•KRISTEL'S POV•
Ayoko pa pumasok. T^T Ayoko syang makita :( Hays.. Matatapos na bakasyon..
Nakakainis si Ryan.. Gumawa sya ng kwento sa lahat na marunong ako lumandi. Pag nagopen ako ng facebook ko ang daming nagmemessage saken ng kung ano ano. Tulad ng:
"Totoo ba yun.. Lumalandi ka na pala sa iba. Tama lang pala na di kita kinaibigan."
"Si Ryan pa niloko mo. Sya na nga lang pumansin at nag mahal sayo."
"Kristel, kala ko mabait ka."
Ang sakit. Nakakahiya na sa mga kaklase ko. Gusto ko na lumipat T^T.
"MAMA!!!" Tumakbo ako papunta kay mama na nasa kusina.
Pero hindi parin nya ako pinapansin >.>
"MAMA!!" Sinigawan ko ulit sya at sa wakas pinansin na nya ako.
"Oh, sumisigaw ka na pala ngayon kaso parang nak parang normal lang na pagsasalita ko yan eh." Natawa na lang si mama saken =.=
"Mama naman eh, Ma lipat na ako ng school" Sabi ko sa kanya habang nagluluto sya.
"Hay nako nak, bawal kang lumipat ang layo na ng ibang school. mahal na ang pamasahe ngayon. Mahirap na kumita ng pera." Sabi ni mama na naghahalo ng sabaw. Ang bangoooo. Sinigang ♥
"May nangyare ba nak kaya ayaw mo na sa school mo?" Sabi ni mama.
Napatigil ako nun kasi hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya yung tungkol kay Ryan pati pagkakalat nya samen sa school. Pero kaso di pa ko pede magbf, pero di ko naman bf si Ryan. Kaso nakakahiya. Pero baka magalit si mama saken kasi inuuna ko yung lovelife o baka magalit siya sa school namin at sumugod sya dun O_O naku ayaw ko ng lumala 'to T^T..
"Wala naman ma.." Sabi ko na lang sa kanya.
"Siguro may bf ka na at susundan mo dun sa ibang school ah naku kristel.." Sabi ni mama pero tuloy parin sya sa pagluluto.
"W-wala ma.. Nagsasawa lang ako sa school ko" Phew. si mama talaga T_T
Hays. babalik na nga lang ako sa kwarto ko. Wala din babalik din ako sa school na yun. Ayoko naaaaaaa..
Dumapa na lang ako sa kama ko at napatakip sa unan T^T
*broom, broom*
Tinanggal ko unan ko sa mukha ko.
Ano yun? Truck?
Ako naman 'tong curious na curious tumingin ako sa bintana namin at..
O____O
napatigil ako sa nakita ko sa kabilang bahay. Magkatapat kasi bintana ng kwarto ko sa bintana ng kwarto nila.
Nakakita ako ng lalake na nakadungaw sa bintana. Nakasalamin sya sa mata at parang tinitignan nya ako kanina pa.
Hindi ako madaldal na tao at mahiyain akong tao. Gusto ko magsalita na "Tinitignan mo ba ako?" o kaya "Anong tinitingin tingin mo."
Sinirado ko na lang yung kurtina ng bintana namin at humiga na lang ako sa kama.
"So may bagong lipat pala." Yun na lang ang sinabi ko at natulog na lang ako.
(DINNERRRR)
Bumaba na ako para kumain. Ang bango talaga.. Food lover ako ♥
"Ma, may bagong lipat pala." Sabi ko habang paupo ako sa upuan. Ang bangooooo *q*
"Oo nga nak eh. Kaya nagluto ako ng marami. Mamaya pupunta tayo dun. Iwewelcome natin sila." Sabi ni mama habang naghahain.
BINABASA MO ANG
My BESTFRIEND is my BOYFRIEND
RomanceTomodachi Family (Kristel x Christian) [Short Story]