***WANTED 5***
Bella Mirae's POV
Punong-puno na naman ng mga damit ang closet ko dahil sa ginawa naming shopping spree kahapon ni Zoe. Somehow, nakalimutan ko ang inis ko sa lalaking maniac na yun. I think I'm very well prepared for the occasion. Tomorrow is the wedding day of Zoe's sister. Kaya naman ang bestfriend ko ay todo assist. Napakabusy niya ngayon dahil tumutulong daw siya sa preparations. Sinabi pa niya na absent muna siya ngayon pero she insisted naman na sumama ako mamaya sa family dinner nila para daw di ko siya mamiss but I told her that I'll be fine.
By the way, today is my third day here in the Philippines.
Nagpalit na ako ng damit. I chose to wear a simple jogging pants and a big shirt na may nakaprint pang mukha ni patrickstar. I wanted to laugh out loud dahil hindi talaga ako sanay na ganito ang sinusuot. I usually wear super shorts and a racer back sando during workouts.
Well anyways, I seriously need to run right now. Maaga pa naman at wala rin naman akong naiisip na gawin. I told you already that when I was in New York, I always go to the gym to keep a healthy and fit body. Sinuot ko na ang sketchers kong running shoes at syempre itinali ko na ang buhok ko into bun.
One last thing, my thick eye glasses.
Lumabas ako ng Ylleshnne Hotel at nilanghap ang hangin sa Pilipinas. Maganda ang weather at hindi malamig ang hangin kumpara sa New York.
Sinimulan ko na ang pagtakbo dito sa park at natutuwa ako dahil marami ring nagjojogging na mga bata at kasama pa ang parents nila. Naisip ko tuloy sila mom and dad. Siguro kung hindi sila namatay noon sa aksidente ay kasama ko sila ngayon sa tabi ko. As far as I could remember, lumaki akong daddy's girl but that doesn't mean na hindi ako close kay mom. Siguro mas pareho lang kami ni dad ng mga hilig at namana ko rin halos lahat ng physical features niya. Sabi nga nila noon, ako daw ang girl version ng dad ko.
I smiled. Puro masasayang memories ang meron ako about sa parents ko. Sobrang mapagmahal sila at hindi nila ako pinabyaan. But sadly, maaga sila nawala but their love will remain forever in me.
Binagalan ko ang takbo ko. I forgot to bring my water. Nag jog ako ulit paikot at natanaw ko ang isang convenient store di kalayuan.
Papatawid na sana ako ng makita ko ang isang matanda na malapit at isang kotse na papalapit sa kanya.
Oh shoot!
Beeep~
I run as fast as I could para mahila si lola..
"Okay lang po ba kayo?," hinihingal kong tanong kay lola.
"Okay lang Hija..salamat," ngumiti naman si lola to assure me na okay lang siya.
Inakay ko na siya sa kabilang side pero biglang may sumigaw di kalayuan.
"Hoy! Balak niyo ba magpakamatay pareho?!," sigaw nung galit na lalaki pagkababa niya sa kotse niya.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Chase (On-Hold)
Teen FictionSomeone once told me that LOVE is a sensitive thing and it is hard to find and much harder to lose... BUT I DON'T CARE. Love is a game for me. The principle is, the more you fall, the more you lose.. True love is a big joke--As if TRUE LOVE EXISTS I...