Masakit makitang umiiyak ang taong gusto.
Yung tipong gusto mong tumalikod para lang hindi makitang nahihirapan siya.
Pero syempre mangingibabaw parin yung kagustuhan mong tulungan siya at damayan sa mga oras na iyon.
Pero paano kung papalapit ka na sana pero... naunahan ka?
Naunahan ka na ng iba na lapitan siya.
Naunahan ka ng damayan siya, yakapin at pagaanin ang loob niya.
Masakit diba?
Masakit makitang may kayakap siya at dumadamay sa kanya sa malungkot na oras ng buhay niya.
Eh samantalang, ikaw dapat ang nandoon?
Malakas parin ang buhos ng ulan pero hindi ko iniintindi iyon kasi kailangan ko siyang mahanap dahil alam kong kailangan niya ng masasandalan ngayon.
Kung itatanong niyo kung sino yung hinahanap ko dito sa ulanan, si Ryle yun. Ang kaibigan ko and at the same time, siya din ang taong gusto ko. Pero hindi niya alam dahil hindi ko sinasabi.
Nabalitaan ko kasi na namatay yung mama niya sa isang car accident ngayon-ngayon lang. Dinala daw yun sa hospital pero dead on arrival daw. Nagulat ako nung nalaman ko yun. Ano kayang reaksyon ni Ryle dito? Mahal na mahal pa naman nun ang mama niya at hindi niya kakayaning mawala ito. Nabalitaan ko din na hindi siya pumunta sa hospital at nagpaiwan lang siya sa bahay nila. Pumunta ako kaagad sa bahay nila-at nakalimutan ko pang magdala ng payong sa sobrang pagmamadali-pero wala siya dun. San naman kaya pumunta yun? Pumunta na din ako dun sa lugar na madalas niyang tambayan pero wala din siya doon. Kaya nandito ako ngayon sa kalsada at hindi alam kung saan ako pupunta o maghahanap.
"Hay! Nasan ka na ba kasi Ryle?!" naiinis na ako dito. Gusto ko na siyang makita! Nasan na ba kasi yung taong yun. Baka kung ano ng nangyari dun. Baka nagpasagasa na yun ngayon! Ay, wag naman sana!
Dinala ako ng mga paa ko sa tapat ng isang bookstore. Dito muna ako sisilong hangga't hindi ko pa naiisip kung saan ako maghahanap. Umupo muna ako sa bench dito sa tapat ng bookstore at pinagmasdan ang mga kotseng dumadaan. Hay, bawat kotseng dumadaan nakikita ko yung mukha ni Ryle eh! Grabe na ha! Sobrang nag-aalala na ako sa lalaking yun. Pati kotse mukha niya ang nakikita ko. Ayoko na nga tumingin sa mga kotse. Nabaling naman ang tingin ko sa kabilang side ng kalsada. May mga kung ano-anong stores din dun pero sarado na yung iba kasi gabi na. Pati nga 'tong bookstore na pinagsilungan ko ay sarado nadin. Tapos biglang nakuha ng attention ko ang isang lalaki sa tapat ng nakasaradong music store. Nakasandal siya sa wall, nakataas sa pader ang kanang paa, nakahawak ang kamay sa tuhod at ang isang kamay ay nakatakip sa mukha.
Si Ryle!
Sabi na nga ba at malungkot siya eh! Sino bang hindi? Ang bobo ko.
Tiningnan ko si Ryle. Ramdam na ramdam ko yung lungkot niya kahit tinitingan ko lang siya. Bigla niyang inangat ang ulo niya at pinunasan ang mga luhang tumutulo sa kaniyang mga mata. Ooooh, shocks! Umiiyak siya! Wag ganyan Ryle! Hindi ko kayang makitang umiiyak ka eh. Pero mas hindi ko naman kayang iwan ka! Ano nang gagawin ko?
Tumayo ako sa may bench para sana pumunta na sa kabilang side ng kalsada kung saan nandun si Ryle pero...
May humintong sasakyan malapit sa music store at lumabas mula doon si Joane na may hawak na payong tapos lumapit siya kay Ryle. Ba't siya may dalang payong eh nandun na nga sila sa silong? Hindi na sila mababasa. Ay, namimilosopo na naman ako. Si Joane nga pala yung... uhm... parang ang hirap atang sabihin... siya yung ano...'yung...'yung taong matagal ng gusto ni Ryle.
Nagstep ako ng isa kasi gusto ko parin sanang lumapit kahit nandyan si Joane pero, biglang niyakap ni Joane si Ryle kaya hindi ko na nakaya pang lumapit.
Naramdaman kong biglang sumIkip ang aking dibdib at nahirapan akong huminga. Ganyan? Ganyan talaga ang makikita ko?
Aray! Aray lang talaga ha! Dapat ako ang nandyan eh! Ako dapat ang yayakap kay Ryle at magcocomfort sa kanya pero bakit bigla kang dumating?! Shiz naman oh! Umalis ka diyan! Ako dapat ang nandyan eh! Ako dapat...
Hindi ko na napigilan at tumulo na ng tuluyan ang mga luha ko. Alam mo yung masakit? Yun yung makitang may kayakap na iba ang taong gusto mo. At niyayakap rin niya ito pabalik. Umiiyak siya habang kayakap ito. Yung para bang siya ang taong laging nandyan para tumulong sayo at para narin sandalan sa mga oras na kailangan mo siya pero shiz ulet ah. Ako kaya yun! Ako yung taong hindi ka kayang iwan at laging nandyan para sayo! Bakit hindi mo marealize yun?! Ganyan ka na ba talaga kamanhid?! Ako yun Ryle.
Bakit ba hindi mo maramdaman?
Hindi ko na kayang makita pa ang yakapan moment ng dalawang 'yan. Tumalikod nalang ako at tumakbo sa kung saan man ako ulit dalhin ng mga paa ko. Pero gusto ko, sa lugar na malayo dito. Yung hindi ko sila makikita. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa may hill, which is the highest place here. Kita mo dito ang buong lugar. Ang mga bahay, city lights, kalsada, malls, maliliit na stores, trees at kung anu-ano pa. Pero ang hindi kita dito, si Joane at Ryle.
"Nakakainis ka Ryle!" sigaw ko habang umiiyak. Wala namang makakarinig sakin dito kaya ayos lang. Pagkasigaw ko nun ay umupo ako sa damuhan at tumingin sa mga bituin. Nag-isip ako ng malalim at pumikit.
At napag-isipan ko ang mga bagay na ito...
Masakit ngang makita ang scene na iyon pero... narealize ko rin na makakatulong iyon kay Ryle. Makakagaan sa pakiramdam niya ang yakap na iyon. Hindi man ako ang nandoon para icomfort siya, atleast nandoon naman ang taong gusto niya. Na alam kong makakatulong talaga. Kaya ayos lang. Kahit masakit, kailangan kong tanggapin. Kailangan kong tanggapin na hindi talaga. Kahit kailan, hindi magiging ako yung taong dadamay sa kanya sa ganitong pagkakataon sa buhay niya.
Hindi magiging ako...
BINABASA MO ANG
She's Too Late
Teen Fiction{ One Shot } ❝Does being late stops everything? No.❞ Published on March 10, 2013. © yelrihx