Prologue:
"I'm sorry, Eumee. But let's end this." Walang kaemo-emosyong sabi niya sa akin. Naguguluhan ako sa bigla-biglang pag-iiba ng ugali niya.
"W-what do you mean?" Pagmamaang-maangan ko na lang sa sinabi niya. May kutob na ako pero ayokong maniwala. Ayokong mag-conclude. Baka mali ako. Sana.. Sana mali ako.
"You know what I mean, Eumee." Matipid ngunit may bahid ng inis na sagot niya. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko. No. No, please.
"Y-you're kidding, right?" Natatawa ngunit naluluha kong tanong sa kanya. Umiwas siya ng tingin sa akin.
"I'm sorry." Kasabay ng pagbitaw niya ng mga salitang iyon ay siya ring pagkawala ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Mahal ko siya, Mahal niya ako. We had that so-called "Perfect Love Story". Legal naman kami. Hindi naman kami yung mala-teleserye na pinaghihiwalay ng magulang. Boto pa nga sa kanya ang family ko eh! Pero bakit ganun?
He broke up with me. Ni wala ngang explanation or kahit man lang yung Famous Break-Up Line na: "It's not you, It's me." Tapos bigla-bigla nalang niya ako bibitawan ng ganun-ganun na lang? Ano ako, LARUAN? Na kapag nagsawa siya ay basta-basta niya na lang iiwan at ipamimigay sa iba? NO! DEFINITELY NOT!
Kaya nang dahil sa hindi ko matanggap ng basta-basta yun, nag-imbestiga ako. Humanap pa nga ako ng Private Investigator eh!
Kaya eto ako ngayon.
Tago dito, tago doon.
Sunod dito, sunod doon.
I am SPYING MY EX nga, diba?
Tumulong ka ha?
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.
BINABASA MO ANG
Spying My Ex (Soon)
Teen Fiction"Nakipag-break siya sa akin ng walang dahilan. Kahit kailan hindi ko matatanggap yun. Gagawin ko lahat, malaman ko lang kung bakit niya ako iniwan. Spying My Ex? Let's get it on." -Eumee Kaitlyn Ignacio