Chapter 1

141 2 0
                                    

Chapter 1


Five Years after


"Toffer, wag kang tumakbo, baka pagpawisan ka. At magagalit ang Mommy mo." hinahabol, ni William ang anak. Ang kulit kasi ni Toffer, takbo siya ng takbo. Ngayon kasi ang kasal ng kanyang bunsong kapatid na si Murkin. Finally ikakasal na ang kanyang bunsong kapatid kay Natalie Grashalyn. Akala nila walang balak mag-asawa at mag pari ang kapatid, pero hindi, he fall in love sa kapatid ng best friend niya. Si Toffer kasi ang little groom. And si Cassie naman ang little bride.


Nag simula ang ceremony at naging emotional ang lahat.. Natatawa si Willian, dahil umiyak ang kapatid niya sa pagsabi ng kanyang vow, sa kanyang bride. Mas lalo na ang vow ni Natalie Grashalyn. Masaya din ang kanilang mga magulang dahil, hindi na daw ma oop si Murkin.

---


Reception


Nagsasayaw na ang groom and bride para sa kanilang unang sayaw bilang mag-asawa. Natutuwa si Toffer dahil nakita niyang sumayaw ang Tito Murkin at Tita Natalie niya. And then napalingon siya kay Cassie. Na naka upo, katabi ang ate Eshia niya. Kasama ang kuya Francis nila. Pinanunood din kasi nila ang nagsasayaw na bagong kasal. Napatulala siya, dahil ang ganda ni Cassie. At sabi niya sa sarili niya na, crush na niya si Cassie.


Tumayo siya sa harap at tumingin siya sa kanyang mga magulang, sa lolo't lola niya. Sa mga magulang at sa grandparents ni Cassie. Nag bow pa siya kaya natawa ang mga matatanda.


"Bakit ka nag bow sa harap namin apo?" magiliw na tanong ni Don Julian kay Toffer.


Ngumiti naman si Toffer, at tumingin kay Serge at Lorena. Kay don Carlos at donya Vivian.


"Eh kasi Granpa Juls, gusto ko pong sabihin kela tito Serge, tita Rena. kay Granpi Carlos at Granny Vivian, na when Cassie and I grow up. I want to marry her. And grow old with her just like you Granpa and Granma. Granpi and Granny." seryosong sabi ni Toffer sa kanila, sabay tingin kay Cassie na nakipag kulitan sa ate Eshia niya.


"Seryoso ba tong anak mo dude?" natatawang tanong ni Serge sa kaibigan niya.


"Maybe he is serious dude haha." natatawang sagot ni William sa kanyang best friend na ama ni Cassie.


"Dad! I'm serious. Walang maybe po. And crush ko po talaga si Cassie. And someday I will love her, just like you love Mommy, Daddy." at ngumiti ng pagka laki-laki si Toffer, kita ang kanyang bungal.


Natawa nalang sila Rena kasi ang cute, cute ni Toffer na walang ngipin. Kaya sinakyan nalang nila ang sinabi ng bata. Baka kasi iiyak si Toffer pag hindi sila sasang-ayon sa sinabi niya. Hindi nila alam na seryoso talaga si Toffer.


"Ay mana talaga sa iyo ang anak mo Will, haha. Seyoso nga, ganyan ka naman dati, humarap ka sa parents ni Cathy. Buong tapang mong hinarap ang Papa niya, na ligawan mo ang anak niya. Then years after, humingi ka rin ng permiso na pakasalan si Cathy. Naalala ko nga kinakabahan ka at pinagpawisan ng sobra." Natatawang sabi ni Serge sa kaibigan niyang si Will.


Nag announce ang emcee na dance for all na daw, bigyan ng chance ang mga single kung sino man ang gusto nilang isayaw, basta single din nakatulad nila. Yung mag-asawa, at mag kasintahan ay pumunta na sa dance floor para sumayaw. Tumayo na si Don Julian at niyaya si Donya Jasmin na sumayaw. At pumunta na sila sa gitna para sumayaw.


"Tito Serge, Granpi Carlos, pwede ko po bang maisayaw si Cassie? Please?" hinging permiso ni Toffer kay Serge at Don Carlos.


"Sure, Toffer apo go ahead, pwede mong isayaw si Cassie." Pagpayag ni Don Carlos kay Toffer, at natuwa naman ang bata. Tumayo na rin si Don Carlos at inaya rin niya si Donya Vivian na sumayaw.


"How about you Tito Serge? Papayag ka po ba, na isayaw ko si Cassie?" tanong ni Toffer sa ama ni Cassie.


Kunwari nag-isip muna si Serge, pero ng tignan niya si Toffer ay nagpacute na sa kanya. Na payagan siyang isayaw ang kanyang unica hija. Natawa naman silang lahat, siniko ni Rena ang asawa at sinabing payagan na niya si Toffer. Na hindi mapigilang kiligin, gusto kasi nila Rena at Cathy na ipagkasundo ang kanilang mga anak.


"Sige na, take care of my Cassie ha, I trust you, young man." Pagpayag ni Serge. Kaya sobrang natuwa ang bata.


"Thank you so much Tito Serge. Pupuntahan ko nap o si Cassie." Sabay takbo palayo sa kanila, at lumapit na si Toffer si Cassie.


"Dude, ang bata pa ng anak mo, gusto nang bakuran ang anak ko hahahahaha." Natatawang sabi ni Serge kay William.


"Hahaha, ayaw mo pa nun? Atleast kilala mo ang magiging kasintahan ng anak mo. Pagkalaki nila, don't worry dude, papayagan naman kitang pahirapan ang anak ko kung sakaling liligawan niya ang anak mo hahaha." At sabay nilang tinignan ang paglapit ni Toffer kay Cassie.


Lumapit na si Toffer kay Cassie, at siya nalang mag-isa naka upo. Nakita kasi niyang umalis ang ate niya at nagpasama sa isa nilang pinsan, siguro pumunta sa cr.


"Hi Cassie, pwede ba kitang maisayaw?" sabay lahad ng kanyang kanang kamay. Tinignan lang siya ni Cassie, at lumingon siya sa mga magulang niya. Tumango lang ang Mommy at Daddy niya at ngumiti.


"Sige." Pagpayag ni Cassie, sabay abot sa naka lahad na kamay ni Toffer.


Pumunta na ang dalawang bata sa gitna at sumayaw. Natutuwa yung ibang mga bisita at yung iba pa nga eh kinikilig. Kasi ang cute ng little groom at little bride na nagsasayaw. Yung iba sa kanila ay tumigil sa pagsasayaw, pinicturan at vinedeohan pa si Toffer at Cassie.


Kahit bata palang sila Toffer at Cassie, alam na nila kung ano na ang kanilang nararamdaman para sa isa't-isa. Doon nagsimula, ang lahat, ang pagkakaroon ng crush nila sa isa't-isa.

 ~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o  

Finally updated na, grabe ilang buwan kong pinag isipan kung ano ba talaga ang chapter 1. Sumakit talaga ang ulo ko sa kakaisip haha.. about sa crush thingy, bata palang ako may crush na ako, normal naman yun, pero kahit na di parin yun pwde kasi bata pa haha. pero ganito talaga nag simula ang lahat hehehe sa crush-crush 


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mesmerized-New VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon