EPILOGUE

7.1K 93 3
                                    

Thank you for reading my story,❤

~~~~~~~~~~~~~~~~

*ATASHA CANA*

NAGISING ako sa ingay ng paligid. Unti-unti kong iminulat ang mga mata. Unang bumungad ang puting kisame.

"Ang cute cute naman ng apo ko na 'yan. " saad ng mama ni Drake.

"Mana sa lolo 'yan e. " segunda naman ni Tito.

"He! Mag tigil ka. Sa'kin mana 'to."

"Mahal, kita mo naman na sakin nag mana ang apo ko. Pahiram nga at makilik ko rin."

Ngunit hindi naman ito pinansin ng asawa.

"Dad, mom, sa'kin nag mana 'yan. Ako ang daddy e. "

Masaya ko silang pinapanuod. Kaligayahan ang namamayani sa puso ko.

Nakaramdam ako ng uhaw kaya tinawag ko si Drake.
"Drake. " sa namamaos na boses na tawag ko sa kaniya. Nasa gilid ito ng hinihigaan kong kama.

Agad naman na tumingin ito sa akin. Hindi nito napansin na gising na ako kasi masaya itong makatingin sa magulang. "You're awake. May masakit ba?" nag aalalang tanong niya.

"I'm fine. Just a little bit pain down there. "

"Thanks God you are safe and our baby. " dinampian niya ako ng halik sa labi.  "Do you need anything? "

"Water."

Agad itong nagsalin ng tubig sa baso. Pinaupo niya ako sa kama bago ibigay ang tubig.

Ang sakit ng ibaba ko. My gad. But worth it naman.

"Thank you for bringing our baby in this world. You're so brave, wife.  I love you" sabay halik sa akin.

"I love you too. "

Biglang umiyak ang anak namin na kilik ng lola niya.

"Ay nagugutom na ang gwapong apo ko na 'yan. "

Lumapit ito sa amin.

"Breastfeeding time na. " sabi nito saka ibinigay sa akin ang anak ko.

Nanggilid ang luha ko ng masilayan ang mukha niya. Matangos na ilong na namana sa kaniyang ama, ang mapulang labi na hugis puso. Labi lang ata ng anak ko ang namana siya sa'kin. Kamukhang kamukha niya ang daddy niya. Unfair!  Ako naghirap umiri tas labi lang makuha sa akin.

"Labas muna kami ng daddy niyo. " paalam ni tita.

"Sige po, tita. "

"Mommy. Call me mommy, iha"

Nakagat ko ang labi. Nahihiyang ngumiti ako. "Opo mommy. "

Lumabas na ang mga ito kaya akmang itataas ko na ang damit para padedehin ang anak ko nang makita ko si Drake.

"Hindi ka lalabas?" naiilang kasi ako.

"Bakit ako lalabas? Gusto ko kayo panoorin. Wag ka na mahiya nakita at nauna na ako jan." sabay ngisi

Inirapan ko nga.

Itinaas ko ang damit saka pinadede ang anak kong gutom na. Napangiwi ako sa bawat pagsipsip niya sa dede ko.

"Dahan-Dahan lang anak. " natatawang at nakangiwi kong sabi.

Tumabi sa'kin si Drake. "Masakit? " hinawakan nito ang kamay ng anak namin. Agad naman nitong hinawakan ang malaking daliri ng ama.

"Medyo. "

Hinawakan nito ang pisngi.
"He's so handsome like me. Thank you for giving birth to this little champ. I'm so proud of you, wife. Thank you for making me happy. " madamdaming saad nito.

ONE NIGHT | (COMPLETED) ✔️  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon