***
Kinabukasan ay nagdadalawang isip pa ako kung papasok ba ako sa trabaho,nakakatamad kasi.
Hindi ko mafeel na ikakasal na ako. Pati pag-aayos ng mga papers namin para sa kasal ay ibang tao pa ang pinag-ayos nya. Kung tutuusin kahit ako na ang mag-ayos pwede naman.
Lumipas pa ang mga araw,dumadalang na sa pagbisita sa akin si Brenan. Pati txt at tawag ay ganun din.
Hindi ko alam kung nag-aalangan lang sya kasi alam nya na magpa hanggang ngayon ay may tampo pa din ako sa kanya.
***
Isang linggo na lang at kasal na namin. Ayos na din ang lahat nang mga dapat ayusin. At dalawang linggo na lang ay aalis na din sya patungong Japan. Maiiwan daw ako dahil pure business lang daw ang gagawin nya don at baka mainip lang ako,kaya naman sa pagbalik na lang daw nya ang honeymoon namin sa Palawan for two days. O, san ka pa diba? Ang sweeettt!
Hay kaloka! Asar!
Pero bakit ganito, habang papalapit ang kasal namin bakit hindi ko maiwasang kabahan?
Parang anlamig lamig na nya sa akin.
Ganito ba talaga pag malapit nang ikasal?
Nagulat naman ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Babe is calling.....
Agad ko namang sinagot ang tawag nya.
***
Matapos kong makapag-ayos ay bumaba na ako galing sa aking silid at nagtuloy tuloy na lumabas.
Magkikita kami ngayon ni Brenan. Kanina nang tumawag sya ay ang lungkot lungkot ng boses nya. Bakit kaya?
Sa dating kinakainan namin naisipang magkita.
Pagkapark ko ng kotse sa tapat lang ng restaurant ay bumaba na kaagad ako at nagtungo sa loob. Hindi naman nagtagal at nakita ko din sya kaagad.
Papalapit pa lang ako sa kanya ngunit kapansin pansin na talaga ang lungkot sa mga mata nya.
Tumayo naman sya agad ng makita ako. Hinalikan nya ako sa pisngi at inalalayang makaupo.
Hindi ko alam ngunit kinakabahan ako.
"Babe, is there something wrong?" nag-aalala kong tanong sa kanya.
Napansin ko naman na parang kinakabahan din sya.
"Babe, I'm sorry. Hindi na matutuloy ang kasal." aniya sa mahinang tinig.
Hindi na matutuloy ang kasal.
Hindi na matutuloy ang kasal.
Hindi na matutuloy ang kasal.
Pakiramdam ko ay huminto ang paggalaw ng mga nasa paligid ko,pakiramdam ko ay binging bingi ako at ang tanging nadidinig ko ay ang paulit ulit na pagbigkas nya ng mga katagang yon.
Hindi ako makakilos, nakatingin lang ako sa kanya habang parang slow motion ang paggalaw ng bibig nya.
May sinasabi sya sa akin pero hindi ko maintindihan dahil wala akong madinig. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya at pinapanuod ang pagbuka ng bibig nya.
***
Namalayan ko na lang na nasa bahay na ako at nasa sariling kwarto. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na hindi matutuloy ang kasal namin.
Nadinig ko ang sunod sunod na pagkatok sa pinto ngunit hindi ko pinansin yun at nagpatuloy lang sa pagmumukmok.
"Anak?" si mommy.
![](https://img.wattpad.com/cover/40980530-288-k447870.jpg)