March 23, 2000
DEINA’S POV
“Malapit na graduation natin!” sigaw ng kaklase kong si Yani
“It means, may possibility na di na tayo magkikita-kita?” sabi ni Alli
“Edi mabuti, di na ko makakarinig ng mga MAIINGAY” pang aasar ni Paul rito
Nasa dulong row kaming dalawa ni Hana, busy siya sa pag gawa ng essay para english subject namin. Habang ako nagsusulat sa notebook ko, normal na ginagawa ko kapag walang klase o kaya busy si Hana at walang oras makipag-kuwentuhan sakin.
“Dei, ipasa ko lang to kay ma'am don sa kabilang section” pag abala ni Hana sa pagsusulat ko sabay tayo sa kinauupuan niya
“Teka, sama ako” habol ko sa kaniya, mabilis akong tumayo at inimis ang lamesa ko habang hinihintay ako ni Hana sa pintuan ng room namin.
Pumasok kami sa kabilang section kung saan madalas mag sabay-sabay ng pagkain ng lunch ang mga teacher sa floor ng building namin. Magbabarkada kase sila nung college, yan yung kuwento nila samin. Naiabot na ni Hana yung papel niya kaya umalis din kami agad
“Uy Hana, diba si Reji yon?” sabi ko rito na may pang aasar sa aking tono
“Sshhh! baka marinig ka” sabi niya pa habang pilit na isinisiksik ang katawan niya sakin
“Bakit naman? pagkakataon mo na, sayang oh” pagpipilit ko rito pero dali-dali niya lang akong hinila papasok ng room namin at umupo kaya umupo din ako, tahimik lang siya na hindi normal kay Hana Teodoro ng Class 10-B
“may nasabi ba kong mali?” tanong ko dito ng may halong pagtataka
“girlfriend ni Reji ang pinsan ko” sagot niya na ikinagulat ko, alam kase ni Reji na patay na patay ang kaibigan ko sa kaniya. Nagbibigay din naman ng motibo si Reji katulad ng bulaklak nung valentines na ikinatili ko
“p-pano? akala ko b—”
“ilang months na nung sagutin ni Aira, pinsan ko yang si Reji. Sinabihan na din ako ni Aira na wag akong papaloko dyan, pero kase” pagpuputol at paliwanag nito saken, tumingin siya saken habang mangiyak-ngiyak
“ewan ko! gusto ko siya eh! di ko na alam Dei! huhuhuhu” pagtutuloy nya sabay iyak at yakap saken ng mahigpit
“Ang ganda mong t*nga” sabi ko sa kaniya, iniharap ko siya saken at kita ko ang nakanguso niyang muka. gusto kong matawa pero dapat ko siyang pagsabihan
“Hana, maraming ibang lalaki dyan hindi lang si Reji. Hindi ngayon pero may iba pa, kailangan mo lang maghintay” sabi ko dito pero hinawakan niya ang pisngi ko sabay sabing
“Pagod na ko” tapos yumakap ulit siya
Napabuntong hininga ako ng malalim
“Oh, bakit naiyak yan?” tanong ni Ali ng mapadaan siya sa row namin
“Lovelife” boring kong sagot habang hinihimas himas ang likod ni Hana
“Ay sus! Walang ganiyan Hana” sabi niya pa dito sabay upo sa bakanteng upuan sa tabi ni Hana
“Ay sus! Wala lang nagkakagusto sayo Ali” pagsabat na may halong pang-aasar ni Paul rito
“Anong wala, meron no” sabi pa niya
“sino? si Roderick? HAHAHAHAHAHHAHAHAHA” asar ulit ni Paul
Nag aasaran lang silang dalawa ng makaramdam ako ng kakaibang sakit ng ulo, parang binibiyak sa sobrang sakit. Napahawak ng mahigpit ang kaliwang kamay ko sa braso ni Hana habang hawak naman ng kanan kong kamay ang aking ulo. Napalingon silang tatlo sakin
“Dei bakit?” tanong ni Hana
“May vicks kayo? Nasakit ata ulo ni Deina” sabi pa ni Paul
Lumapit sakin si Ali at Hana, may mga tinatanong sila pero hindi malinaw saken yung mga salita. Sobrang sakit ng ulo ko na hindi ko na sila magawang marinig, sinubukan kong tumayo pero natumba ako, agad akong inalalayan nina Hana papunta sa clinic.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko may mabigat sa ulo ko, o sa loob nito....
“Namumutla siya, sigurado ba kayo wala syang ibang kinain?” tanong ng nurse
“Sigurado pa ako, ako yung kasama niya maglunch” naiiyak na sagot ni Hana
“Pagpapahingahin ko muna siya dito sa clinic, hihingin ko na din ang contact number ng mga parents niya sa adviser nyo. Pwede na kayong magsibalik sa mga klase nyo, sige na” paliwanag ng nurse
“pero nurse...” pagpipilit ni Hana
“wala ng marami pang salita, sige na” sabi pa nito
Nakatingin lang ang malulungkot na mata ni Hana saken habang tinutulak siya ng iba naming mga kaklase palabas.
‘okay na ko’ mahina kong bulong na sigurado akong naunawaan niya.
Patuloy ang pagsakit ng ulo ko, kasabay non ang kirot na ramdam kong sa loob nanggagaling. Naaalala ko noon yung naging sakit ng ate ko, ganto din yon...para sa kaniya ganto yung sakit na parang walang katapusan, kung meron man...siguro pagpikit ng mga talukap ng mata ang solusyon para maibsan ito. Ginawa ko ang kalimitang ginagawa noon ng ate ko para maibsan ang sakit, ipinikit ko ang mga mata ko at natulog.
YOU ARE READING
Beginning of the End
Non-Fiction' Your time will come soon and it's not enough to fullfill your dreams nor your wishes. What will be your last words? Is it for yourself? or Is it for your beloved?'