Chapter Eleven

918 17 0
                                    


"PLEASE, don't tell my parents." Ani Sandro habang pababa kami sa bundok. Napurnada 'yung lunch sana namin dahil nabadtrip na si Zephyr sa dalawa at pinagligpit na sila ng gamit. Tahimik lang akong sumusunod sa tatlo habang nasa likod ko naman si Calvin na mukhang malalim pa din ang iniisip.

"No. I'm going to tell this to your parents. Kasalanan niyo yan dahil di kayo nakikinig sa'kin." Saad ni Zephyr. Nagka-tinginan naman si Sandro at Jupiter kaya napa-iling ako.

"No more adventures for you, guys." Pangiinis ko pa. Sinamaan ako noong dalawa ng tingin kaya ngumisi ako.

"Isa ka pa din Jupiter. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na 'wag kang matigas ang ulo? Hindi ka nakikinig kaya napapahamak ka!" Sigaw ni Zephyr.

"Sorry, mom."

"Stop being sarcastic!"

Hindi ko na napigilang tumawa kaya naman napatigil si Zeph sa paglalakad at tinignan ako. "Sorry! I just can't help it. Para kang tatay na nanenermon dyan. My gosh, Zeph!" I answered and laughed.

"I'm fucking worried, okay? Pa'no kung may nangyari kay Sandro? 'Di mo ba naisip yon ate Sera?" Inis na sagot niya sa'kin kaya naman nilapitan ko siya.

"Relax, cousin. Nothing happened, all right? Alam ko naman na nagaalala ka lang kay Sandro pero naagapan naman natin ''yung nangyari eh. Secret na lang natin to para hindi tayo pare-parehong mapagalitan." Sagot ko sa kanya at tinapik ang balikat niya tsaka naunang maglakad. "There's no harm in lying sometimes!" Pahabol kong sigaw.

Nang makababa kami sa bundok ay gutom na kaming lahat. Sila Jupiter at Sandro ay nakaupo na sa gilid ng kalsada dahil wala pang dumadaan na tricycle para mahatid kami sa hacienda. Ako naman ay kanina pa tinititigan si Calvin na hanggang ngayon ay tahimik pa din at tulala. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso niya na kinatingin niya sa'kin.

"Okay ka lang?" Tanong ko. Napa-buntong hininga ito at tumango. "Kanina ka pa kasi walang imik dyan."

"Nagulat lang siguro ako sa nangyari tsaka medyo sumama kasi 'yung pakiramdam ko." Aniya. Tinitigan ko naman ang mukha niyang walang emosyon.

"Gano'n ba?" Bulong ko. Tumango lang ito kaya naman hindi na lang ako nangulit. Mukhang may iniisip kasi siyang importante.

"Nandito na ang tricycle." Ani Zephyr kaya naman lumapit na kami sa gilid ng kalsada.

Nang maka-uwi kami sa mansyon ay agad kaming kumain ng lunch kahit na three pm na. Hindi na din namin sinabi kanila uncle ang tungkol sa nangyaring aksidente para hindi kami mapagalitan. Kawawa naman din kasi 'yung dalawa kung magsusumbong kami 'no.

"You'll be back to work tomorrow, Sera." Ani uncle Saturn. "Ipapasama ko si engineer Nicholas sa'yo sa mga tourist spot ng lugar na to dahil gusto niyang makita kung dapat bang lagyan ng mga cottages dito at mga establishment for souvenir and foods."

OMG. Nakalimutan ko na ang tungkol sa fuck boy na 'yon! "Uhm, uncle? Hindi po ba puwedeng ikaw na lang ang sumama sa'kin or kahit si Zephyr na lang?"

"Bakit?" Taas kilay na tanong ni uncle. "May problema ka ba kay Nicholas?"

"Wala po." Mabilis kong sagot at binalik ang attensyon ko sa pagkain. Alangan naman sabihin ko sa kanya 'yung muntik na sanang make-out session namin sa kotse ni Nicholas 'di ba? Edi tuluyan na talaga akong papabalikin sa Maynila? Gosh, I'll just endure his presence tomorrow.

KINABUKASAN ay maaga pa lang ay ready na ko para sa pagpunta namin ni Nicholas sa mga tourist spot ng lugar na to. Alam ko na din naman ang daan kaya ako na lang daw ang magtuturo. Iniisip ko din kung pa'no ko ba pakikitunguhan si Nicholas. He's expecting something from me—and that's sex. Gusto ko sanang i-sama si Calvin pero ang sabi ni mang Isko ay may sakit daw to kaya naman hinayaan ko na lang. 'Wag lang masubukan ni Franceska na landiin ang Calvin ko, makikita niya ang impyerno. Charot!

LUSTFUL MISTAKE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon