Chapter 1

3 1 0
                                    

"Good morning Love," malambing na usal ni Claine sa kanyang katabi. Sumiksik pa ito at inamoy  ang kanyang pinakamamahal. Tila ayaw pumiglas at gusto lamang na habang buhay na kayakap lamang ito.


"Good morning." malamyos na bulong niya sa nobyo. Masaya siya sa bawat umaga na gigising na ito ang nakikita, sa gabi naman ay ito rin ang katabing tuwing ipipikit ang mga mata. Kontento siya sa buhay na meron sila. Magkasama, magkaagapay at nagtutulungan sa lahat ng pagsubok na dumadating.


Bumangon na ang dalawa, sabay pa silang naligo. Habang lumalagaslas ang tubig sa kanilang mga katawan, bawat haplos ay init ang dulot sa bawat isa. Nang sila ay nakatapos at nakapagbihis, dumeretso siya sa kusina para magluto ng almusal. Araw ng Sabado ngayon kaya hindi siya gaanong nagmamadali. Ipaghahanda niya ng pagkain ang nobyo dahil ito ay may pasok sa trabaho ngayong araw. Ayos lang sa kanya ang ganito. May trabaho din naman siya na pinagkakaabalahan. 


Nang natapos ay sabay silang kumain. Inihanda niya din ang babaunin ni Claine sa trabaho.

 Nakangiti lamang si Claine at tinitignan ang kabuuan ni Mark. Oo, pareho silang lalaki at nagmamahalan. Wala ng hinahanap na iba dahil masaya at kontento sa bawat isa.


"Anong oras ka pala uuwi, Love?" tanong ni Mark sa nobyo. 

"Matatapos ang shift ko ng mga 7 pm. Baka mga 9 nandito na ko Love. May plano ka ba ngayon?" sagot naman ni Claine.

"Wala naman, naitanong ko lang. Mag-aayos lang ako ng bahay ngayon. Naging busy din ako ng mga nakaraang araw." nawika niya. 


Tumango-tango naman ito, nang matapos ay iniligpit na niya ang pinagkainan nila. Naghanda na din si Claine sa pagpasok. Ilang minuto lang ay nagpaalam na ito. Naiwan naman si Mark sa bahay para ayusin ang mga dapat gawin sa kanilang bahay. Naglinis siya at naglaba ng kanilang damit. Masaya siyang gumagawa sa bahay, ito ang ilan sa mga bagay na nagpapawala ng stress niya. Hindi naman ito naging problema sa kanilang magnobyo dahil tuwing day-off naman ni Claine ay magkatulong sila sa bahay.


Habang pinupunasan niya ang mga frame ng kanilang larawan ay bigla niya itong nabitawan. Nabasag ito at may kabang namutawi sa kanyang dibdib. Agad niyang naalala si Claine. Tinawagan niya ito at nakahinga ng maluwag ng sumagot naman ito kaagad.


"Love, bakit napatawag ka?" takang tanong ng nasa kabilang linya.

"Ahm, wala naman Love. Na-miss lang kita." nasabi na lamang niya.

Narinig pa niya ang munting tawa nito. "Ikaw Love ah, clingy today ah." sabi naman ni Claine.

Napangiti na lamang siya. Huminga ng malalim at kinalma ang sarili.

"Sige na, baka naabala na kita sa trabaho mo." sabi naman ni Mark sa nobyo.

"Wala iyon, gusto ko nga na tumawag ka. Ngayon may baon pa kong power love mula sayo." tugon ni Mark.

Natawa na lang siya at nagpaalam na sa nobyo. Matapos ng kanilang pag-uusap ay napanatag na ang kanyang loob. Nag-usal muna siya ng munting panalangin at niligpit na ng tuluyan ang nabasag na frame.

Nang dumating ang gabi ay naghanda na siya ng pagkain para sa kanila ng kanyang nobyo. Niluto niya ang paborito nitong kalderata. Alam niyang magugustuhan ito ni Claine.


Ngunit lumipas ang ilang oras ay di pa din ito dumadating sa kanilang bahay. Dumating ang alas dose ng hating gabi at lumamig na ang kanyang hinanda. Nakaramdam na siya ng kaba dahil nakailang tawag at text na siya dito ay wala pa ding sagot ang isa. 

Lumipas muli ang ilang oras, tinawagan na niya ang mga kaibigan nito. Ngunit hindi raw nila kasama ito. Habang lumilipas ang oras ay para siyang nadudurog sa pag-aalala sa nobyo.

Sinubukan niya muling tawagan ang cellphone nito.

Pagkalipas ng ilang minuto ay may sumagot na dito.

Ngunit hindi niya akalain kung ano ang maririnig.

"Hello po, ako po si Katrina isang nars sa St. Agustine Medical Center. Naaksidente po ang may-ari ng cellphone ito. " 

Nabitawan na lamang niya ang hawak at tumatakbong naghanap ng masasakyan. Ang isip niya ay isa lang ang maririnig.


"Claine, Claine, Claine . . . . ."

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


All things In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon