01

13 3 34
                                    

"Cheia, bumaba ka rito. Ano pang silbi ng suot mo kung hindi ka naman lulublob?" sabi ko, nakasakay sa donut na timbulan.

"It's called outfit, duh. And, Sky, you know that I don't swim," mataray na balik niya sa akin, prenteng nakaupo pa sa lounge chair habang umiinom ng juice.

"Itch cold awwfeet, dzuh," maloko kong ginaya ang sinabi niya.

"Tama na kasi, Daffodil! Susumbong kita kay Mama!" palayo nang palayo si Dale kay Daff dahil paulit-ulit siyang tinitilamsikan ng tubig ng kambal niya.

"Sumbungero, haha! Bleh!" hindi siya tinitigilan ng kambal niya.

"Hey, stop it! Nadadamay pati kami ni Xeine!" hinarangan ni Szue ang kanyang sarili mula sa mga atake.

"AAAHH—!" Napasigaw ako nang itaob ni Blaze ang timbulan na sinasakyan ko. Nakalunok at nakasinghot tuloy ako ng tubig ng wala sa oras! Hayop!

Hinabol ko nga siya para makaganti. Naneto! 'Di na 'to makakauwi ng buhay!

Take me as you are
Push me off the road
The sadness
I need this time to be with you

Napatigil ako sa paghabol kay Blaze ng may marinig akong magandang boses na kumakanta sa videoke. Sobrang relaxed ng boses niya, as in! Yung tipo na ang sarap sa tenga, yung hindi ka mauumay kahit magdamag ka pa niyang kantahan! Ganun! Hinanap tuloy ng mga mata ko kung saang cottage iyon.

I'm freezing in the sun
I'm burning in the rain
The silence
I'm screaming, calling out your name

Nahanap ko na! Oh my gosh, ang pogi?!? Ang puti niya tapos mukha pang nagniningning ang itim niyang mga mata kahit singkit iyon tapos ang messy pa ng natuyo niyang buhok eh gusto ko yung ganoon. Napatulala tuloy ako bigla.

And I do reside in your light
Put out the fire with me and find
Yeah, you'll lose the side of your circles
That's what I'll do if we say goodbye

Pinalakpakan siya ng mga taong nandoon sa kanilang cottage. Pumalakpak din ako, gaya-gaya ako eh.

To be is all I gotta be
And all that I see
And all that I need this time
To me the life you gave me
The day you said goodnight

"Huy! Ano ka d'yan?" sinabuyan ako ng tubig ni Daffodil kaya natauhan na naman ako.

"Ang pogi," wala sa sarili kong sabi habang nakikinig pa rin sa kanta.

"Huh?" napatingin din siya sa tinitignan ko, "Oo nga ano.." tapos bigla siyang natigilan, "Wait—gagsti, nandito rin crush ko?!"

"Huh??!" ako naman ngayon ang naguluhan. Crush niya yung kumakanta? Kilala niya 'yon?!

"Sino? Anong pangalan?" nalilitong tanong ko.

"F-Flordion!"

Flordion pangalan nung nakanta?

"Flordion ang pangalan nung nakanta?" inulit ko ang sinabi ng isip ko.

"Hindi, yung nakaupo!" natataranta niyang tugon.

"Ahh, yung nakaupo..." tumango-tango ako. E 'di anong pangalan nung kumakanta?!

"Psst. Kain na muna," tinawag na kami nina Tito at Tita para kumain dahil mag-aalas dose na.

Wala namang may birthday o ano, nung una balak lang naming mag-swimming na magkakaibigan, pero sumama ang parents ng kambal dahil mainit daw at tag-init na ngayon, at ang mga kaibigan na dinala namin ay nagdala rin ng kani-kanilang mga kaibigan kaya dumami kami.

crazily in loveWhere stories live. Discover now