Kabanata 4

395 25 12
                                    

Teresa

"Bes' bakit tayo nandito? Eh, alas onse na ng gabi." Rinig kong reklamo ni Helen.

"Let her be, broken kase." Tanging naisagot ni Subin.

Tanging halos nakahiga na ako sa counter dahil sa kalasingan, wala akong pakealam, gusto ko nalang ang maglasing ako boung gabi. I regret accepting boss Julie's favor, edi sana di ko nakita si ma'am Sanchez doon.

"Where's Luisa?" Lasing kong tanong, my vision is duplicating dahil sa kalasingan.

"She cannot come, mataas ang lagnat." Si Helen na ang sumagot.

Umupo silang dalawa sa counter at nag salin ng beer sa baso.

"Akala ko ba crush crush lang? Bakit may paganito ka pa?" Si Helen na ang umepal.

"Hindi ko alam beh, masakit eh. Sana hindi nalang ako umaasa. Engaged na nga 'yung tao eh!" Naiiyak na wika ko.

"Tatanggapin ka namin kahit magiging bulate ka, pero ang magiging kabet sa may jowa na? Hell no! We don't tolerate that here." Si Helen.

Pinaikotan ko s'ya ng mata. Anong kabet!?

"Gaga ka, anong kabet? I won't settle that low kaya no! Ew." I said taking another sip.

"I never heard about Ma'am Zoey getting engaged. Even Cassy is shocked." Si Subin ang nagsalita.

"Me too, it was unexpected. Last relationship ni Ma'am Zoey ay yung' nasa Siargao tayo diba? Broken hearted nga s'ya noon." Helen replied.

Sumakit na ang ulo ko, napakasakit yung' wala ng malalagyan dahil ang sakit. I regret drinking strong alcohol. Buti nalang at Sabado bukas kaya walang pasok.

"Oh, pagkatapos nito ano gagawin mo? Kalimutan ang lahat sa pagitan n'yo ni Ma'am Zoey?" Si Helen sabay pagtaas ng kilay n'ya.

"Mag ba-bake ako ng deserts bukas, mag pra-practice ako para sa reception ng kasal n'ya. Akala mo naman ang gwagwapo ng mapapangasawa n'ya e mukha namang si Barny." Reklamo ko habang hinihilot ang sentido.

"We are free tomorrow, sasamahan ka namin nila Luisa at Helen. I think my siblings are free too, gagala kami sa bahay n'yo." Suggestion ni Subin.

Tumango nalang ako. Wala si tatay dahil sa trabaho n'ya kaya ako lang mag-isa sa bahay. Kailangan ko talaga ng kasama bukas.

"Nag assume kase ako, ang bobo ko. I thought we're mutual na pero niloloko ko lang pala ang sarili ko." Wika ko pa.

"Bakla deserve mo din iyan, assumera ka pala eh." Si Helen naman, may pahagod-hagod pa s'ya sa likod ko eh iniinsulto lang ako neto!

"Do you want to go home na? Para makapag-pahinga ka na galing sa part-time job mo." Subin assisted me to get on my feet dahil lasing na talaga ang boung kaluluwa ko.

"Alam mo, mag nararamdaman akong red flag d'yan sa Zoey na iyan eh. Basta Teresa, may nararamdaman lang akong kulang pula sa ugali n'ya." Helen blurted out while Subin is driving us to my house.

"I don't want to be rude pero color red suits her rather than color black because she's walking red flag. At ikaw Teresa, colorblind ka yata eh." Dagdag ni Helen.

Sumimangot lang ako at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa passer seat.









Nagising ako ng alas nuebe ng umaga. Nakahiga ako sa kama, I think Subin and Helen put me into bed.

Hinihilot hilot ko ang sentido dahil bumabaliktad parin ang paningin ko. Taena ang sakit!

"Fuck, I won't drink again. I regret drinking alcohol last night, damn it." Ungol ko pa.

The Lady In Black (GXG)Where stories live. Discover now