Chapter 1"You are leaving that school, and that's final!" Sigaw sakin ng mommy ko. Gusto niya na kasi akong lumipat. And I don't know why.
"But why? I've been in that school for almost 10 years. Tapos lilipat ako?!" Sagot ko naman sa kanya. I don't understand her. "Why don't you just tell me the reason?!" Pati ako naiinis na sa mommy ko.
"Don't answer me like that! Whether you like it or not, lilipat ka! Do you understand?" Sabi ni mommy sakin, galit pa rin.
"But mom-" she cut me off. "No buts Alexandra." Nanlilisik ang mga mata nito. Tumingin naman ako sa daddy ko na walang ginawa kundi ang manuod samin ni mommy.
"Daddy..." Baling ko sa kanya. Alam kong hindi siya papayag. He understands me. Pipigilan niya si mommy. Sana...
"Kath, baka naman pwedㅡ"
"Alam mong hindi pwede, DJ. Napagusapan na natin to." What the. Tinignan naman ako ng daddy ko. Like he's telling me that he can't do anything about it.
"No. No. No. No, you can't do this! Ayokong lumipat!ㅡ"
"ALEXANDRA PADILLA! GO TO YOUR ROOM NOW!" Nagulat na lang ako ng biglang sumigaw si mommy. Yeah, hindi na bago. Pero syempre nakakagulat pa rin. Ikaw kaya sigawan ng mommy mo. "But ma!"
"I SAID NOW!" Sigaw niyang ulit. Sa sobrang inis ko, umalis na lang ako at nagmukmok sa kwarto ko.
#
"Alexa aalis ka na ba talaga? Iiwan mo na ba talaga ako? Beh, ingat ka dun ha. Oy, tumawag ka palagi ha. Update me always. Dapat alam ko ginagawa mo araw araw. Tapos dapaㅡ"
"Teka nga! Ano ba? Lilipat lang ako ng school. Hindi naman ako aalis ng bansa. Grabe ka naman. Gusto mo na ba akong umalis, ha?" Sita ko sa kaibigan ko. Ang O.A niya kasi. Kanina pa siya. Parang namang mag-ma-migrate ako.
"Ayyy! Basta, beh! Updated ako palagi ha? Nakoooo! Gagawa ako ng paraan para makalipat dyan sa school na yan. Magkakasama pa tayo." Sabi niya. Awwww. Na-touch naman ako. I'm so lucky to have this person as my friend.
Beep! Beep!
"Ayy! Andyan na yung daddy ko. Ingat dun ha? Text kita later." Sabi nito at nag-ehem pa siya at nag bago ng boses. "Gotta go missy." Sabi niya. Natawa naman ako.
"Bye!" Sabi ko habang hinihintay siyang makaalis.
"Ate, labas lang ako ha!" Sigaw ko sa katulong namin. Hindi ko na siya hinintay mag salita at umalis na lang ako.
Napagisip isip kong mag lakad na lang muna. Tutal naman sobrang dalang kong lumabas ng bahay. Tyka masyadong akong naistress sa paglipat ng school. Baka ng isang buwan na akong hindi nakakagala dito eh. Well, OA man pero totoo. Bahay-School kasi ako. Tapos yung bestfriend ko siya na yung dumadalaw sakin dito. Para daw makatakas siya sa magulang niya.
Nagpatugtog na lang ako habang naglalakad. Ang sarap pala ng hangin dito. Lagi ko na lang tong gagawin. Hayyy...
"Think you're all about me but I'm all about-ayyy!"
Nagulat na lang ako ng muntik na akong madapa, buti na lang at medyo alert tong katawan ko at nakapag balance pa ako. Sisitahin ko na sana yung nakatulak sakin, kaso paglingon ko....