•KRISTEL'S POV•
"Uhm.. hi ryan." Yan lang ang nasabi ko after ng recognition ng school at may party dito sa bahay ng kaklase namin. Di ako mahilig sa party pero andito kasi si Ryan.
Sino si ryan? Sya lang naman ang taong pinakagusto ko sa lahat. Di ako pansinin sa school except sa kanya at sa mga barkada nya.
"Ano na naman? Akala ko ba ayaw mo sumama tapos ngayon lalapit lapit ka saken?" Galit na naman sya -.-
"Sorry na. Atleast umattend parin ako para sayo." Ngumiti ako ng konti sa kanya pero di nya ako pinansin sabay alis.
Oo nga pala. Walang 'kami' ni Ryan. MU siguro (Mutual Understanding). Well promise nya liligawan nya ako soon. 3 months na and wala parin habang patagal ng patagal ang cold na nya saken.
Umupo na lang ako sa may tabi habang umiinom ng juice. Ang saya naman ng tao dito sa paligid ko T.T sana naman may pumansin saken.
"Hi kristel!!" Lumapit saken yung isa kong kaklase na lalake.
"Uhm..hi.." Sa sobrang mahiyain ko parang pabulong ako magsalita.
"Mahilig ka sa anime diba?" Sabi nung kaklase kong lalake. (Kilala ko yan okay ._. Tinatawag ko lang na kaklase kong lalake kasi si Ryan lang gusto kong tinatawag sa name eh. Malandi na kung malandi malakas lang tama ko kay Ryan T^T) Tumango lang ako sa kanya.
"Ahh nakita ko nga dun sa mga project mo puro anime ang theme pero ang ganda. Alam mo dapat sumama ka samen ng mga kaibigan ko. Di lang ikaw ang babae wag ka magalala. Puro mga anime lover yun dun." Parang ang saya naman nun. Magkakaroon na ako ng kaibigan. Para next school year may makakasama na ako.
Papayag na sana ako ng nakita ko si Ryan. Nakatingin sya samen tapos galit na galit yung mukha nya. Napansin nyang tinitignan ko sya kaya bigla syang umalis.
"Wait lang.. may need ako puntahan.." Sabi ko sa kaklase kong lalake at sinundan si ryan.
"Sige balik ka ah?" Yan lang ang narinig ko pero di na ako lumingon.
Hala baka nagselos si Ryan. Baka iba isipin nun. Lumabas na ako sa bahay ng kaklase ko at pumunta sa garden kung saan dun ko nakita si Ryan.
"Ryan! I-iba yung iniisip mo...k-kaibigan ko lang yun.." sabi ko sa kanya.
"Kaibigan? Kristel kelan ka pa nagkaroon ng kaibigan? Ang sabihin mo nakikipaglandian ka na sa iba kasi ayaw mo na saken." Sabi ni Ryan.
Gusto kong umiyak..
"H-hindi naman ako nakipaglandian eh *sobs* ikaw lang naman ang gusto ko eh. Ikaw lang...*sobs*" Hindi ko mapigilan. Naiiyak na ako sa harap nya.
"Iiyak iyak ka pa. Magpapaawa ganun? Layuan mo na nga ako at kalimutan mo na kung anong meron sa ating dalawa!" Sabi nya sabay alis.
Hindi ko alam kung anong ginawa ko. Napaluhod na lang ako. Ayoko na ang sakit. Ang sakit sobra. Parang paulit ulit sa utak ko yung sinabi nya. Hindi ko na alam gagawin ko. Masyadong mabilis ang mga nangyare. Hindi ko na alam. Gusto kong umiyak ng umiyak.
~*~*~*~*~*~*~
•CHRISTIAN'S POV•
Tapos na ang schooldays wahhh bakasyon na sa wakas.
Kaso sana ganito na lang lagi. Hays. Ililipat na ako ng school at hindi ko pa nasasabi sa gf ko yun. T^T ughh hirap naman neto oh.
Inaantay ko si Trisha (gf~) dito sa mall. Kasama ko buong barkada ko pati barkada nya. Magswimming kami ng buong klase and bibili muna kami ng snacks bago umalis.
BINABASA MO ANG
My BESTFRIEND is my BOYFRIEND
RomanceTomodachi Family (Kristel x Christian) [Short Story]