Summer Game (One Shot)

70 6 1
                                    



"Class! Quiet! Ilang beses ko na kayong binabawalan ah!" sigaw ni Sir Rojie. Siya ang adviser ng 4-F. Napakagulo ng mga estudyante nito. Ilang beses na niyang binabawalan pero ayaw pa rin tumahimik kaya napagpasyahan na lang niyang ipagpatuloy ang pag-aattendance kahit maingay sila.



"Trish Bondoc?!"


"Present!"


"Joann Cruz?!"


"Present!"


"Thea Dale?!"


"Absent!" sigaw ni Carla. At nagtawanan silang lahat dahil hindi naman talaga absent si Thea. Si Thea ang lagi nilang binubully.


"S-Sir hindi po absent si Thea." lakas loob na sabi ni Athena. Si Athena lang ang laging kumakampi kay Thea, hindi siya nakikisali sa ginagawang pangbibully nila kay Thea. Pero hindi niya rin ito kayang ipagtanggol dahil oras na gawin niya yun ay malilintikan siya kina Carla, Ysa, Kate, at Sean. Sila ang punot dulo ng pambubully, lahat ng iutos nila ay sinusunod ng mga estudyante. Dahil takot sila sa mga ito. At dahil sa impluwensya na rin ni Carla, dahil ang Papa niya ang may ari ng school.


"What?!" gigil na sigaw ni Carla dahil nagulat siya sa sinabi ni Athena. First time na may sumira ng trip nila. At siguradong malilintikan si Athena.


"Gia Gonzales?!" pinagpatuloy na ni Sir Rojie ang kanyang pag-aattendance.


"Present!"


"Athena Jonds?" sasagot palang sana si Athena kaso inunahan na siya ni Carla.


"The bitch is absent Sir!" sigaw ni Carla. Nagulat ang guro sa sinabi nito pero, mas pinili na lang niyang tatakan ng absent si Athena. Napatawa naman lahat ng mga estudyante pwera kina Thea at Athena. Tahimik lang silang nakayuko. Natapos ang pag-aattendance at nagsimula na silang magklase.


"Class! Listen!" sigaw ng guro. At ang iba ay umayos ng upo para makinig habang ang iba naman ay pinagpatuloy pa rin ang kanilang ginagawa.


"Gagraduate na kayo next month. Kaya please umayos na kayo! Malalaki na kayo. Hindi na pwede ang ganyan sa college!"


"Hoy Kalbo! Wala kaming pakielam. 'Wag ka ngang manermon! Tss." sigaw ni Carla kay Sir Rojie at tumawa ang kanyang mga alipores na si Ysa, Kate at Sean.


"Sir! Magkano floorwax diyan sa ulo mo?" sigaw naman ni Sean at tumawa sila.


"B-bastos kayo!" sigaw ni Sir. Wala siyang magawa dahil ayaw niyang mawalan ng trabaho once na kinalaban niya sina Carla. Marami na rin kasi silang napatalsik na Guro. Isang sumbong lang kasi ni Carla sa kanyang Papa ay gagawin na niya ang gusto ng kanyang anak.


"Sinong bastos huh kalbo?" sabi ni Carla at pinuntahan ang guro. Sinundan naman siya ng kanyang mga alipores.

Summer Game (One Shot Story #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon