Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, songs and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Copyright © jeanariamontes, 2015
********************************************************************************************
Alas-dos na ng hapon pero malamig ang simoy ng hangin dito sa tabing-dagat. Isa akong lifeguard at kasalukuyang may isang selebrasyon dito, Final Splash.
Ang Final Splash ay isang party kung saan ipinagdiriwang ng mga tao dito sa West Beach ang huling araw ng summer. Mabuti na lang hindi ga'nong katirik ang araw kaya mukhang maganda ang kalalabasan ng party na ito.
"Paul!" Agad akong napalingon sa tumawag sa'kin. Si Mang Erwin. Lumapit ako agad sa kanya.
"Magandang hapon po, Mang Erwin." Bati ko sa kanya. Tinanguan niya ako.
"Hijo, pakitulungan naman sila Will na buhatin itong mahabang lamesa don'n sa tabi ng tower mo."
"Sige po!" Masiglang sabi ko sa kanya. Bago pa man ako makalapit kila Will, umakbay naman bigla si Mang Erwin sa akin.
"Isang oras na lang bago magsimula ang kasiyahan, kaya mag-ayos ka na rin ng makascore ka sa mga magagandang dilag dito." Pabirong sabi ni Mang Erwin. Tumawa naman ako at napakamot sa ulo.
"Si Mang Erwin naman oh!"
"Bakit naman hijo? Tatlong taon na kitang kasama dito eh wala ka pang girlfriend. Atsaka hijo, bente-dos ka na. Mahirap tumanda na walang babae, sige ka."
"Naku po, hindi po kasi sumasagi sa utak ko yo'n." Mahinang sabi ko. Ngumiti naman si Mang Erwin at marahang tinapik ang balikat ko. "Sige na, hijo. Mamaya na lang." Paalam niya sa akin. Lumakad naman na ako papunta kila Will.
"Pre, tulungan ko na kayo." Sambit ko sa kanila. Apat kaming magbubuhat. Pumwesto ako sa dulong parte ng lamesa.
Hindi naman masyadong malayo ang tower ko mula sa restaurant, mga dalawang metro lang siguro pero matatagalan kami dahil mabigat ang lamesang ito.
"Buti naman tinulungan mo kami." Sabi ni Will sa akin. Matipid lang ako ngumiti sa kanya. Siya naman ay ang chef sa restaurant nila Mang Erwin.
Nang mailapag na namin ang lamesa sa pwesto nito, dumiretso na rin ako agad pauwi. Ang bahay ko ay malapit lang dito sa beach. Pwedeng-pwede mong lakarin.
Pagkarating ko sa bahay ko, nagshower ako agad at nagbihis. Nagsuot ako ng isang gray na sando at itim na board shorts. Isinabit ko pa rin sa leeg ko ang whistle. Sinuklay ko naman ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. Ngayon ko lamang napansin na medyo may kahabaan na rin pala ang buhok ko.