04

4 2 0
                                    

Nandito kami ngayon ni Ciara sa mall namamasyal  dahil nagyaya siya buti nga ako yung niyaya niya

"Sige na sabihin mo na sakin"pamimilit ko sa kanya dahil halata namang May problema siya nahihiya lang siyang sabihin

"Ano kasi"

"No nga magtatampo talaga ako sayu pag di mo sinabi"maktol ko sa kanya habang kumakain ng ice cream

"Nag ka tampuhan kami Christian,kasi bat diko daw sinabi na may problema ako,kaya diko naman sinabi sa kanya kasi ayoko madamay siya sa problema ko"

"Ano kaba boyfriend mo siya dapat mo rin sabihin sa kanya yung mga nararamdaman mo"

"Oo nga pero alam kong busy siya sa mga  school works niya ayaw ko naman dagdagan ko pa yun"malungkot niyang sabi naiintindihan ko siya kahit sino naman siguro ganon din gagawin lalo na ngayon puro kami tambak ng school works,dapat nga nasa bahay ako ngayun tinatapos yung school works ko kaso tumawag siya kanina sakin nagyaya lumabas siyempre kaibigan ko siya di ko siya matatanggihan

"Huwag kang mag alala maiintindihan ka din ng tukmol na yun,mahal ka nun hmm" sabay kurot ko sa dalawa niyang pisngi

"Sana nga diko panaman kaya na di kami nag uusap para akong mamatay"

"Kung patayin kaya kita ngayun no?"pataray kong sabi sa kanya,at tumawa lang siya bagay talaga sila ng tukmol niyang jowa

Nang maubos namin yung ice cream namin naglibot kami sa mall para maghanap ng mga damit

"Bes,bagay sayo to"nakangiti kong sabi sa kanya habang hawak yung purple na dress"bilis sukatin mo bilhin natin"dagdag ko pa

"Di na bes meron pa naman akong bagong dress sa bahay diko pa na sosoot yun,ikaw nalang magsukat niyan mas bagay sayu"nakangiti nitong sabi sakin

"Ano ba bes libre ko na to sayu,at meron narin akong napili eto oh"sabat taas ko sa asul na dress na katulad ng hawak kong purple dress

"Dali na para partner tayu hmm"pamimilit ko sa kanya

"Bahala ka di tayo aalis dito habang di mo to sinusukat"

"Ikaw talaga sige na susukatin kona" sabi nya sakin at kinuha na yung dress at pumasok na sa fitting room

"Wow bes ang ganda mo" sabi ko sa kanya ng makalabas siya

"Nang bola kapa"

"Totoo nga,kaya pala baliw na baliw sayu ang tukmol na yun eh"

Maganda talaga siya di ako nagbibiro yung tangkad niya pangmodel at ang liit din ng bewang at siyempre yung mala anghel niyang mukha dagdag mo pa yung sobrang itim niyang buhok na wavy

"Ewan ko nalang talaga kung ipagpalit ka pa  ng tukmol mong jowa,sa gandang mong yan"sabi ko sa kanya habang naglalakad papuntang arcade

"Hahaha ikaw talaga,ikaw rin"

"Anong ako?"

"Ang ganda mo rin ewan ko nalang rin kung ipagpalit ka sa iba ni Tristan mabait na maganda pa"

"Okay na sana eh pwede ulitin mo tas i-erase mo yung mabait,sayu lang ako mabait tas kay Jake no"

"Mabait ka naman no"sabi niya"naalala mo ba yung first time tayu magkita?"tanong niya sakin habang papasok kami sa arcade

"Aahhh oo naman noh,yung nadapa ka pagkapasok mo ng room"

"Tss dami nga tumawa nun eh parang gusto ko nalang talaga umiyak nung time nayun,buti nalang talaga may angel na tumulong sakin"sabay ngiting sabi nito sakin,kung diko talaga siya tinulungan nung time nayun iiyak na siya kasi madami talaga tumatawa

"Bat ka kasi nadive sa room "patawa kong sabi sa kanya

"Sakit kaya nun buti nga di ako Naka bukol eh"

"madaming tuloy tumawa at pinakamalakas pa sa tukmol mong jowa"

"Oo nga kaya nga dati tinataraytarayan ko yun eh"

"Diko talaga aakalain magiging jowa mo yun"

"Dahil sayu naman kung bakit ko siya naging jowa noh, tanda mo ba nung pagkatapos mokong tulungan di na kita tinigilan non lagi kitang kinukulit kahit tinatarayan mo ko nun"

"Oo sobra talaga akong naiinis dati kasi dalawa na nangungulit sakin"patukoy ko Sakanila ni Christian

"No nga pala nagustuhan mo kay tukmol?"

"Oumm siyempre una gwapo,matangkad, matalino at mabait,maalaga rin siya"nakangiti niya sabi habang naglalaro ng claw machine "ikaw ano nagustuhan mo kay Tristan?"dagdag nito

"Matagal ko na siyang gusto bata palang kami,diba na kwento ko naman sayu na kaibigan ko yung kambal bata palang kami"

"Oumm,bakit mo nga siya nagustuhan?"

"Mabait siya pareho rin kasi kami ng ugali"

"Wahhhhh!"sigaw niya habang tumatalon dahil nakakuha siya ng bear sa claw machine

"Bes naman daming nakatingin satin"

"Hahaha sorry"nakangiti nitong sabi sakin

"Bess oh"sabay abot niya sakin ng maliit na keychain na puting bear

"Yan muna kaya kong ibigay haha pag mayaman nako di lang yan ang bibigay ko sayu"nakangiti niyang sabi sakin

"Thank you"

"Tara picturan natin"nakangiti niyang sabi habang  hawak niya rin yung keychain nakatulad ng bigay niya sakin kaso sa kanya ay brown

Pagkatapos namin mag picture hinatak ko siya papuntang photo booth kanina ko pa talaga gustong magpicture dun

"123 smile"sabay naming sabi sabay click

"Bess wacky"

"123 go"

"Bes pangit ko namn Jan di pako ready jan"sabay tawa niya

"Ganda mo kaya"sabay turo ko sa picture niya na nakanguso siya habang ako nakangiti at pareho kami nakasuot ng headband na frog dun

Pagkatapos namin mag photobooth kumain lang kami saglit at hinatid ko na siya sa bahay nila

"Bes thank you talaga,pinasaya mo ko ngayun"sabi niya sakin habang nakayakap sakin

"No problem basta ikaw sige na pasok Kana sa inyo no oras na din alam kong napagod ka"

"Oumm sige ingat ka ahh"sabay halik nito sa pisngi ko at bumaba na sa kotse , hinintay ko lang siya saglit na makapasok sa bahay nila at umalis na

Pag kauwi ko sa condo naglinis lang ako saglit ng katawan at tinapos na yung schoolworks ko kasi bukas na ang pasahan,alam ni Ciara na tapos nako sa schoolworks kaya na kasama ako sa kanya kasi pag sinabi kong di pa ko tapos baka di na niya ako yayain alam ko panaman na May problema siya

Chasing You(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon