°°°
"Anong oras na, hannah 'di ka pa ba magaasikaso? Ano'ng oras ba'ng pasok mo?" sambit ni mama sabay pagbukas niya ng pintuan ng k'warto ko. Tinanggal ko ang isang earphone na nakasaksak sa tainga ko at sumigaw ng mamaya kay mama. Normal na iyan dito sa bahay, ganiyan talaga kami makipag-communicate.
Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang oras. Shutabells. Alas onse na pala ng umaga. Lumabas na ako ng k'warto at agad na kinuha ang timba malapit sa may lababo at nag-igib ng pampaligo dahil wala ritong gripo sa may sa aminb at balon lang ang source ng tubig namin. Hindi ko na pinansin ang maldita naming kapitbahay na laging dinadabog ang pintuan nila, pintuan naman nila ang masisira sa pinaggagawa niya, pake ko!
First day na first day sa college hannah ma-le-late ka, wala ka pa naman kakilala roon.
Almost two hours before ako umalis ay nagaasikaso na ako dahil alam ko talaga sa sarili ko na mabagal akong kumilos. Dagdag mo pa na malayo ang bahay namin sa school and halos fifteen minutes ang byahe d'on kapag nag-tricycle lalo na't pag ni-road trip pa ako ni tricycle driver, jusko.
Halos maligaw na ako sa loob ng campus dahil hindi ko makita kung saan nakatirik ang computer laboratory na iyon dito. Nagtanong nga ako sa guard kaso wala rin naman sense dahil lutang ako kaya hindi ko agad naintindihan ang mga pinagtuturo niya. Nasa labas pa lang ako ng lab' ay sure na ako na ako na lang ang late sa block namin, hindi pa ako agad pumasok dahil nagaalinlangan ako kung tama bang lab' ang papasukan ko. Buti na lang may familiar sa akin ang mukha na nakikita ko sa school kung saan ako nag-senior high kaya pumasok na ako.
Sa dulo na ako umupo dahil wala nang bakante na kung saan walang mga monitor na naka-set up, isang mahabang lamesa lang. Magiinarte pa ba ako, ako na nga 'yung late, eh. After all ng pag-submit ko ng mga applications sa iba't ibang college and universities, dito lang din pala ang bagsak ko sa college na ito rito sa probinsya namin. Pero okay lang naman, wala naman mga entrance examinations dahil sa pandemic and magiging university na rin ito.
Pero ang hindi ko lang akalain ay bakit sa IT ako binagsak at hindi sa biology. Pero kasalanan ko rin naman i-first choice ko ba naman ang IT instead of biology, bwiset. Nasa huli nga talaga ang pagsisisi. Ako na pabuhat lang sa ka-grupo ko noon nung grade ten a subject namin na robotics at programming pero heto ako ngayon, IT ang course na kinuha. Expect the unexpected talaga. Anyway, mag-shi-shift naman ako, hindi ko malilimutan ang sinabi sa akin ni ate na maghintay lang ako ng one year.
Dahil wala akong medyo kakilala rito and ka-close, except sa mga familiar na faces na nakikita ko sa school kung saan ako nag-junior and senior high, umiiral ulit ang pagiging introvert ko. May kaniya-kaniya silang mundo, parang ang hirap sumingit sa usapan nila. Sure akong may grupo-grupo na naman mabubuo rito sa block na ito dahil marami kami na halos nasa singkwenta.
YOU ARE READING
CSS to my HTML (IT Series #5)
RomancePracticality over passion. Archi chose to become an IT student as she thinks it will open more opportunities for her. She's only good at designing but not in coding. In order to have a reason to continue pursuing this course, she decided to find her...