When you're in a relationship and you really love someone, it can't always be about you, remember you have to give to receive.
==================
~This is a Short Story~
==================
"Let's get married."
Halos mabilauk-bilaukan naman ako sa pagkain ko nang marinig ko ang sinabi nya.
Seryoso?
Nag-aya syang kumain,nagkwentuhan kami,and then sa kalagitnaan ng pagkukwentuhan namin,bigla nyang sasabihin yan?
Oh my God!
Hindi ganitong marriage proposal ang pinapangarap ko.
"W-what?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
Nagkibit balikat sya.
"I think it's time for us to settle down babe,napag-isip isip ko,matagal na din naman na tayo. Kaya siguro naman pwede na tayong magpakasal." aniya.
Hindi ako nakakibo. Masaya ako,oo. Disappointed? Oo din ang sagot ko.
Disappointed ako.
Nakakalito no?
Well,kahit naman sinong babae siguro nangangarap din nang mala Tom Cruise and Katie Holmes marriage proposal, na tipong aakyat pa sa tuktok ng Eiffel Tower at doon magpopropose.
Kaya naman akala ko magkakaroon din nang Brenan-Isabelle marriage proposal na papatok at magtetrending din sa youtube.
Kaso, wala eh. Simpleng "Let's get married" lang ang tipo nya.
Pero masaya ako kasi nag-aaya nang magpakasal sa akin ang lalaking mahal na mahal ko,kaya naisip ko siguro sa mismong wedding day na lang namin sya babawi.
***
"O.M.G... Wow bez congrats!" tuwang tuwang sabi sa akin nang besi ko, si Kiera.
Niyakap nya ako nang pagkahigpit higpit sa labis na tuwa para sa akin. Sinabi ko kasi sa kanya na inaya na akong magpakasal ni Brenan.
Andito kami ngayon sa condo nya,dito na ako nagpadiretso kay Brenan matapos naming mapag-usapan ang mga detalye ng magiging kasal namin.
"Oh eh bakit parang malungkot ka?" nakapameywang nyang tanong sa akin.
Umupo naman ako sa couch nya habang malungkot na nakapahalukipkip.
"Eh kasi naman bez, bakit ganun sya. Walang man lang ka-sweet sweet sa proposal nya." naiiyak kong sabi sa kanya.
Lumapit naman sya sa akin at umupo sa tabi ko.
"Ano ka ba bez,napaka demanding mo naman. Ang mahalaga ikakasal na kayo, ano ka ba."
"Huhuhu eh kasi naman bez umaasa ako na, pagkagaling ko sa work,hindi nya ako susunduin and then may ibang susundo sa akin at sasabihin naaksidente sya, and then syempre ako todo kaba at pupuntahan sya. Tapos pagkadating ko doon sa kung asaan sya, matatakot ako kasi madilim,tapos maya maya bigla na lang bubukas ang ilaw at may tutugtog habang sya papalapit sa akin at kumakanta. Marami pa lang tao, Tapos ako iiyak syemp---- aray."
Napasigaw naman ako sa malakas na pagkakabatok sa akin ni Kiera.
"Landi mo,mangarap ba? Sa tingin mo meron pang ganyan ngayon?" nanlalaki ang mga mata nyang sambit sa akin.
Ako naman ay hinihimas himas pa din ang aking ulo na binatukan nya.
Ang sakit ng pagkakabatok nya sobra.
Naku,kung hindi ko lang bestfriend to eh.
"Meron naman, hindi ka ba nanonood sa youtube?" nakapout kong sabi sa kanya.
"Youtube,youtube. Alam mo kung sa akin may nagpropose na katulad nang boyfriend mo,ako na siguro pinaka-masayang babae sa buong universe. Landi mo!" iritableng aniya sa akin sabay tayo.
Napansin ko namang nagdiretso sya ng kusina.
Hay tama sya,dapat magsaya ako. Ang gwapo kaya ng Brenan ko. Gentleman pa. Mabait, mayaman. Hay lahat na yata nang mga katangian ng lalaking gusto ng mga babae nasa kanya na.
Perfect!
***
"What???" gulat na gulat na tanong ko.
Lahat naman sila ay sabay sabay na nagtinginan sa akin.
Civil Wedding?
"Ah I- I mean para po yatang nagmamadali tayo." nahihiya kong sabi sa kanila.
Andito kasi ngayon si Brenan at ang mga magulang nya para pormal na hingin ang kamay ko sa mga magulang ko.
Si Brenan naman ay matiim lang na nakatitig sa akin.
Nag excuse ako sa mga magulang namin at pasimple syang hinila para makausap ng sarilinan.
At nang makalayo na kami sa hindi maririnig ng mga magulang namin ay kinausap ko sya.
"Di ba napag-usapan na natin to? Bakit biglang naging civil na lang yung kasal natin?" iritable kong tanong sa kanya.
Masyado na ngang simple yung proposal nya,pati ba naman kasal namin? Psh.
"Nagkaroon kasi ng biglaang Business proposal ang mga Investors sa Japan, I will stay there for two months babe. Next month na yun,kaya wala na tayong time para sa church wedding."paliwanag nya.
"Eh bakit niyaya mo pa akong magpakasal kung wala ka rin palang time sa pagpeprepare ng kasal natin?" galit ko ng sabi sa kanya.
Sya naman ay parang hindi makapaniwalang napakunot pa ang noo habang nakatitig sa akin.
Napabuntong hininga naman sya nang maglaon.
"Alam ko namang hindi ganito ang pinapangarap mong kasal. Sorry to disappoint you babe. Gusto ko lang namang maikasal na tayo bago ako umalis." malamlam ang mga matang aniya sa akin.
"Bakit kasi parang madalian ang lahat?" nakapout kong tanong sa kanya.
"Babe, sabi ko naman diba wala ako for two months. Malay ko ba baka pagbalik ko ipinagpalit mo na ako. Naniniguro lang babe." taas baba pa ang kilay nyang sabi sa akin.
"Seriously? Sa tagal na natin ngayon ka pa nawalan nang tiwala sa akin?" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya.
Siya naman ay natatawa lang sabay akbay sa akin.
"Babe,hindi naman yun ang ibig kong sabihin. Gusto ko lang naman na maikasal na tayo." Aniya habang naglalakad na kami pabalik sa loob ng bahay.
"Hmn ewan ko sayo,wala ka man lang kasweet sweet!" sabi ko at inalis ang kamay nyang nakaakbay sa akin at nagpatiuna na sa paglalakad.
