PLEAD

4 0 0
                                    

“ Yohan,  ano ba?! Bitiwan mo ako!  ” sigaw ko sa lalaking pilit akong niyayakap.

“ Hindi ko kailanman gagawin 'yon, Airene. ” ani ni Yohan. 

“ Ano bang sinasabi mo?! ” unti-unting nilulukob ako ng inis dahil hindi ko maintindihan ang pinupunto niya.

“ Bakit hindi mo ako pinaglaban? ” Tanong niya. 

At doon nagsimulang lamunin ng galit ang buong katawan ko.

“ Bakit, Yohan? Noon ba pinaglaban mo ang relasyon nating dalawa? ” nagsimulang mamuo ang mga luha sa aking mata.

Mali pala ako. Mahirap palang kalimutan ang lahat.

“ Noon ba na sumama ka sa sa ibang babae tinanong ba kita ng ganito?! ” at doon nasimulang dumausdos sa aking pisngi ang mainit na likidong kanina pa ay gustong kumawala.

“ Noon ba na hindi mo ako matingnan ng may pagmamahal, tinanong kita ng ganito?!  ”

“Noon ba na lumakad ka papalayo sa akin kasama ang babaeng 'yon, tinanong kita?! ”

“ Hindi, dahil alam ko na ang sagot!  Iniwan mo ako dahil hindi sapat para sa'yo lahat ng ibinigay ko! ”

“ Akala mo madali sa akin,  ha?  Hindi!  Dahil oras-oras, minu-minuto pilit kong sinasabi sa sarili ko na ako ang nagkulang ”

Pilit kong pinapakalma ang aking sarili dahil nagsisimula na akong manghina. 

“ Hindi ako umiyak sa harapan mo noon dahil gusto kong ipakita sa'yo na wala kang pagsisisihan, hindi ako gumawa ng paraan para bumalik ka dahil hindi ka naman maghahanap ng pangalawa kung sapat ang una, Yohan ”

“ Oo,  alam ko, Airene na nagkamali ako kaya heto na ako ngayon sa harapan mo humihingi ng tawad. Bigyan mo naman ako ng pangalawang pagkakataon,  pakiusap babawi ako ” nangungusap ang kaniyang tinig pati ang kaniyang mga mata.

Ngumiti ako ng mapait.“ Pinapatawad na kita ” sabi ko.

Lumiwanag ang kanyang mukha na masisilayan ng pag-asa.
“ Talaga, salamat. Pangako babawi ako ” masayang sabi niya.

“ Ngunit hindi na muling magiging tayo,  Yohan. ” nakangiting dagdag ko at naglalakad papalayo sa kanya.

Papalayo sa taong minsan ko ng minahal ngunit niloko lamang ako.

Sabi nila deserve daw ng lahat ang mabigyan ng second chance pero para sakin sapat na ang sobra sobrang sakit na minsan ko ng dinanas mula sa kamay ng taong pinagkakatiwalaan ko, sa taong minahal ko at sa taong binigyan ko ng pagkakataon na pasukin ang buhay ko.

KAPALIT NG PAGKADUROG KO AY KASIYAHAN NILA NG KAIBIGAN KO. PERO LAHAT YATA MAY KARMA DAHIL HINDI NAGTAGAL ANG RELASYON NILA.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PLEADWhere stories live. Discover now