"Ano ba Jessica palagi kana lang galit, ano nanaman bang nagawa ko?" Tanong ni Bryan na may nakakaawang tono
"Wala, wala lang siguro ako sa mood" galit na sabi ni Jessica at hindi maka tingin kay Bryan
"Ano ba please, hindi ko alam kung anong nagawa kong mali, pero kung may nagawa man ako na hindi ko alam na ikinagalit mo sorry" nakayukong sabi ni Bryan na maluha luha na at hinawakan ang kamay ni Jessica
"Baka pagod lang ako, papasok na ako sa bahay" malamig na sabi ni Jessica at hinila ang kamay mula sa pag kakahawak ni Bryan at tumalikod upang pumasok sa kaniyang bahay
Walang magawang tumingin si Bryan habang papasok si Jessica. "Baka pagod lang sya" bulong ni Bryan sa sarili at ngumiti ng mapait at nag lakad pauwi.
Sinundo ni Bryan si Jessica mula sa trabaho at ihinatid ito pauwi dahil night shift si Jessica kaya naman hati ang oras ng dalawa, dahil pang umaga si Bryan sa trabaho, kaya naman wala silang oras sa isat isa maliban sa pag hatid at pag sundo ni Bryan.
Sampung minuto lang ang layo kung mag momotor mula sa bahay ni Bryan hanggang sa bahay ni Jessica kaya naman nagagawa niya itong ihatid at sunduin bago siya papasok at bago siya uuwi.
Tatlong taon nang magkasintagan ang dalawa ngunit si Bryan lamang ang nag papanatili sa relasyon nila, si Bryan lagi ang nag bibigay at mas lumalala ang pagiging maiwas at malamig ni Jessica habang tumatagal ngunit hindi ito ininda ni Bryan.
Makalipas ang ilang minuto naka uwi si Bryan at tinignan ang kaniyang telepono kung may mensahe mula kay Jessica, ngunit nalungkot siya dahil wala siyang naresib kahit isang mensahe
"Baka tulog na sya" bulong ni Bryan at nag simulang mag luto ng agahan
Makalipas ang kalahating oras natapos na si Bryan mag umagahan at maligo at handa na siyang pumasok sa trabaho, ngunit sa mga oras na ito ay tumunog ang mobile phone ni Bryan
"Who?" Tanong ni Bryan sa sarili at tinignan ang notification ng kanyang telepono, napangiti si Bryan dahil napansin niyang nag padala ng mensahe si Jessica, ngunit nag taka siya bakit ganitong oras na gising pa rin si Jessica, kaya naman binuksan niya ang mensahe at biglang nanlamig si Bryan sa kinatatayuan at nag bago ang ekspresyon.
"Bryan gusto ko muna ng kaunting distansya gusto ko sana muna ng Cool Off" ito ang mensaheng ipinadala ni Jessica
Tinawagan ni Bryan ang numero ni Jessica upang tanongin kung ano ang ibig nitong sabihin, ngunit sa kasamaang palad nakapatay na ang telepono ni Jessica. Kinakabahan si Bryan sa mga oras na ito dahil hindi niya alam kung ano ang nangyayare kay Jessica, ngunit hindi niya ito gaanong inisip at pumasok na siya sa trabaho
Pag dating sa pinag tatrabahuhan ni Bryan napansin ng kaniyang kaibigan na kakaiba o tila wala sa sarili si Bryan kaya tinanong niya ito
"Bry, may problema ba?" Tanong ni Clinton
Tila walang narinig si Bryan kaya sumigaw si Clinton at inulit ang pangungusap
"Oi Clint wala naman hehe" walang magawang sabi ni Bryan at ngumiti ng mapait
"Anong wala? Bakas sa mukha mo ang lalim ng problema mo, kwento ka" nakangiting sabi ni Clinton at tinapik ang balikat ni Bryan
Ngumiti si Bryan at sinabi "si Jessica kasi tol nakipag Cool Off"
"Naku, di kapa nasanay kay Jessica lagi naman yan ganyan" nakangiting sabi ni Clinton
Ngumiti lang si Bryan at hindi nag salita
"Malapit na Monthsary nyo diba? Bakit di mo siya sorpresahin?" Nakangiting suhestyon ni Clinton
"Oo nga, tamang tama may bagong movie na ilalabas ang *couple star* tsaka big fan siya nun, aalukin ko siya mag cine" nakangiting sabi ni Bryan at nagpasalamat kay Clinton