Prologue

812 6 4
                                    

Prologue

"Bes, excited na talaga ako na manganak ka, diba anytime ay manganganak ka na?" excited na tanong ni Catherine, sabay himas sa malaking tiyan ni Lorena.

"Oo nga bes eh, anytime ay manganganak na ako." Hinimas din ni Lorena ang kanyang malaking tiyan.

Dumalaw kasi sila Will at Cathy sa kaibigan niyang si Lorena. Kasama ang dalawa niyang anak sina Kreshia at Baby Toffer. Tahimik lang si Kreshia sa tabi ng ina, habang naglalaro ng kanyang doll.

"Bes, pag ikaw ay manganganak ngayon. Irereto ko talaga si baby Toffer kay baby Cassie." kinikilig na sabi ni Cathy sa kaibigan niyang si Lorena or Rena for short. Cassie ang name ng baby niya kasi alam na niya ang gender ng kanyang ipinagbubuntis. Hinimas niya ulit ang tiyan ni Rena. Nakihimas din si baby Toffer, ginaya niya ang kanyang Mommy. Kaya mas lalong natawa ang dalawa.

"Ay oo naman bes, parang KathNiel lang, same sila ng birthdate." Sabay tawa ng dalawang ginang na parehong kinikilig. Pareho kasi silang fan ng KathNiel. Pinanggigilan din niya ang pisngi ng 11 month old na si baby Toffer na kandong ng kanyang ina. Tawa naman ng tawa si baby Toffer, tapos kiniss pa niya ang tiyan ng tita Rena niya. Kaya natawa ulit ang dalawang mag bes. Tapos hinimas ulit ni baby Toffer sabay sabi ng "Cass." Kaya tawa ng tawa ulit ang dalawa. Kasi ang unang word natutunan ni baby Toffer ay Cass, kaysa Mommy o Daddy. Palagi kasing naririnig ng bata ang Cass, kaya ayun Cass ng Cass. Kaya nga napadalaw sila doon kasi Cass ng Cass si baby Toffer.

"Ang sweet naman ni baby Toffer, agree siya bes." At hinimas niya ang ulo ng bata, at ngumiti sa kanya, at lumitaw ang kanyang cute dimple sa right cheek niya. Napalingon ang dalawa ng biglang sumigaw si Kreshia.

"Ninang Rena wiwi ikaw?" inosenteng tanong ni Kreshia sabay turo sa tubig sa paanan ng ninang Rena niya.

Nanlaki ang mata ni Cathy at napatingin sa sahig.

"Oh my gosh bes, pumutok na ang panubigan mo! Grabe agad-agad lalabas na si Cassie, omg omg! Mely tawagin mo ang Sir Serge mo. Manganganak na ang Ma'am Rena mo." natarantang utos ni Cathy sa kasambahay ng mga Villegas. Agad naman tumakbo palabas ang inutusan na kasambahay, papuntang garden.

"Omg bes, parang sumang-ayon din si baby Cassie! Excited na atang makita si baby Toffer ko! Siya lang pala ang magpapalabas kay Cassie!!!! Serge, William hoy saan na ba kayo manganganak na si Lorena!!" natatarantang sigaw si Cathy.

"Cathy ano ba relax ka nga diyan, wag kang mataranta, haha oo nga eh, excited na ata din siya, habang sapo sapo ang kanyang tiyan, at nagawa paring tumawa. Kahit hindi na niya maintindihan ang kanyang naramdaman. Mas nangingibabaw pa ata ang excitement at kilig kaysa sakit.

Agad naman humahangos pumasok ang asawa ni Lorena na si Serge. Lumapit siya sa asawa niya at binuhat ito pa bridal style. Binuksan ni Will ang backseat at ipinasok ni Serge ang asawang manganganak na sa backseat ng sasakyan. Na naghihintay na pala sa labas, bago umupo na sa tabi ng asawa.

"Bes, susunod nalang kami ni Will sa hospital, ihahatid lang namin ang dalawang bata sa bahay." Ani ni Cathy na hanggang ngayon ay natataranta parin. Kinuha na lang ni Will si baby Toffer, bago pa ito mahulog ng di oras ni Cathy.

Ngumiting tumango na lang si Lorena, bago sumara ang pinto ng sasakyan na minamaneho ng kanilang driver na si Mang Adong papuntang hospital..

Hours later baby Krista Cassandra was born.

A month later

"Happy birthday baby Toffer!" masayang bati ng mga bata kay baby Toffer. First birthday ni Toffer ngayon. "And welcome to the Christian world baby Cassie." Bati rin ng mga ninong at ng ninang ng bata. Binyag din kasi ni baby Cassie. Napagkasunduan kasi nila Cathy at Rena na isabay nalang ang 1st birthday ni Toffer at ang binyag ni Cassie. Ang idinahilan ng dalawa, ay pareho naman sila ng circle of friends. And sabi pa nila, makakatipid pa sa gastos nila, and the more the merrier daw. Siyempre marami silang mga bisita, mga kamag-anak ng dalawang angkan. Mga Villegas at Collantes, siyempre nandoon din ang pamilya nila Cathy at Rena. Always present naman sila pag may special occasion. Ganun sila ka close, para na silang mga tunay na magkapamilya.

Ang party ay idinaos sa isang function room ng country club ng kanilang subdivision. Ang theme ng party ay heaven and angel. Ang setting ng buong function ay parang nasa langit ka. Lahat ng kulay ay puros light blue, sky blue and white. May light pink and light yellow din.

Tuwang-tuwa ang mga batang bisita dahil sa mga makukulay na balloons. Lalong-lalo na si baby Toffer. Tuwang-tuwa naman ang mga bata, dahil may storytelling, at may pa games.

Biglang umiyak si baby Cassie kasi naalimpungatan, nagpupumiglas si baby Toffer sa pagkarga sa kanya ng kanyang Daddy. Gustong pumunta kay baby Cassie na karga naman ni Serge. Walang nagawa si Will, kaya lumapit sila kay Serge na karga-karga ang kanyang bunsong anak. Kaya natawa nalang si Serge, at inilapit ang umiiyak na sanggol kay baby Toffer. Hinalikan niya ang noo ni baby Cassie, kaya maya-maya lang ay tumigil ito sa pag iyak, at nakatulog ulit. Kaya tawa ng tawa ang kanilang mga magulang. Na aamaze sila Rena at Serge kasi napatahan ni baby Toffer si baby Cassie.


"Omg bes, ang galing naman ni Toffer, napatahan niya ang baby Cassie namin, amazing. May power ba itong si Toffer? Eh saka lang naman tumigil sa pag iyak si Cassie, pag siya ay may pacifier sa bibig niya. Eh nakalimutan dalhin ni Serge, yung pacifier niya, kaya umiiyak ang bunso namin."
Na aamazed na sabi ni Lorena sa kaibigan niyang si Cathy.

Natawa lang ang kaibigan niya. "Ganyan naman si Toffer, pag-umiyak ang ate Eshia niya. Niyayakap niya lang tumigil na sa pag-iyak. Pero pag ibang bata ang umiiyak, ginagaya niya. Kaya mas lalong iiyak yung bata kasi inaasar niya." pag ibang bata ang umiiyak, ay ginagaya ni Toffer at mas lalo niyang inaasar. Kaya natawanan nalang ang mag best friend.

Naging masaya ang lahat sa party, lahat ng mga bata ay umuwing masaya kasi double ang nakuha nilang giveaways, at dalawang balloons.


---

new version. originally published March 17, 2013. ang tagal na no? di ko matapos tapos, kasi busy ako, tinatamad at minsan lang kami may internet kasi prepaid lang ang pocket wifi namin. may changes, may characters na tatanggalin ko, pero yung friends sila parin. may names din na pinalitan ko. name ng Parents ni Cassie, Darren at Serena yun, ginawa kong Darren Serge and Lorena hehe...

p.s edited kasi kulang pala ang na post ko hehe

Mesmerized-New VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon