Unang kita’y iyong kagandahan ang siyang bungad
Tila’y rosas na nakaaakit at namumukadkadNgunit ang iyong magandang ngiti ay may madilim na nakalipas.
Sa bawat araw na nakikita kita ang mga pangyayari ng nakalipas ang iyong naalala.
Sa bawat pagkikita natin ngiti’t amoy mo’y sa akin humahalina
Tuwing tayo’y magtatagpo ng hindi sinasadya.Hindi ko maiwasang itanong ang ngalan mo binibini sapagkat ikaw lamang ang pumukaw ng aking pansin.
Gabi’t araw ikaw ang aking pangarap
Taglay mong yumi’t ganda na aking hanapUnti-unting loob ko’y iyong nabihag
Sa mga panahong kasama at pagkikita ka’y sadyang panatag ang iyong loob.Nais ko lang suyuin ka’t tuluyang kilalanin
Irog ko, mahalin ka ang aking layuninUpang mabago ko at maibigay ko saiyo
ang pagmamahal na nais ng iyong pusoTuhod ko’y hindi kayang tumindig upang magtapat
Nang magiting kong pagmamahal na wagas at sapat na ibibigay saiyo magpakailan manSa mga panahon na ikaw ay nagpapagaling
sa sugat ng nakaraanAlam ko noo'y ang pagmamahalan ninyo ay tunay ngunit nasira lamang sa isang pagkakamali na sisira lahat ng inyong pagmamahalan.
Na halos nagsusumami ka na kay bathala kahit lugmok sa lungkot
Na halos nagtatanong ka sa iyong sarili
na bakit tadhana'y nagdamotNgunit pagkalipas ng ilang buwan ng ating pagkamabutihan at unti unting nahulog tayo sa isa't isa
Na halos sinagot na ni bathala ang iyong
panalangin sa araw-arawNa tipong handa na ulit ang iyong puso sa pagkalipas ng ating mabuting pagkakapalagayan ng loob
Na hanggang sa araw na ako'y nagtanong saiyo na puwede ba ako maging kabiyak ng iyong puso muli na magbibigay ulit
pag asa sayoSa iyong iwinaglit na salita na "Oo aking mahal
na aking kinagulat at kinasaya na iyong maging kasintahanNa dumaan na panahon ng ating paghihirap ng nakaraan na napalitan ngayon ng saya at tuwa ng ating matamis na tagumpay na nadahop ang iyong alala ng nakaraan
Pangako aking sinta kahit
sukatin man ng panahon ang puso ko'y di magmamaliw sa'yo at ikaw lang naman ang pangalan na itinitibok nito magpakailan man
