Prologue

82 2 2
                                    

Tinago Falls Summer Evening 2008

"Hold on, baby." Naiiritang sinasabi ni Anthony sa kasintahang si Abby habang inaalalayan itong makaupo sa ilalim ng puno. Pilit namang tinatanggal ni Abby ang blindfold niya pero mas lalo lang itong hinigpitan ni Anthony.

"Wag kang madaya. Surprise nga diba?" Bulong ni Anthony sa tainga ni Abby habang niyayakap ito mula sa likod. Hinila niya pa ito palapit sa kanya at mas hinigpitan ang yakap. Naramdaman naman niyang napangiti si Abby sa ginawa niya at biglang nanahimik. Pagkatapos ay hinalikan niya ito sa tainga pababa sa leeg, at pabalik sa tainga.

"Oh...my...Anthony itigil mo yan." Padaing na sambit ni Abby saka tinanggal ang mga kamay ni Anthony.

"Ano ba talaga yung surprise mo, huh? Yung falls? Duh! Ilang beses na tayo nakapunta dito sa secret place of love natin diba?" Natatawa pang sabi ni Abby at pinipilit muling alisin ang blindfold.

Hinigit lang ulit siya ni Anthony at inilagay ang ulo sa balikat ni Abby. Nanahimik sila nang ilang sandali at nakiramdam sa pagbagsak ng tubig sa falls. Tanging ang liwanag ng buwan lang ang tanglaw nila sa madilim na paligid. Sila lang ang tao dito. And they can feel how peaceful the place was kahit na malakas ang pagbagsak ng mga tubig sa falls. Mas lalo lang itong nakadagdag sa pagiging peaceful ng lugar. And the place seems to be owned by them dahil madalas sila dito at wala pang sinuman ang nakakadiskubre ng lugar na ito. It was a wonderful place. A beautiful and romantic place at the same time. That's why they called it their secret place of love.

"Ready?" Pagputol ni Anthony sa katahimikang bumalot sa kanila.

Kinalas ni Anthony ang pagkakayakap kay Abby at kinuha ang isang maliit na black box sa kanyang bulsa. Pagkatapos ay dahan dahan niyang tinanggal ang blindfold at yumakap muli kay Abby nang mahigpit.

"I love you so much, baby." Bulong niya kay Abby at hinalikan ito sa pisngi. "Do you love me too?" Dagdag niya pa bago ipakita ang box kay Abby.

"Ofcourse, I love you too." Ngumiti si Abby at hinaplos ang box na pinakita ni Anthony. The color makes the box looks creepy but Abby feels more weird about the creepy font of the word "FOREVER" inside the heart craved in the box. Naalis lang ang mga iniisip niya nang napabuntong hininga si Anthony.

"Why?" Tinitigan niya ito ng may pag aalala.

"I'm gonna give this to you. I just have to make sure that your love is true." Mahinang sambit ni Anthony.

"Because when I give it to you, there's no turning back on our love. Hindi mo na ako pwedeng iwanan kahit kailan." Ramdam ang lungkot sa boses ni Anthony. And Abby can feel it so now she feels more weird.

"May problema ba tayo? Ikaw?" Nag aalalang tanong ni Abby. She feels really different. Naramdaman niya ang lamig sa kanyang tiyan kaya nakaramdam siya ng kaba. Alam niya kasing hindi iyon LBM lang. Alam niyang may kakaibang nangyayari ngayon pero mas pinili niyang isipin na ok lang ang lahat.

Binuksan ni Anthony ang box at nakita ni Abby ang nakapaloob dito na isang kwintas na may kalahati ng puso. Nakasulat din dito ang "EVER" na katulad ng font sa box. Kaya naramdaman nanaman niya ang weird feelings niya. Tinitigan niya ito ng mabuti at napagtantong katulad ito ng kwintas ni Anthony.

Bumaling siya dito at tinignan ang kwintas na suot ni Anthony at nakita niyang nakasulat dito ang "FOR". That's it! Ngayon alam na niya kung bakit palaging suot ni Anthony ang kwintas na may kalahati ng puso samantalang wala namang ibinibigay sa kanyang kwintas si Anthony.

Before she knew this, iniisip niyang may iba si Anthony. But she's not the type of girl na masyadong clingy kaya ipinagwalang bahala na lang niya dahil malalaman niya din naman iyon sa takdang panahon. And as a result, not being clingy always gives her a reward. At eto iyon. Anthony will give her the other half of the heart. Lagi talagang nagkakaroon ng sagot sa mga tanong niya when she patiently wait for it.

Kinuha ni Anthony ang kwintas at inilagay sa kamay ni Abby. "Wear this and we'll be together forever. Hindi mo na ako pwedeng iwanan."

Kumunot ang noo ni Abby sa mga sinabi ni Anthony.

"Sorry. Pero napansin ko lang bakit ang creepy ng font? Tsaka bakit black yung box?"

Tanong niyang nagpakunot din sa noo ni Anthony.

"Just wear it! If you really love me, sasama ka sakin at iiwan mo na ang pamilya mo!" Tumaas ang tono ng boses ni Anthony.

Nanliit ang mga mata ni Abby.

"Iiwan ang pamilya ko? An...ano bang mangyayari pag...sinuot ko yan?" Nauutal na tanong niya.

Nag iwas ng tingin si Anthony.

"Just wear it, please." Sagot pa nito sa mahina ng boses.

"Gusto ko munang malaman kung ano-"

Natigil siya sa pagsasalita ng hinablot ni Anthony ang kwintas at pilit na sinuot sa kanya. Inipit ni Anthony ang magkabilang kamay ni Abby ng mga binti niya. Ramdam ni Abby ang kakaibang lakas ni Anthony kaya hindi siya makaalis at naisuot ni Anthony ang kwintas sa kanya.

Kumalat na ang kabang nararamdaman niya sa buong katawan. Hinawakan niya ang kwintas na suot bago bumaling kay Anthony. Nakita niyang ngumiti ito sa kanya bago tumayo. There's something weird about his smiles. Ramdam iyon ni Abby. Ngunit may napagtanto siya sa kanyang isip kaya ngumiti na din siya kay Anthony at tumayo.

"Pinapakaba mo naman ako, eh. Akala ko naman kung ano mangyayari. Anong trip yun, ha?" Natatawa niyang sinabi kay Anthony.

Ngumiti muli si Anthony sa kanya. Na-weirduhan nanaman siya sa kinikilos ni Anthony. Nakita niyang nakangiti pa rin ito bago bumaling sa inuupuan nila kanina.

Nakaramdam siya ng kaba habang pinagmamasdan si Anthony. Nang lingunin niya kung ano ang tinitignan ni Anthony, nanlaki ang mga mata niya. Biglang nanigas ang mga tuhod niya at nahirapan siyang huminga. Hindi niya napigilan ang mabilis na pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata. Parang gusto na niyang makawala sa lugar na ito at isiping panaginip lang ang lahat. Na hindi totoo ang lahat. Na hindi totoong nakikita niya ang sarili niyang nakaupo at wala ng malay.

Nilingon niya si Anthony at nakangiti pa rin ito sa kanya.

"Now we can be together...forever...baby."

Sinugod niya si Anthony at pinaghahampas sa dibdib.

"Walanghiya ka! Anong ginawa mo sa akin! Ano ka ba talaga ha?"

Hindi mapigilan ni Abby ang galit na nararamdaman. Patuloy niya pa din itong pinaghahampas habang umiiyak.

"Sabi mo mahal mo ako. Why are you crying?"

"Mahal kita pero hindi ko kayang sumama sayo. Hindi ko kayang sumama sa tulad mo. Kung ano ka man!" Nanginginig sa galit na sigaw ni Abby.

Tumakbo siya palayo kay Anthony hanggang makarating malapit sa talon at saka nilingon si Anthony. Tinapunan niya ito ng masamang tingin at nanliit ang mga mata.

Hinawakan niya ang kwintas at binabalak na alisin. Pinilit niyang hilain ito para maputol. Kahit malayo si Abby kitang kita ni Anthony ang ginagawa nito kaya't nanlaki ang mga mata niya at tumakbo palapit kay Abby.

"NO! ABBY! DON'T DO THAT! YOU'LL BE GONE-"

"Yes I'll be gone in your life. I'll go back to where I really belong." Sigaw ni Abby sa kanya. Nang makalapit na si Anthony sa kanya, hinawakan nito ang kamay ni Abby para pigilan sa ginagawa nito.

Ngunit huli na ang lahat. Naputol na ang kwintas kasabay ng unti-unting paglaho ng katawan ni Abby sa ilalim ng puno. Naramdaman ni Anthony na nag-init ang gilid ng kanyang mata at makalipas ang ilang sandali namuo ang mga ang luha sa kanyang mga mata habang pinagmamasdang unti-unti na ding naglalaho sa kanyang harapan ang kaluluwa ng kasintahan.

Nalaglag ang kwintas nang tuluyang mawala na si Abby. Napaluhod siya at yumuko habang patuloy ang pagtulo ng kanyang luha at pinagmamasdan ang kwintas ni Abby sa kanyang harapan. Dahan dahan niyang kinuha ang kwintas nang may panginginig sa kanyang kamay at hinalik ang kwintas sa kanyang labi. Hindi napigilan ni Anthony ang paghagulgol dahil sa labis na kalungkutan at sakit. Hindi niya akalain ang bilis ng mga pangyayari. Na sa isang iglap nawala na ang babaeng mahal niya na kanina lang ay kasama niya.

Tumayo si Anthony at tinitigan ang kwintas sa kanyang kamay.

"You'll be gone.....permanently." Nanghihinang sambit ni Anthony.

Lies of LoveWhere stories live. Discover now