A

8 1 0
                                    


How about Gabriel Drew?
Gwapo, Mayaman, Mabait! Oh? San ka pa!

Tapos Matanda? Xermi, sobrang Kuya naman yang si Gabriel. Too mature.

Okay! Iba nalang. Si Brandon?

Seriously? Nakabuntis na yong tao!

Hay. Grabe talaga ang pinsan kong si Xermi. Kung maka match make wagas!

Sa mga oras na ganito, lalake lang ang topic namin. Ito ang aming libangan. Since kami nalang ang walang boyfriend sa aming magpipinsan, free kami sa mga ganito. Tsk. Para kaming mga low class dahil dito.

Kami ang mga SAFRIGNE. Born with beauty, riches, and talents. Masasabi mong kami ang pinaka sikat dahil dyan.

Always akong ipinagmamalaki ng lahi namin. Because I am the Muse of our generation. Marami ang nagsasabi na ako ang pinaka maganda sa aming magpipinsan. Maganda kaming lahat. Hahaha. Yes,totoo.

Pero isang bagay lang ang ipinagtataka nila. NBSB ako.

Akala nila sila lang ang nagtataka?

Pwes! Ako rin! Paano ba namang hindi? Sa ganda kong ito? Wala talaga? Wala! Ewan ko lang kung bakit hindi ako nililigawan ng mga lalake. Tsk. May nali-link sa akin pero bigla nalang nawawala na parang bula.

Pero hindi ko ito kahinaan. I took it as an advantage. Malaya ako. Malayang pumunta kahit saan ko gusto at kahit sino man ang kasama ko. Basta, alam lang ng parents ko.

Hay! Ewan ko sa iyo! Basta ako, may paparating na.

Ha? Anong paparating?
Ano na naman ba itong pinagsasabi niya?

May BOYFRIEND na ako!!!! Hihihi

Dahil nabigla ako sa sinabi nya, nabitawan ko ang iniinom kong juice at nabasa ang damit ko.

Ahhhhh! Xermi!!!!

Oh my Cuz! Paano na yan? Basang basa ka! May extra ka ba?

Ito talaga ang pinaka ayaw ko sa lahat. Ang mabasa ng Juice! Tapos isa pa, wala akong extra!!!

Xermi! Kasalanan mi ito! Anong ibig mong sabihin? May Boyfriend ka na? Paano? Kailan?

Paano sya magkaka-boyfriend? Eh wala naman akong nakitang nagbigay ng bulaklak sa kanya? Lalo na kasama nya lagi si Kuya Stephen. Strict at ayaw nya na may mag-aaligid na lalake kay Xermi. Kuya's girl kasi sya at close talaga silang magkakapatid lalo na si Kuya Miguel na sobrang sweet na kuya.

Really? Alam ba ito nila Kuya?

Yep! Hihi.

Nakaka-inggit ka naman! Kahit hindi totoo. Hahahaha!

Eee. Valentine naman e! Totoo nga. Si Kuya Stephen ang nagpa set-up para sa amin. Hahaha!

Nagbibiro ba sya?

Oh! Nandito na sya cuz!!!! Teka, madumi ba ang mukha ko ? Magre-retouch ba ako? Ahh.. hehhe. Hello Zed. Hihi.

Napatulala ako sa lalaking biglang sumulpot sa gilid namin.

Hello Xermi. Are you ready?

Grabe! Akala ko Joke lang yun! Shemay tong si Xermi!

Ahhh. Hehehe. Zed, this is Valentine, my cousin. Valentine, this is Zed, my boyfriend.

Hello Valentine! Nice to meet you.

Ahe-he. Nice to meet you too.

Nakakabighani ang clean cut nyang buhok, ang matangos nyang ilong, ang moreno nyang balat at especially ang height nya! Antaas nya!

Hehe. Let's go babe?

Nakita kong pumula ang cheecks ni Xermi. Ahhhhhh! Nagseselos ako! Bakit sya meron na? Bakit sya lang?? Ughhhhhhh!

Hihii. Cuz, alis na kami ah? Wag ka magpagabi. Text me kung nakauwi ka na. Okay?

Cuz, malaki na ako. Wag ka nalang kaya umalis?

Cuz naman! Hihi. Let's go babes. Bye cuz!

Umalis na sila at iniwan akong mag-isa.
Madaya sila!

Wala na akong gana. Kaya umuwi nalang ako. Tsk!

Sa bahay, ako lang din mag-isa.

Forever alone ba talaga ako? Tsk!

Nagfacebook nalang ako dahil sa sobrang boring at tahimik!! Kung sana andito ang mga pinsan ko!

Sila talaga ang mga bestfriends ko. Kasi naiintindihan nila ako.

Si Xermi, makikita mong nasa kanya ang buong shades ng isang amerikana. Matangos ang kanyang ilong, pula ang mga labi kahit walang lipstick, light brown ang color ng mga mata, may spots, matangkad at perfect ang jaw line.

Si Shane naman ay isa sa mga masasabi mong over protective sa mga kaibigan at kamag-anak nya. Kahit kaming mapipinsan ay sya ang sandalan pag may problema. Dakila syang advicer at emosyonal sa simpleng bagay o problema. Sya yung may asian beauty sa amin. May pagka-sinkit sya at maputi. Matangkad at maladyosa ang buong aura nya. Swerte sya sa boyfriend nyang Best friend nya. Nakakainggit talaga.

Ang pinaka sadista sa amin ay si Blaire, sa salita man o gawa. Pero di nya kami pinapakitaan ng sobra. Sinusuntok, kinukurot at binubogbog nya lang naman kami. Sya yung parang tomboy sa amin pero sobrang babae sa make-up, tindig at bihis. May muscles sya at bagay na bagay ito sa kanya. Hindi naman sa sobra yung muscles nya. Tamang- tama lang sa babaeng sporty. Swerte rin sya sa bf nyang ka-sosyo nila sa negosyo. Sabi nila tito, sila na raw talaga ang makakatuluyan. Nakakainggit!!

Si Keera naman ang pinaka mataas sa amin. Makikita mo sa kanya ang pagka-japanese nya dahil sa mga mata nyang singkit. Nagmana sya sa mommy nya na si Tita Mei. Napaka puti nya at sobrang cute ng mga pisngi. Mahilig sya sa party2 pero sa bahay lang, yung kami lang magpipinsan. Ang boyfriend nya ay classmate namin since elementary. High school pa lang kami ay sila na. Botong boto sila tito at tita sa kanila dahil pro-business din ang bf nya.

May mga boys din kami. Si kuya Miguel ay Mabait at amerikano ang shade. Parehas lang din sila ni Kuya Stephen, pero si Kuya Stephen ay nagmana sa mga Safrigne, sa kilay at mata. Magkapatid sila nila Xermi.

Si Kuya Sky ay isa sa mga ipinagmamalaki ng mga Safrigne. Isa na syang propesyunal ngayon at nagta-trabaho sya sa ibang bansa. Minsan lang namin sya nakikita. Brother sya ni Shane.

Si Kuya Kyler naman ang kuya ni Keera. Nasa Davao sya at sya ang nagtataguyod ng business nila roon. Sya ang pinaka panganay sa amin.

Last but not the least ay si Kuya Darylle. Sobrang close kami ni kuya. Dahil sya ang nag alaga sa akin noong bata pa ako. Kasi sobrang busy sila Daddy at Mommy sa work, sa bahay nila ako tumira ng tatlong taon. Pero umuuwi naman din sila mommy at daddy noon, kaya hindi ako nagtatampo. Kapatid nya si Blaire at sobrang mgkamukha sila. Isa syang doctor ngayon sa ibang bansa.

May friend din akong close na hindi ko kadugo. Sya si Dara. Mahinhin at sobrang anghel ang mukha. Pero pinaglaruan sya ng bad boy na friend ni Xermi na si Brandon. Kaya nabuntis sya at umalis sila ng pamilya nya. Malaki ang epekto nito sa amin lalo na kay Shane,kasi sila ang mag bff. Kawawa talaga sya. Pero, susuportahan namin sya at susundan para damayan.

Sila ang mga perpekto kong kaibigan. Hindi nila ako iniiwan lalo na kasi only child ako.

Ako si Valentine pronounced as va-len-tin. Ako ang muse sa generation namin. Because my mom is a european woman. Bahid sa mukha ko ang purity ng european lady. Sobrang nagmana raw ako sa kanya. Kaya sobrang inggit ng daddy ko sa mommy ko.

My life is so perfect. For me, ayoko nang maiba ang buhay ko. I don't think na disadvantage na wala akong kapatid, marami naman akong pinsan at kaibigan.

Life is all about acceptance & loyalty.

I am a Safrigne. And I will always be.

YEAR OF THE HEIRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon