Go Tristan!
YSSA.
"I don't believe in forever"
Yan ang mga salitang lumabas sa bibig ko nang may nakita akong mag jowa na naghaharutan habang kumakain doon sa dulo.
Kasalukuyan kaming nasa Jollibee ngayon. Trineat ko sila ng dinner since they surprise me... birthday ko kasi ngayon.
Actually, pinapili ko naman sila kung saan nila gustong kumain , at dahil sa alam nilang nagtitipid ako para makabili na naman ako ng jansport na bag, mahilig kasi akong mangolekta nun, kaya dito nalang kami sa Jollibee nagkayayaan.
"Wow! Ang bitter ng birthday girl!" Cara said, isa siya sa mga kaibigan ko na ka dormmate ko at the same time.
"Hindi lang kasi ako sanay. Dati naman kasi, gumagawa naman siya ng effort para lang magkasama kami. Siya pa nga ang unang bumabati sa akin pag birthday ko , even when we we're still friends" Sabi ko habang pinaglalaruan ko ang straw na nasa Coke float ko. "He is changing"
"Baka naman may family outing sila nga pamilya niya, eh diba kakauwi lang ng tito nun galing abroad? Wag ka ngang nega dyan, its your birthday today, you should be happy today" pagchcheer up sa akin ni Dolly.
"Baka naman may iba na?" tanong ni Selina, ang kaibigan kong mas bitter sa akin.
"Oh c'mon, Sel. Not all boys are like Justine. " sabi naman ni Sammy, ang kaibigan kong may pinakamatinong lovelife sa aming magbabarkada. 5 years na kasi sila ng boyfriend niyang si Andy.
"Oh shut up, Sam! Hindi rin lahat mg lalaki ay katulad ni Andy na candidate sa pagka santos. They were more like Justine... mga manloloko!" Gigil na sabi ni Selina habang sinasaksak ang chicken joy niya gamit ang tinidor.
"Guys, calm down! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao!" Saway ni Cara.
"Basta!" I said at itinaas ko ang tinidor ko. "Subukan lang niyang magloko, chochop choppin ko siya parang ganito!" Pinagsasaksak ko ang chicken joy ko gaya ng ginawa ni Selina.
"Kawawa naman ang manok, patay na nga, frinied na nga, tapos tini triple dead pa!" Sabi ni Dolly habang umiiling.
Pagkatapos naming kumain ay napagpasyahan naming maglakad para naman mabawasan ang fats na dinadala namin.
"Bwesit! PDA!" Biglang umiral ang pagka bitter ni Selina ng may nakita kaming mag jowa na naglalambingan sa daan.
"Iiwan ka rin niyan!" Sabi pa niya sa babae nang makasalubong na namin sila.
Nagtawanan lang kami ng biglang tumigil ang magjowa at humarap sa amin.
"Get a life!" Sigaw ng babae sa amin.
"Get a room!" Sabi naman ni Selina na ayaw magpaawat.
Susugurin na sana siya ng babae kaso pinigilan ng jowa niya.
"Babe, let's go!" Sabi nung lalaki sa kanya.
Sumunod naman ang babae sa lalake. Pero bago pa sila makapaglakad ulit ay nagsalita ulit ang babae.
"Palibhasa mataba, kaya siguro bitter at walang manliligaw!"
"Atleast ako Mataba lang! Ikaw HIPOOOOOON!" Naiinis na sigaw ni Selina sa babae.
We just laugh at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Eh totoo namang walang forever eh! Tss. Diba kuya? Walang forever diba??" Tanong ni Sel sa nadaanan naming baliw sa kalye.
"Seeeeel!" Saway namin sa kanya at nagtawanan na naman kami.
Tumingin ako sa cellphone ko.
Alas otso na ng gabi pero wala pa ring text galing sa kanya.
BINABASA MO ANG
THIRTEEN Steps To Forever ∞
Teen FictionTHIRTEEN. Isang malas na numero ayon sa karamihan. Magiging malas din kaya ito sa dalawang tauhan sa kwento? THIRTEEN. The number that ties them together. Work of: Maahuuusaaaay ♔