po talagang i-ihatid ang pinapasabi ng Tiyo niyo", nakatingalang sagot sakin nitong asungot na nasa harapan ko ngayon. Mariin ko siyang tinitigan at pinakikiramdaman kung nagsasabi nga ba siya ng totoo, at base sa observation ko, mukhang totoo naman sinasabi niya.

Tss... bakit naman kasi bigla siyang susulpot sa harapan ko't hahawakan nalang bigla ang braso ko. Kasalanan niya yan ngayon kung bakit nagka bangas mukha niya.

"Ge, puntahan ko nalang siya", sabi ko at nilagpasan siya  na nakasalampak parin sa sahig matapos kong suntukin ng ilang beses.

Mabilis kong tinahak ang pasilyo patungo sa opisina ng demonyo. Kapag sinabi kong demonyo, literal na kalahi ni Satanas ang tinutukoy ko. Palapit palang ako sa opisina niya pero ramdam ko na yung napakaitim at nakakakilabot niyang aura. Mabilis kong inalala ang mga ginawa ko nitong nakaraang araw, mukhang nakaabot na sa kaniya ang balitang expelled nanaman ako sa bago kong eskwelahan. Patay na! Mukhang maghahalo na ang balat sa tinalupan.

"Come in...", rinig kong sabi ng demonyo matapos kong kumatok ng tatlong beses. Nakailang hingang malalim muna ang ginawa ko para ikalma at subukang itago ang nangangatog kong mga tuhod. Putangina.... Putangina talaga, malapit ko nang makaharap si kamatayan.

"Uncle....", tawag ko sa atensyon niya matapos akong makapasok ng tuluyan sa opisina niya. Napaigtad ako nang bigla niyang binagsak ang pen na hawak niya kani-kanina lang dahil mukhang may pinirmahan siyang mga dokumento. Patay.... Eto na.... mamamatay nako.

"I heard that you got expelled from that school....", panimula niya habang dahan dahang niluluwagan ang tie niya.... Putangina, atheist ako pero kung totoo talaga ang Diyos, baka naman pwede mo kong tulungan sa sitwasyon ko ngayon. Maawa ka sakin, anak mo naman daw ako diba? Diba nagpakamatay ka naman daw para iligtas ang sanlibutan? Baka naman pwedeng mabuhay ka tas mamatay ka ulit para iligtas ako dito.

"Law.... I'm fucking talking to you, fucking answer me...", tinitigan niya ako nang matalim na siyang nagpakaba lalo sa akin. Putangina, nakailang putangina na ba ako ngayong araw, yari na, mukhang dito na talaga matatapos ang 19 years kong pagkabuhay, nagmura na ang demonyo, senyales na mayroon nalang akong mahigit sampung minuto para mabuhay.

"U-uncle... Hi-hindi ako ang nagsimula, s-sila ang unang naghamon ng a-away, p-prinotektahan ko lang ang s-sarili ko"

"Really?, That's not what I've heard. Many students have witnessed the incident awhile ago. According to them it was you who started everything.... ", Nalintikan na. Putangina ng mga gunggong na yon, talagang pinagkaisahan pako. Kapag talaga ako nakaligtas sa demonyong to babalikan ko sila isa isa...

" What's with the silence? Did cat got your tongue young lady? ", Dahan-dahan siyang tumatayo at sunod sunod ang naging paglunok ko. Hayan na, hindi nako makahinga sa unti unting paglapit ni kamatayan. Nararamdaman ko na ang bagsik ng kadilimang tinataglay niya.

Pwede na niyang palitan si Voldemort pagdating sa pagiging kontrabida...

"T-totoo po yung sinasabi ko.... t-talaga pong sila ang nauna, pinagkaisahan lang po ako ng mga gagong yon kaya malamang binaligtad nilang lahat ang kwento para mapaalis ako sa school nilang bulok", sagot ko habang dahan dahang umaatras, dahan dahan na siyang lumalapit sakin.

The LegacyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon