Tila ba'y nabubuhay ako sa panaginip ng ala-ala. Sa bawat pagpikit ng mata ay panibagong kabanata, at ngayon ay isang magandang ala-ala na ninais ko noong maulit.
Habang nakatayo sa tabi, pinapanood ko ang isang eksenang parte ng aking magandang nakaraan. Nasa tabi ko si mama habang yapos ako sa mga mainit niyang braso, alalang-alala sa dating ako na may iniinda. Ang aking ama naman ay nakaupo sa gilid ng aking higaan habang naggagayat ng mansanas na noo'y paborito kong kainin tuwing masama ang pakiramdam ko. Noon, kahit simpleng sinat o lagnat man 'yun ay lagi silang nasa tabi ko... hindi tulad ngayon.
Sa pagmulat ng nanlalabo kong mata, isang imahe sa tabi ko ang aking naaninag. Sa hubog ng pangangatawan ay nakilala kong si papa iyun. Abala siya sa paggagayat ng mansanas tulad nang nakasanayan, at sa tabi niya ay nakatayo si mama na nakatitig sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti. Hindi ko napigil ang mga luhang namuo sa aking mga mata na mas nagpalabo pa sa aking paningin. Ipinikit ko na lamang ito dahil sa kirot na nadama ng dibdib ko.
My eyes, my mind and my heart. All of them are deceiving me with illusions and scenarious which are all impossible to happen. At dahil sa dalang pait ng mga bagay na ipinakita sa aki'y wala akong ibang nagawa kundi lumuha at tawagin ng paulit-ulit si mama.
Sa pangalawang pagkakataon na binuksan ko ang mga mata, si Theo, na kasalukuyang nakaupo malapit sa hospital bed ko ay nakatitig sa akin. Siya ang una kong nakita.
"Nananaginip ka ba? Nagsasalita ka kasi ng tulog..." aniya at sumandal sa kaniyang inuupuan.
I heave a deep breath that created fogs on the thing that's covering in my mouth. So it's true, that I'm dreaming.
"A-asan si Darlene?" subok kong sambitin kahit na nahihirapan pa.
"Bumisita sa mama niya..." maiksing tugon niya at kumuha ng mansanas sa basket.
Kaagad na napadako ang mata ko sa mga ginayat na mansanas na nakalagay ng maayos sa puting platitong pahaba.
"S-sinong nagbalat n-niyan?" naguguluhan kong tanong.
"Ha?" walang ideya niyang tanong.
"H-hakdog..." and I frown before closing my eyes.
"A-ahh... yung mansanas? Ako syempre..." Tangi niya lang na naisagot.
"B-bakit ka nagbalat n-niyan kung di m-mo rin lang kakainin? S-sa tingin mo ba makakakain a-ako niyan?" napapantastikuhan kong tanong habang nakapikit.
"Trip ko. Bakit ba? Rami mong angal... tanggalin mo 'yang nakapasak sa bibig mo kung gusto mong kainin..."
I just sighed deeply and look at him in a meaningful way. Kaagad niyang nakuha iyun kaya't ibinaba niya ang hawak na mansanas.
"Wala pa ring balita... hinahanap pa rin siya." and he scratched his temple out of frustrations.
Nang mga sumunod na araw, naging mabuti-buti na rin ang lagay ko. Nakaya ko nang bumangon at makakain uli nang maayos.
"Gabi! Pasensiya na ngayon lang ako nakarating..." bungad ni Darlene nang buksan niya ang pinto ng kwarto.
"It's okay... I'm busy watching the clouds..." sagot ko habang nakatitig pa rin sa mga ulap sa labas ng bintana.
"Ano bang meron diyan sa mga ulap?" sabay tabi niya sa akin sa pag-upo sa hospital bed.
"I want to paint those..." then I chuckle before looking at her na medyo ikinagulat at kinapula niya dahil sa lapit ng mukha naming dalawa.
"K-kaya magpagaling ka na para makabalik ka na sa pagpipinta..." she said and I hum as a response.
BINABASA MO ANG
𝐏𝐚𝐢𝐧𝐭𝐞𝐝 𝐂𝐚𝐧𝐯𝐚𝐬✓
Teen Fiction[Soon to be Published] BLURB Eve I. Meneses, a principled fourth year Architecture student and an artist who started hating people after what happened two years ago which changed his outlooks in life. The loathing in his heart created an overwhelm...