*No one’s POV*
Ang buhay isang kuwento ng iba't-ibang mga tao sa mundo, kaya lahat tayo may iba't-ibang ending at beginning. Para sa iba, ang malaman nilang malapit na silang mawala sa mundo ay ending na ng istorya na inumpisahan nila. Pero para sa iba, magandang umpisa yon para ma-recognize ng ibang tao na nag-exist ka at iyon ang beginning at ending ng buhay mo bilang tao.
Deina Mirasol ang pangalan ko at 23 years old ako ng wakasan ko ang kwentong aking isinulat.
March 10, 2000
“Dei, ano balak mo after mong makagraduate?” tanong ni Hana, isang kababata at kaklase mula elementary hanggang ngayon“Balak ko sanang mag travel eh, unang distenation ko Japan” naka-ngiti kong sagot habang siya ngumunguya ng kwek-kwek na binili namin kanina
“wala ka na talagang balak mag kolehiyo? sayang degree bes” tugon pa niya pagkatapos lumunok
“ehhh apat na taon na naman? baka sa pag aaral na ko mamatay nyan hahahahahaha” pagbibiro ko dito na dahilan para tampalin niya ng mahina ang pisngi ko
“Dei masama yang ganyang biro” saad niya pa sabay tuktok ng tatlong beses sa bench na inuupuan namin
“wag kang ganiyan, ayoko mawalan ng ninang magiging anak namin ni Rei” dagdag pa niya.
Napangisi na lamang ako, wala talaga akong balak kumuha pa ng kolehiyo gaya ng sabi ni mommy. Ayokong kumuha ng kurso na di ko naman gusto, kaya balak kong magpunta na lang sa Japan. Mas tahimik ang buhay don at syaka baka don ko mahanap yung dream husband ko hahahahahahaha.
Inilabas ko ang notebook at ballpen ko para umpisahang magsulat
“Oh, hanggang ngayon pala hobby mo pa yan?” pagtatakang tanong ni Hana ng makita ito
“Sayang naman kung ititigil ko, maganda na yung mga kabanata” sagot ko
Lumapit siya sakin at nakiosyoso sa ginagawa ko, halos idikit niya ang muka niya sa pahina ng notebook.
“Journal yan eh, ginagawan mo ng kwento tayo?” tanong niya pa habang pinalilipat lipat ang pahina
“Siguro? Nakasanayan ko ng isulat lahat eh. Masaya din kasing balikan habang binabasa ko sa gabi hahahahaha” saad ko, napatingin naman siya saken
“Weird mo minsan bes, psycho ka no?” sabi pa nito ng pabiro
“gaga hahahahahaha”
“hahahahahahahahaha”
Tawanan naming dalawa.
Masaya maging kaibigan ni Hana, sa sobrang saya hindi ko namalayan na lumilipad ang oras at panahon ng mabilis habang tumatawa kami ng araw na iyon.
To be continued...
YOU ARE READING
Beginning of the End
Non-Fiction' Your time will come soon and it's not enough to fullfill your dreams nor your wishes. What will be your last words? Is it for yourself? or Is it for your beloved?'