....

2 1 4
                                    

I'm back Philippines!!!!!

waahh!! huhuhu!! Na miss ko talaga ang bansang to at lalo na ang aking napakagandang Ina!!

Ang Hyper ko noh?! Well, magagawa ko lang naman na sa wakas ang gusto kong mangyari sa buhay ko and that is:

number 1. Maging tunay na babae! I mean, I'm a girl but I feel don't kaya naman simula ngayon... SKIRT, SKINNY, TANK TOP, TUBE, BACKLESS HERE I COME!

number 2. Makapagsalita ng Filipino! Sa Japan kasi ako lumaki at good luck naman sa akin pag nag Filipino ako dun diba? Ngayong nasa Pinas na ako, hindi lang si Jun at ang sarili ko ang kakausapin ko ng Filipino!

number 3 and my pinak ultimate Dream!! ang magka BOYFRIEND!! Yup, I'm one of the NBSB girl. Ikaw ba naman magkaroon ng isang bodyguard na susundan ka kahit saan plus may driver ako, may maids tapos may look out pa! Ganyan kahigpit ang Ama ko. Tingin nyo may gugustong maging girlfriend ako? WALA! Takotlang nila.

and now!! makikita ko na si Mama! ang Dyosa kong Ina!! hahaha!!

Halos takutin ko na laht ng nasa pila ng immigration nmakalabas lang dito sa napakainit na airport ng Pilipinas. Pagdating sa immigration 'AANGAL PA KAYO?' Syempre takot lang nila kaya ayun lusot kagad. Ang ganda ko noh? Mga amaze sa beauty ko!

Nagpalinga-linga ako habang hinahanap si Mama dun sa mga naghihintay ng bagong dating... and there she was!! Sabi na nga ba Dyosa!

"Mama!!!!!!!" Nagtatakbo ako patawid para malapitan si Mama.

"MAM---ma?"

Nyek! "Ma! Si Aislin!"

"Aislin? Anak?"

"Mama naman!" Nakakasad! di nya ako maalala?

"Aislin? Nagpalit ka ng kasarian?" Nanlalaki yung mata nya sa gulat at lito.

Sarap sapakin nitong si Mama! Ano pa ba sa tingin nya? I'm not a gay nor a lesbian no! Girl ako! girl! "Ma! Ako pa rin ito!"

"Bakit lalaki na ang anak ko?"

Kutos gusto mo? "Ma?! Anong gusto mo maghubad ako dito para patunayan ko sa inyo na babae ako?"

"Aislin! Aislin Anak!!" Mukhang nalinawan  na sya  at  niyakap ako ng mahigpit.

"Mama!"

"Anak"

"Mama!"

"Anak!"

Pang teleserye lang noh?

"Excuse me po." Naputol yung usapan namin ng may umepal.

"Ano yun Iho?" My mom asked.

"Ahh..  Ma, sya nga pala si Jun." Pinakilala ko itong epal sa drama namin ni Mama. Aissh!! hitsura! kala mo hirap na hirap dalhin yung maleta namin.

"Boyfriend mo?" Tanong ni Mama.

"NO!"

"OHH! Don't tell me asawa mo?!"

"What no!! ano ka ba Ma! Bodyguard ko sya!. Ma, si Jun Kawasaki."

"Magandang Umaga po." Bati naman ni Jun

Si Jun Kawasaki ang pinaka malapit sa akin sa Japan. Bukod sa marunong sya mag Filipino, pinalaki talaga sya para maging bodyguard ko. Parang kababata, bestfriend, protector at secretary ko yan. Sya din ang dahilan kaya wala akong boyfriend. Sunod kasi ng sunod kahit saan ako magpunta. Kabanas lang minsan buti na lang ginagawa nya Assignment at Project ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon