Bakit ba talaga natin kailangang ma-inlove?
Masasaktan ka lang naman.
Aasa.
Pero....
Ano ba talaga ang meaning nun?
"Slowmo!"
"Masaya kang kasama siya!"
"Irregular heartbeat."
"Ang mga tingin at ngiti, makalaglag panty~!"WTH they are talking about? Mga weirdo to sila. Bakit kasi ito pa ang group activity namin? Hanep den tong mga suggestions nila e. Lalo na dun sa, ngumiti lang or tumingin, laglag panty na agad?! Ano yun may magnet ang mata? -_-#
"Ikaw Yanalei?!"
"AY PANTY!!!"Napatakip agad ako ng bibig at namutla sa sinigaw ko. S-sinabi ko b-bang p-p-panty?!
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!"
Tinignan ko ng masama si Kaye na hinahampas na ang lamesa kakatawa. Pasalamat siya na panget siya, kundi sinapak ko na tong hinayupak na to.
"Miss anong panty a--"
"ANG PANGET MONG HINAYUPAK KA!!!"O____O
Pvt@ngin@ x2 x2 x2 x2 x2
"What did you say Miss Salazar?!" Napalunok ako ng mariin ng sabihin yan ng teacher kong kalbo.
"A-e lalabas na po ang p-panty-e-este---"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
"Naiihi na po ako Sir Itlog--G-gomez pala. T_T"
"HAHAHAHAHA!"
Lalong nanginig at namula sa galit ang kalbong nasa harap ko. Kung ihahalintulad ko talaga siya sa itlog, siya ay isang pulang itlog.
"WHAT?! GET OUT!"
"I-im sorry pulang i- sir g-gomez.." Tumakbo ako palabas ng library dala dala ang bag ko. Nagtatawanan parin ang mga students sa library. At may narinig akong sumigaw.
"QUIET!"
"Pfffft-!"
"WE'RE NOT YET DONE MISS SALAZAR!"
Hanep den to sila. Gulatin ba naman ako? Masama akong magulat e. Nasasabi ko yung mga nasa isip ko T___T
"Hi Panty girl~!"
"Babaeng mahilig sa panty!"
"Hahahahaha!!!"Sa sobrang inis ko,pinakyuhan ko sila.
Nakarating na ako sa banyo nang ngalay ang daliri. Sa sobrang daming nang asar sa akin, ganun din yung nangyari sa daliri ko. Ang dami ko kasing napakyuhan.
-___-#Pumasok ako ng banyo at inilapag ang bag. Humarap ako sa salamin.
"Anong katangahan nanaman ang ginawa mo Yanalei? T__T"
Napailing nalang ako at naghilamos. Pag angat ko ng ulo...
B-bakit m-may lalaki dito? N-naka towel l-lang?!
O/////O - ako
O_____O - lalaki"Kyaaaaaah~! Manyak kang hayup kaa!! Anong ginagawa mo sa girls restroom ha?! *hagis ng notebook* Bastos kaa!! "
"T@ngin@ miss! Unang una boys--*ilag sa lumipad na gunting* Tengene! Boys cr to--*ilag sa lumipad na cutter* Pag ako namatay dadalawin kita!!" Kasabay ng pag ilag niya ay ang paglaglag ng towel na nakasaplot sa kanya. Napatalikod agad ako.
Lalong nag init ang mukha ko kaya lumabas na ako ng cr. Sumandal ako sa pinto nun at dahan dahan kong inikot ang ulo ko para tignan ang signboard.
| |
| BOYS RESTROOM |
| |Fvck.
"What are you doing inside the boys restroom, Miss?" At ngayon? Dahan dahan kong inikot ang ulo ko paharap. At tuluyang nanlumo sa aking nakita.
"A-e m-maam I d-didn't n-notice--"
"5 hours detention slip for you,Miss?"
At tinignan ang ID ko. L-limang oras?!
"Miss Salazar of 3-A? Tsk. Tsk. Tsk." Nakangiti niyang inabot ang detention slip sa akin at naglakad palayo.
Bakit ang swerte swerte ko ngayong araw na to? T___T
A/N:
Hi readers! (Kung meron man.) . First story ko po ito pero nag ooperate ako ng mga character sa watty. So, please support my story ^____^
Read.Support.Comment.Vote
~Cici