A Good Start

24 0 0
                                    

"Whaaattt?!" Ako, magiging isang janitress! Dad are you out of your mind?!"

Halos mahulog sa kinauupuang sofa  si Avery mula sa narinig sa kaniyang ama.

"Narinig mo ako Avery,  you are going to work with Sta. Avedra's.! You have to learn about the ins and outs of business. So don't act stupid. You're a stubborn lady. You are wasting a lot of time with nonsense things! Wasting not just time but my hard earned money.

"But dad why naman janitress? Nacut na nga ang credit card ko tapos gusto mo pa akong magwork sa Sta. Avedra bilang janitress."

"Hindi mo matutunan ang totoong reyalidad ng buhay kung hindi ka magsisimula sa ibaba. Inubos mo ang pasensya ko, nagwaldas ka ng pera sa halip na tulungan ako sa negosyo natin. Kaya dapat lang na mahirapan ka." Matigas ang pananalita ni Mr. Rodriguez. Gusto niyang matauhan ang kaniyang kaisa-isang anak sa lahat ng mga ginagawa nito.

"But dad please... don't do this to me." Halos lumuhod si Avery sa pagmamakaawa sa daddy niya. Pero dinedma lang siya nito.

Tumingin lamang nang matalim si Mr. Rodriguez sa kaniyang anak at tumalikod na ito. Umakyat ito sa second floor ng kanilang bahay at pumasok sa kwarto.

Naiwang nag-iisa sa sala si Avery. Malalim na nag-isip. "Ah! This is incredibly insane! Ang kaniyang ama gagawin siyang janitress sa Sta. Avedra Realty and Development Incorporated!  Sinisi niya ang sarili. Kasalanan niyang lahat ito e. Nagpakalulong siya sa pagshashopping at pakikipagbarkarda. Party dito, at gimik doon. Daan-daang libo ang nauubos niya sa isang araw sa pagsasaya at pagbili ng mga designer bags, shoes and clothes. Humigit kumulang dalawang milyon ang nagastos niya nitong huling buwan at nalaman 'yun ng kaniyang ama. Tinawagan nito ang bangko niya at pinacut ang lahat ng credit line niya. Kaya wala siyang kapera-pera ngayon. Mula namg maghiwalay ang mga magulang niya ay naging ganito na siya. Naging waldas sa paggastos sa pera. Naging outlet niya ito para pansamantalang kalimutan ang problema niya sa kaniyang pamilya. Sinisisi niya ang ama kung bakit iniwan sila ng kaniyang ina at sumama ito sa ibang lalaki.  Naisip niya na naging mahigpit kasi ang kaniyang  ama sa pera. Hinigpitan nito ang kaniyang ina. Hindi pinalalabas ng bahay. Hindi pinabibili ng mamahaling mga gamit. Masyado itong kuripot, kahit na alam naman ng lahat na mayaman sila ay praktikal lang itong mamuhay. Hindi ito matanggap ng kaniyang ina na isang sosyal na babae at materyosa kaya't sumama ito sa isang lalaking mas mayaman pa kaysa sa Daddy nya. Iniwan sila nito at lumaki siyang walang nanay na naggaguide sa kaniya. Ang daddy naman niya ay palaging busy sa negosyo.

"OMG!"ang nasabi ni Avery habang nakatayo sa harap ng isang gusali na may apatnapung palapag. Ang gusali ay nasa gitna ng Ayala Avenue. Sa itaas nito ay nakalagay ang pangalan ng Kompanya na Sta. Avedra Realty & Development Inc. Katabi ito ng mga naglalakihan ding gusali ng iba't ibang kompanya. Sa harap naman nito ay may mga sikat na restaurant at coffee shop. Napaangat ang kilay ni Avery, "ang laki naman ng building nila." Hindi hamak na mas malaki ito kaysa sa building nila sa West Avenue.  Sila ang nagmamay-ari ng Rodriguez Construction Company. Mayaman din sila pero mas mayaman ang mga Sta. Avedra.

"Lahat ba ng floor niyan lilinisin ko,?" bulong ni Avery sa sarili. Walang siyang magawa kung hindi sumunod sa kagustuhan ng kaniyang ama na maging janitress komapaniyang ito. Susundin niya ito dahil ito lamang ang paraan para maibalik nito ang lahat ng credit card niya at makapagshopping siyang muli at makagimik kasama ng buo niyang barkada.  Pati mga kaibigan niya ay pinagbawalan ng Daddy niya na makipag -usap sa kaniya. Nagngingitngit man ang kalooban ay padabog siyang naglakad patungo sa entrance ng gusali ng Sta. Avedra nang walang anu-ano'y nabunggo niya ang isang lalaki na nakablack suit. May hawak itong celphone at may kausap sa kabilang linya.

"I'm sorry miss." Mabilis itong nagsalita at di man lang lumingon sa kaniya. Nagmamadali na ring pumasok ang lalaki sa entrance. Sumunod si Avery. Napahinto ang dalaga nang mapagmasdan ito. Medyo kulot ang maalun-alon nitong buhok. Maaamo ang mukha. Matangos ang ilong at maputi. Matangkad ito na sa estimate niya ay nasa lampas six feet ang taas. Mukhang artista sa mga Turkish movies. Noon lang napahanga si Avery sa isang lalaki.  Sa tagal ng panahon na pagiging party goer at gimikera, wala siyang naging boyfriend dahil never niyang nakita sa mga namimeet niyang lalaki ang love. Naexcite siya at sinundan niya ito. Naaakit siya dito.  Bigla siyang naging avid fan na humahabol sa kaniyang idolo. Ang guwapo ng tindig niya! Parang model!  Dagdag pa ang mahalimuyak na pabango nito na nakakadagdag ng sex appeal.
Sumakay ang lalaki sa elevator at sumakay din si Avery. May kausap  pa din ito sa celphone nito.
"Yes I'm going to Turkey next month and we will launch our next project there. So keep in touch, I will let you know where and when we will meet. Bye. Pinatay ng lalaki ang celphone. Napalunok siya. Pati boses ng lalaki ang ganda. Ang perfect naman niya. Bulong niya sa sarili. 
"Bakit kumakabog ang dibdib ko? Bakit parang namamagnet niya ko?" Naguguluhan man ay pilit niyang pinakalma ang sarili.
"Miss...,"malakas ang boses ng lalaki na ikinagulat ni Avery.
"What floor?
"Ha?" Ano daw? Hindi nya maintindihan ang sinasabi nito. Ang lakas kasi ng kabog ng dibdib niya. Takot ba ito o kaba. Hindi niya maunawaan. Hindi niya nakuha agad ang sinasabi nito dahil naging busy siya sa pag-iisip dito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Good StartWhere stories live. Discover now