Third's person POV
"Natagpuan na po ang mga estudyanteng nawawala, ngunit sa kasamaang palad ay bangkay na sila nang matagpuan..."
"Mama bakit niyo po pinatay ang TV?"
"Athena, anak. Alam kong isang malaking bangungot sa'yo 'yun kaya mas mabuti ng wag mo ng balikan." sabi ng Mama ni Athena. Limang araw na ang lumipas noong mangyari ang insidenteng iyon. At sa kabutihang palad ay nakaligtas si Athena. Nang mawasak ang kwintas ni Althea ay nahinto ang lahat. Nawala ang mga nakaitim na tao at nawala na ang demonyo. Nasaksak si Athena pero buti na lang ay hindi iyon malalim. At nahimatay lang siya. Pagkatapos noon ay, humingi na sila ng tulong sa mga pulis. Napagalaaman nila na hindi naman talaga resort iyon, isa lang iyong lumang gusali.
At kaya daw pala may invitation ay 'yun lang pala ang dapat na papatayin, ang mga madalas na nambubully kay Thea. Kaya lang pinatay ni Althea ang mga walang invitation kasi, sagabal lang daw ito sa kanya.
Dahil nalaman nila na nagpakamatay si Thea, napagpasyahan ng klase na puntahan ito sa kanila pagkalabas nila ng ospital. At para humingi na rin ng tawad sa mga magulang nito. Iilan na lang ang mga nabuhay sa kanila. Halos kalahati ng klase ay namatay. Kasama na doon sina Hero, Tristan, Gia, Kate at Sean.
"Kailangan nating humingi ng tawad." sabi ni Carla pagdating nila sa bahay nila Thea. "Alam kong dahil sa akin kaya nangyari ang lahat ng ito, nang dahil sa kasakiman ko, nang dahil sa-"
"Ayos lang yan Carla. Atleast ngayon natuto ka na." sabi ni Athena at habang hinahaplos ang likod nito.
"Handa na ba kayo? Hihingi lang naman tayo ng tawad kaya 'wag kayong kabahan." sabi ni Athena sa kanyang mga kaklase. Gusto rin niyang humingi ng tawad dahil ni minsan hindi niya ito napagtanggol sa mga umaapi sa kanya.
"Kaya natin 'to." sabi ni Athena at nagayos na sila ng sarili. At kumatok sa bahay nila Thea.
*Toktoktok*
Bumukas ang pinto at...
Hinding hindi nila inaasahan ang nagbukas. May' mga tumakbo, may nahimatay. Samantalang si Athena ay nanatiling nakatayo at pinagpapawisan ito...
"Long time no see!" masiglang bati ng nagbukas.
"A-Althea? D-Diba p-patay k-kana?" nanginginig na tanong Athena.
"Sino ba nagsabi sa'yong buhay ako?" sagot niya.
THE END.
BINABASA MO ANG
Summer Game (One Shot Story #4)
HorrorThey say "Summer always ends with good memories" Is this true? Well, I think it's not. Because every summer has its own story. And this is my--Our story.