Introduction

83 0 0
                                    

My First attempt. Tell me honestly what you think and comment.. :)

Characters:

Princess Jackielyn Sta. Maria

Mark Allaine Cruz

Calix Andrew Diaz

HI! My name's Princess Jackielyn Sta. Maria. And my biggest problem? Ang mapansin ng aking childhood crush na ewan ko ba kung bakit hindi ako  makaget-over. Halos ata lahat ng pagpapa-cute, pagpapapansin ay nasubukan ko na. Lahat ng pwedeng malapitan at mahingian ng EXPERT advice para lang ma-notice ako ng aking prince charming ay nalapitan ko na rin. Bakit gan'on? Alang epek? Maganda naman ako sabi ng aking bestfriend for life na si Mark Allaine Cruz. By the way, bago kayo mag-isip ng kung anu-ano diyan, si Allaine at ako ay hindi talo! It means na siya ay isang nagkukumendeng na guuuuuurl!! hahaha..TOTOO!!

Noong una ko nga siyang nakilala 8 years ago, I was 8 at that time, at sila ay bagong lipat sa aming neigborhood. Katabi ng aming bahay mismo. Natulala pa nga ako sa sobrang ka-cutan niya e. As in tulala.. O.O ..hahaha.e tapos biglang nagsalita. Wala na. Mas gurl pa saken e. Aminado naman siya at ang kanyang parents ay tanggap naman siya kaya sobra kaming naging suuuuper close, As in bestfriends forever.

And from then on, siya na ang aking twin sister since wala naman akong kapatid at siya naman ay puro grown-ups na ang sister at brother. Halos lahat nang secrets ng bawat isa ay alam namin. At siya din ang aking resident adviser when it comes to love. haha..ewan ko dun. from experience ata ang mga pinapayo. haha..pero kahit gan'on 'yon, 'yung ibang girls hindi parin mapigilang magka-crush sa kanya. May nagbibigay ng loveletters, nagpapa-cute at etc. at matatawa ka sa reaction nung bruhang 'yon after receiving such things. Parang nandidiri na nasusuka..

AY! loka talaga ako. Ang dami ko tuloy nasabi sa intro palang! sorry naman, excited lang po..

Always You All the TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon