"Ayoko na. Tapos na tayo. Pagod nako." malungkot nyang sinabi sakin.
"Mae, alam mong ayaw ko ng pahinga. Ayoko. Alam mo yan. Please.. kasalanan ko to." pagmamakaawa ko sakanya.
"I'm breaking up with you. Napapagod nako na ako nalang lagi nag eeffort sating dalawa. Ako nalang ata nagmamahal satin eh. Palagi nalang ganito. Ang Cold mo na di kana tulad dati. Kung umasta ka parang normal na tao nalang ako sa paligid mo. Ayoko na.. gusto ko magpahinga. Ang sakit sakit na kasi." pagkasabi ni Mae ay agad syang umalis sa harapan ko.
"Mae! please. Let me explain.. Mae! i'm down on my knees please. Pakinggan moko.." Tagos nalang sa tenga nya yung mga pagtawag ko sakanya. Siguro wala na talaga.. Iniwan nya na ko mag isa.
Mae's POV.
Naglalakad ako pauwi, tulala ako.Pumasok nanaman sya sa isip ko. Di ako makapaniwala na nagawa ko yun sa lalaking pinakama-Mahal ko. Marami kaming naging alaala.. hays . maraming masasayang alaala..
*flashback*
"Uy Mae! tara dito tawag ka nya dali!" sigaw ni Kat. "Mae may ipapakilala nga pala ako sayo." Lumapit naman agad ako. Akala ko teacher nagpapatawag sakin.
"Sino?! ikaw? Dalian mo naman! sinasayang mo oras ko!" galit na sabi ko. Di na sya nakaimik nung tinarayan ko si Trevor. Ang kapal talaga ng mukha nya para istorbohin ang isang Dyosa na katulad ko.
Tawanan nalang yung mga Classmate nya dahil sa nangyari. Haha.
Then naging magkaklase kame nung lalaking yun. Naging sobrang close kami. Bestfriend na turing nya sakin. Umabot pa nga sa madalas nyang hinahawakan mga kamay ko.
Nung broken hearted sya dahil sa Ex nya ako nagcomfort kanya.
Niligawan nya yung bestfriend kong si Princess. Tinulungan ko pa sya dun! Eto naman ako, Mahal na ko na sya di man lang nagsasalita kaht ang sakit sakit na.
Then na realize nya na infantuated lang pala sya kay Ces. Na Mahal nya pala talaga ako. Tapos naging kami ng di nya ko niligawan. Sinagot ko na agad Haha. Kasi Relationship naman ang pinapatagal hindi yung panliligaw.
First date namin, dinala nya ko sa Mall. Ang saya saya namin dun!
Andaming masasayang alaala na pumasok sa isip ko nung mga oras na yun. Balak ko na kasi talaga syang iwan. Kaso naisip ko na sayang yung mga masasayang memories. Yung mga ginawa nya para saming dalawa. Di ko talaga sya kayang tiisin.
Kaya hinanap ko sya, binalikan ko yung lugar kung saan kami huling nagkita. Hinanap ko sya sa madalas naming tambayan. Sa mga kaibigan nya, sa madalas nyang puntahan pero wala.
Pumunta ako sa bahay nila. Kakatok na sana ako nang biglang bumukas yung pinto.
"Mae! sumama ka sakin! dali naku...!" Nag aalalalang Mommy ni Trevor. Kinabahan agad ako sa sinabi ni tita. Di nako nagsalta at sumama agad ako.
Nakararating kami sa isang Hospital. Tinanong ko kay tita kung bakit kami nandito. "Si Trevor daw nabundol ng Jeep. Sabi nung mga nakakita, umiiyak daw sya tska tulala nung naglalakad.. 50-50 daw sya ngayon.." naiiyak na sabi ni tita.
Halos di ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng marinig ang sabi ng Mommy ni Trev. Alam kong ako dahilan kung bakit nangyari to.
Lumabas ang isang Doktor na may lungkot sa mukha. "Trevor De los Reyes? kayo ho ba ang Mommy nya? I'm sorry ma'am pero ginawa napo namin lahat ng makakaya namin pero sumuko na sya. Sorry."
Agad na pumatak ang mga luha sa mga Mata ko. Durog na durog nako sa narinig ko. Kasalanan ko lahat to. Buong buhay kong pagsisisihan yung ginawa ko. Kung pinakinggan ko nalang sana sya. Kung pinag explain ko sana sya. Kung di ko sya iniwan mag isa hindi mangyayari to. Sana masaya parin kami. Natupad namin mga Pangarap namin. Gusto ko sana mag Sorry sa ginawa ko kaso huli na ang lahat.
Pag uwi ko samin, pumasok ako sa kwarto ko. Andaming Balloons, nakasabit sa bawat tali ng balloon yung mga pictures namin together. Puno ng red roses yung sahig ng kwarto at kama ko. Sa Kama, may mga Dress at mga Gifts. And may nakita akong letter, so binasa ko agad.
"Happy Aniversary Baby! i'm sorry kung matagal kitang hindi pinansin haha! Pinaghandaan ko talaga kasi to para sayo. Lahat ng mga nasa Kama mo para sayo yan. Yung mga Dress, pili ka jan suot mo mamaya aalis tayo. 6PM sunduin kita jan ha? Iloveyou so much Baby!"
---
A/N: Hindi lahat ng tao, magi-stay lang palagi sayo. Di mo alam kung kelan sya susuko o kelan ba sya mawawala sayo. Kaya hangga't nanjan pa sya, gawin mo yung best mo para sakanya bago pa sya tuluyang maglaho :)
![](https://img.wattpad.com/cover/40899995-288-k978356.jpg)