|at School, ceremony flag|
Nakatayo lang ako dito sa di malamang pilahan. Ang gulo e, di ko alam kung saan naka arrange ang section namin. Nalipat din kasi ako ng section e, dating nasa higher section ngayon pang second to the last na. Talino ko no?
Nag headset na lang ako at nag simulang mag play ng music, eh wala namang kakwenta kwenta mga pinag sasasabi ng Principal na yan e.
After the ceremony, hindi muna ako pumasok sa room namin, manti-trip muna ako XD
Sa ibang room section ako pumasok.
"Hi Kim Chiu! Buti na lang dito section mo (Duhekk? Feeling close pare!), by the way I'm Josh. At your service" Sabay kindat at ngumiti pa.
Nakakainis lang, everybody's calling me Kim Chiu! Kalokalike ba? Singkit kasi ako na payat. Sexy. Maganda, Diosa, Charing.
Matapos ang isang subject, umalis na ko sa room na yon at nag punta sa totoo kong section.
"Magandang umaga, Ako si Mrs. Loraine and I'm your Filipino Advicer, so kung may problema kayo sa ilang subject nyo lumapit lang kayo sa akin at ako ang tutulong sa inyo." Malambing na pananalita ng teacher namin.
Nakaupo ako dito sa likod, mag isa. Ayaw ko ng katabi. Ayaw ko ng kaibigan. Mas komportable ako pag isa ko lang.
"So students, sinong may back subjects dito? Pumunta na lang dito sa harapan at ilista ang pangalan nyo para maasikaso ko na"
Pumunta ako sa harapan at... O.o
Bakit nakatingin silang lahat sa 'kin? Ngayon lang ba sila nakakita ng Diwatang may back subject?
Nilista ko ang pangalan ko at ang dalawa kong back subject.
| 1. YangRose Villanueva
Back subjects: Chemistry 3, English 2|
At saka bumalik sa upuan.
Finally! Ang pinakahinihintay ko! BREAK TIME!!!
Lumabas ako kaagad ng room at pumunta sa canteen. Piatos onion, shake, lava cake at ham burger lang ang binili ko. Hindi ako gutom.
Dito na ako kumain sa grandstand. Wala na akong balak bumalik sa room, as if I care naman kung pagalitan nila ko. Muahaha!
May dalawang putapeteng guard na umakyat sa pwesto ko
"Bakit nan dito ka? Hindi mo ba alam na bawal dito?! At hindi mo ba napapansin na wala ng istudyanteng nakakalat sa campus dahil oras na ng klase?!" galit na sinabi ng isang guard.
"Pake mo ba?" mataray kong sinabi sa kanila. In yow feys!
"Hala! Sumama ka sa min sa guidance office ng mapapunta magulang mo!"
"Sorry naman! Etong si manong guard hindi mabiro hehe. Bababa na po ako" Ang galang ko po no? Opo magalang po ako po.
Iniwan ko silang dalawa doon at bumaba na, napansin kong walang bantay sa gate papuntang RMTU (Ramon Magsaysay Technological Univerity), Semi private school ito. Pumunta ako doon dahil may daan ito papalabas sa highway. Nang nakalabas na ako, dumeretso akong likod ng pink house isang kainan. Walang gaanong dumadaan na tao sa likod kundi mga istudyangteng kagaya kong pasaway kaya nag simula na akong lumanghap ng sariwang hangin. Yosi.
Nakatatlong stick na ko kaya naisipan ko ng umuwi at 'wag ng pumasok.
"Kamusta school?" bungad sa 'kin ng mom ko
"Okay lang, may babayaran kami 200 pesos kailangan na daw bukas" Pag sisinungaling ko sa kanya
"Sige dadagdagan ko na. Teka? Bakit 2PM ka umuwi?"
BINABASA MO ANG
Just The Way You Are
RomanceBy DiosaForever Mary Rose Oyando Hi there! First time ko lang po gagawa ng ganito. Bobo ako gumawa nito e pero sana mag enjoy kayo :D Vote❤